Tantei Academy

1K 26 2
                                    

Kaneki's Point Of View

"Kane! Saang school ka magta-take ng entrance exam?" sabi sa akin ni Silver

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko din alam. Naghahanap kasi ako nang school na malapit lang sa bahay. Hindi ko kasi afford ang mag dorm.

"Kane sabihin mo lang if may kailangan ka para matulungan ka namin" nakangiting sabi ni Haru na halatang pinapagaan ang loob ko.

"Uhmmm... Naghahanap pa kasi ako ng scholarship" sabi ko. Napabuntong hininga na lang ako at pinatong yung ulo ko sa lamesa ko.

"KYAAAAHHHHHHHHH" Napatayo kami ng biglang may tumili ng napakalakas at sure ako na galing yun sa auditorium, kaya napatakbo kami pababa. As usual, naiwan na naman kami ni Silver dahil malakas ang reflexes niya at magaling siya sa sports.

Nang nakadating kami sa pintuan ng auditorium. Humarang si Silver sa amin at bakas sa mata niya na natatakot siya. Bakit?

sinubukan naming makapasok pero hindi parin umaalis sa pwesto si Silver.

"SILVER ANO BA!! WAG KA NANG HUMARANG" iritadong sabi ni Haru habang patuloy na hinahatak si Silver. Mahihirapan kami kung hahatakin namin siya.

Umatras ako para bumwelo kaya bigla nila akong binigyan ng confuse look. Napa smirk na lang ako at tumakbo papunta kay Silver at tinulak siya papasok sa auditorium. Parehas kaming napabagsak pero nagmamadali akong tumayo para tignan kung bakit may sumigaw dito.

Nanlaki ang mata ko ng may lalaking nakaupo sa wheelchair at may nakapulupot na lubid sa kanya. Yung isang babae naman ay nakaupo sa sahig habang nanlulumong tinitignan yung lalaki sa harap niya.

Lumingon ako kay Haru at sinabing tawagin niya ang mga security ng school na to. Sinabi ko din na ibulong niya lang at patagong pumunta dito para hindi mataranta yung mga studyante.

"Silver" tawag ko sabay tayo at lumapit dun sa lalaki. Sumunod din si Silver sa akin. Nang naramdaman na nung babae ang presence namin ay biglang nanlaki ang mata niya.

"B-akit kayo nandito?" nauutal na sabi niya sa amin

"Narinig po namin yung sigaw niyo" mahinahon na sagot ni Silver

"P-Pero..." sabi niya na nauutal parin at nakatulala parin sa amin

"100% soundproof ang auditorium na to"

***

Puro teaser :3

Tantei AcademyWhere stories live. Discover now