"Maganda naman talaga siya," pagsang-ayon ko sa sinabi niya.Hindi naman maipagkakaila na maganda si Ruby. Pinagpala sa height, maganda ang kurba ng katawan at bumagay doon ang hanggang leeg at medyo kulot niyang buhok. Gandang morena ang mayroon siya.
Tsaka, malaki ang hinaharap. Doon pa lang talo na ang mga kutsinta ko.
"Sino?" tanong ni Malko.
"Malamang 'yong Ruby, siya naman ang pinag-uusapan natin dito," napairap ako.
"We are talking about her?" muli niyang tanong.
"Sobrang ganda niya ba kaya nawala na sa katinuan ang utak mo?" naiinis ako sa kanya at sa tono ng boses ko.
"I didn't know we're talking about her," inosente pa nitong dagdag.
Napahilamos ako ng mukha, naiinis na. "Umuwi na lang tayo, Larson."
"Para kang nagseselos."
Natauhan ako bigla sa narinig kaya tumayo ako nang maayos at pilit na ngumiti. "Guni-guni mo lang 'yan."
Pairap ko siyang iniwasan ng tingin at naunang naglakad palayo. He kept on calling me pero hindi ko siya nilingon. Hindi ako tumigil sa paglalakad hanggang sa nawala ko siya. Ayokong makita niyang nagkakaganito ako. Dapat hindi ako mag-inarte na parang mayroong namamagitan sa amin. Hindi ko na tuloy namalayang nilalakad ko na pala ang daan pauwi.
"Alfred, pansinin mo naman kami!"
Dire-diretso lang ang paglalakad ko kahit madaming tumatawag sa pangalan ko. Ibang grupo na naman iyon ng mga tambay sa amin na mag-uumpisa nang maglaklak hanggang madaling-araw. Parang mga uhaw sa babae! Makakita lang ng maputi ay nagkakagulo na sila.
Hindi ko na naman nadatnan ang mga magulang ko pagkarating ng bahay at 'yon naman ang gusto kong mangyari. Kaya lang ang mga pinagkainan nila ay hindi pa naliligpit, makalat din ang bahay at puno ng huhugasin ang lababo.
Nagbihis lang ako saglit para makapag-umpisa nang magligpit at magluto. Nilabas ko ang phone ko para mag-charge at nakitang tinadtad ako ng chats ni Malko.
Bakulaw:
Where are you?
San ka pumunta?
Red?
Iniwan mo talaga ako?
Bastos mo namanYou missed a call from Bakulaw
You missed a call from Bakulaw
You missed a call from BakulawBakulaw:
Is this about Ruby?
Hmm?
Grabe ka naman magselos"Huh! Selos?! Hindi ako nagseselos. Bakit naman ako magseselos? May karapatan ba ako? Bakit, ano ba tayo? 'Di ba friends lang? Kailan pa pwedeng magkaselosan ang magkaibigan?"
Gusto kong i-type iyon pero hindi ko magawa. Ayokong mas ipangalandakang ganoon nga ang nararamdaman ko.
Bakulaw:
Seen lang?
If this is about Ruby, then tell me. Pupuntahan kita para magpaliwanag.Siya? Pupunta rito para magpaliwanag? Gawain ba ng mag-friends 'yon na may nickname para sa isa't-isa as a sign of friendship?!
Bakulaw:
Fine, let's just talk tomorrow
But please, tell me you're home alreadyBulilit:
You're home alreadyPilyo akong napangiti nang makita nag-t-type pa siya kaya pinatay ko na ang mobile data ko. Nag-ayos ako ng bahay pati na sarili ko, pagkatapos ay nagluto na ako. Nag-prito ako ng itlog at isda at ginawang sinangag ang natirang kanin kaninang umaga. Tinawag ko na ang mga alaga ko para sabay kaming makakain.
YOU ARE READING
Her Fearless Ways
RomanceLiving has never been easy for Alfreda Guevero. She grew up in an abusive household with a fear of her life ending in the hands of her own family. Thankfully, she has Malkovich Larson Obenieta, a friend whom she secretly likes for years. A bunch of...