POML /03/: MUSIC OF RAINDROPS

146 86 3
                                    

SAND'S POV

1:58p.m na at hindi pa rin bumabalik si manang! Sabi niya saglit lang siya.

"Sorry, dong." Dali-dali kong nilapitan si manang na siya namang hinahabol pa ang hininga nito habang ang mga kamay ay nasa balakang. "Medyo mabibigat lang ng kaunti ang mga paso, alam mo na, may edad na," dagdag niya pang wika habang hinihimas himas ang bandang likuran ng kaniyang balakang. "O siya at umakyat na tayo kay madam."

Nanguna sa paglalakad si manang habang ako naman ito parang batang mawawalang nakasunod sa kaniya. Kahit siguro hindi bata mawawala sa bahay na ito paano ba naman, ang hagdanan nila dinaig pa malacañang sa sobrang haba at dumagdag pa sa ganda nito ang bahagyang pakurba nitong disenyo.

Parang may kung anong lulmilipad na hindi makitang mga nilalang sa utak ko dahil sa oras pero hindi rin kaiwasan ng mga mata kong ilibot ang aking paningin sa bawat sulok na madadaanan namin sa bahay na ito.

Kahit siguro daga liliwanag ang buhay rito dahil sa dami ng ilaw. Hindi ba tumataas kuryente nila at sabay-sabay nakasindi ang ilaw kahit sa tingin ko ay wala namang masyidong tao rito.

Nahinto sa paglalakad si manang nang marating namin ang isang kuwarto-to be exact, ika-limang kuwarto mula sa hagdanan. Marahan siyang kumatok at binuksan ito. Pinangunahan niya ulit ang pagpasok at bumungad sa amin ang isang babaeng naka-upo lamang sa isang upuan, diretsyo lang ang tingin nito.

Unti-unting lumapit si manang sa tenga nung babae at may binulong siyang kung ano. Bakit kailangan ibulong?

"No! 'Di ba sinabi ko na 'yan sa 'yo?! I will not entertain applicants, anymore!" Muntikan ng lumipad ang mga papel at mabasag ang mga salamin sa taas ng boses niya. "Paalisin mo na 'yan!"

"Pero madam-"

"Miss, nandito lang ako para-"

"What? I know you're here to find a job," she said turning her head in the direction where I am but she's not looking to my face nor my eyes. "Andito ka rin take advantage of people with disability like me?

Kunot-noo na lang ang naitugon ko sa kaniya. Panandaliang natahimik ang espasyo at paligid naming tatlo, parehas naming hinihintay ni manang ang kasunod na sasabihin ng kaniyang amo.

"Oh wait, nasabi na ba sa 'yo ni manang na you'll take care a blind person-not totally pero papunta na rin naman doon?" muling pagwiwika ng babae.

Blind? Bulag? Kaya pala siya hindi lumilingon ng direkta sa akin at malayo rin lagi ang tanaw ng mga mata niya.

"Well, not totally but soon," dagdag niya pa.

"Teka lang miss-"

"What, aayaw ka agad? Baka pag nalaman mo ang magiging annual salary mo...eh baka maging bulag ka rin pero hindi tulad ko-tulad ng ibang gaya mong mahihirap." Ilalapag ko na sana 'yung ID niya at aalis na lang dahil ayaw niya naman akong pagsalitain-pero napatigil ako dahil sa sinabi niyang iyon. "You guys fond of taking advantages," dagdag niya pang pang-iinsulto. Oo, insulto 'yun!

"Ah, dong sa tingin ko mas mabuti kung mauna ka na lang muna," payo sa akin ni manang habang nararamdaman niya na rin ang presensya ng impyerno rito sa silid na ito. Pumasok sa kanan kong tenga ang sinabi niyang iyon pero lumabas din sa kaliwang tenga nang muli kong hinarap iyong babaeng matapobre.

Arrow's Vision:Hiraya Manawari Duology #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon