Chapter 1

398 16 1
                                    

Chapter 1

Kaneki's Point Of View

"Soundproof ang auditorium?" sabi ko habang natatawa pa. Eh paano ba naman kasi namin maririnig yung babae kung soundproof itong auditorium. Pero teka?

Kung hindi soundproof ito, bakit kami lang ang natatarantang tumakbo pababa? Bakit hindi nagkagulo yung mga studyante? Pero paano namin narinig yung babae kung soundproof ito?

Tinignan ako ng masama ni Sil "Mamaya ka na mag-isip" sabi niya habang dahan-dahang chine-check yung upuan nung lalaki.

Lumuhod naman ako para tignan din yung upuan. May napansin akong papel sa baba nung upuan kaya kinuha ko ito at binasa kung ano ang nakasulat doon

A/N
Try to solve this ;)

×××

14:00

Search for the bomb.

It will explode at
J3-G3-A2-P3-A1-P3-W3

Try to look at the key.

×××

Ano daw? di ko gets.

Tinignan ko si Sil na kasalukuyang ginigising yung lalaking nakatali kanina sa wheelchair.

Ano kayang ibig sabihin nun?

~~~

"Class!! May meeting ang lahat ng teacher bukas kaya walang magulo." sabi ni Ma'am habang nagliligpit ng gamit niya

"pssst" napalingon ako kay Haru. Tsk.

"may clue ka na ba?" pabulong na sigaw niya. Pabulong na sigaw? paano kaya yun -.-

Umiling ako at nagkibit balikat kaya bigla siyang napasimangot. Nung nasigurado na niya na wala na yung prof namin, umupo siya sa harap ko at sumimangot. Ganun din ang ginawa ni Sil.

"Try to look at the key.. hmmm.." napatingin ako kay Sil na kasalukuyang tumitingin sa bubong. Umalis na yung mga kaklase namin kaya confident kong pinatong yung paa ko sa lamesa sa tabi ko.

"Key? anong key? susi? may code ba sa susi?" tama si Haru. Wala namang code na ganun sa susi so bakit nakalagay dun ay key?

"Malay mo ibang key pala" napatingin ako kay Sil dahil sa sinabi niya.

"May point ka diyan." sabi ni Haru habang tumatango

"Pwedeng keyboard" sabi ni Sil sabay tayo. Saan yan pupunta?

Naglalakad siya papunta sa lalagyanan ng mga walis? anong gagawin niya sa walis?

"Bakit ka nagtatago diyan?" sinong kausap ni Sil?

Tumayo din kami ni Haru at pumunta sa pwesto ni Sil.

"Ahhh!!" gulat na gulat na sabi ni Haru sabay turo dun sa maliit na bata na may hawak na laptop.

"Kilala mo?" nagtatakang tanong ko kay Haru

"Yankumi Red, 16 yrs. old" paliwanag ni Haru habang seryosong nakatingin dun sa Yankumi

"So sino nga siya?" tanong ni Sil sabay upo sa harap nung Yankumi

"siya si Red Hacker" seryosong sabi ni Haru

"Kakkoii (Cool)" sabi ko sabay tingin kay Yankumi. Inabot ko sa kanya yung dalawang kamay ko at nakipag shake hands kay Yankumi

"I'm Shiro Kaneki . Nice to meet you" tuwang-tuwang sabi ko kay Yankumi

"pwede ba akong sumali sa inyo?" sabi ni Yankumi habang nagpapagpag ng damit niya

"Oo naman" nakangiting sabi ni Haru sabay balik sa upuan niya kanina. Ganun din ang ginawa ko at tinignan ulit yung papel. Baka nga galing sa Keyboard yun.

"Hindi yan galing sa keyboard, wala kayong mapapala kahit tignan niyo pa itong laptop ko

"Kung hindi keyboard... ano?" nagtatakang tanong ni Sil sabay tingin na naman sa taas. Mag-iisip na sana ako ng ibang key pero bigla akong napatingin kay Yankumi

"T-teka??!! Paano mo nalaman yung iniisip ko??!" natatarantang tanong ko kay Yankumi

"Halata sa mukha mo" tipid na sagot niya. 

"Keyboard, Passkey, Whiskey, Keypad, Latchkey... " sabi ni Yankumi habang kinakalikot yung laptop niya. Wait...

"Ano ulit yung sinabi mo?" tanong ko kay Yankumi sabay tingin din sa laptop niya

"Alin dun? Keyboard, Passkey, Whiskey, Keypad, Latchkey. Ahhh..." tinignan niya ako sabay kuha ng bag niya.

"Baka nandun nga yung code"

***

Tantei AcademyWhere stories live. Discover now