CHAPTER 9( SLEPT AT FRAIN'S DORM)

90 14 0
                                    

"3RD PERSON POV"

Habang tulog pa ang dalagang si levi sa kwarto ni Frain, yes si Frain ang lalaki kagabi sa gymnasium, pumunta kasi si Frain doon dahil chineck niya kung wala na bang mga studyante at tingnan na din kung naglinis ba talaga si Levi sa gymnasium.

"TULONG!" Malakas na sigaw ni Levi sa kwarto ni Frain, kaya si Frain ay agad itong nagtungo sa kwarto niya, sa labas kasi siya ng kwarto niya natulog.


"WHAT HAPPENED?" Natatarantang sabi ng binatang si Frain. Kita mo naman ang pagkagulat sa mukha ni Levi.

"Tsk! I brought you here because you lost your consciousness last night." Seryusong banggit ng binata habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Ibig sabihin ikaw yo-yong-"

"Yes!"

"S-salamat." Nakangiting pasalamat ng dalaga sa binata. "Eat first before you go to your dorm." Seryusong sabi ng binata at iniabot kay Levi ang soup, at nagpunta sa kabinet niya at may kinuha.

"Mabait naman pala si Frain." Sa isip ng dalaga.


Tapos ng kumain si Levi ay agad na itong umalis doon baka kasi pagmay nakakita sa kanila ay mabigyan ng malisya.

Pagpasok ni Levi sa dorm ay bumungad sa kanya si Reign na nakacross arm at tila may gusto itong itanong sa kanya.

"Saan ka natulog kagabi?" Nakataas kilay na tanong ni Reign kay Levi.

"Ahmmm... sa dorm ni Frain." Pagkasabi ng dalaga ay namilog ang mata ni Reign at nakanganga ito.

"Huwag mong sabihing hindi totoong nawala ang cellphone mo at d-doon ka natulog kay F-frain sa cold at seryusong taong 'yon?" Di makapaniwalang sabi ni Reign kay Levi.

"Mali naman kasi ang iniisip mo, palagi ngang galit 'yon, nawala naman talaga 'yong cellphone ko hinahanap ko ngunit sa kasamaang palad ay nagbrown out at nawalan na ako ng malay dahil natakot ako ng may nagsalita na boses lalaki at 'yon ay si Frain." Mahabang paliwanag ni Levi kay Reign at mukhang hindi naniwala naman si reign.

"Wee di nga?"

"Oo nga!"

"Wee legit? Totoo?"

"Oo nga, mukha ba akong sinungaling at sino bang gustong matulog sa dorm ng napaka cold na 'yon?"



"May point ka nga naman."

"P-pero y-yong cellphone ko hindi ko pa nakuha," malungkot na sabi ng dalagang si Levi.

"Hanapin nalang natin sabado naman ngayon kaya pupunta tayo sa gymnasium, kumain ka muna." Nakangiting sabi ni Reign kay Levi. at nagtungo sila sa kitchen ng dorm nila.

"Susulitin ko na ang dalawang araw nato Levi, I'm sorry kung hindi ko matutupad ang pangako ko sayo na ipagtatanggol kita, may tiwala naman ako kay Ford na ipagtatanggol ka niya, hindi na din tayo magsasama dahil lilipat na ako ng dorm kila Lunatic, I'm sorry." Saad ng dalagang si Reign sa kanyang isipan habang nakangiting nakatingin kay Levi na kumakain.

___________


"TSK! she's so idiot, but I will make sure that you fall inlove with me." Nakangising saad niya sa kanyang isipan.

"Hi bro, bakit ka pangiti ngiti? Inlove?" Natatawang sabi ni Frost.

"Inlove na sa manang." Natatawang sabi rin ni Fhalixus. Kaya naging seryuso naman si Frain at malamig na tumingin sa kanilang dalawa.

"J-joke lang," Saad ng binatang si Frost at pumunta sa likuran ni Frain at minamassage niya ang likod nito.

Tumingin naman si frain kay Fhalixus kaya si Fhalixus ay sobrang nanginginig, "B-bakit? Nagbibiro lang din naman ako." Kamot batok na sabi ni Fhalixus tumawa naman si Frost at Frain.

"Bakit kayo natatawa?"

"Tsk! You like a scary baby," Natatawang sabi ni Frain, "Oo nga," Saad ni Frost at humagalpak ng tawa.


"Hi mga bro," Saad ng binatang si Ford na kakapasok lang ng office ni Frain. "Buti naman naisipan mo nang puntahan kami, ano miss mo na ang mukhang 'to?" Mayabang na sabi ni Frost kay Ford habang tinuturo ang mukha niya.

Bahagya namang natawa ang tatlo, "Napaka assuming mo naman bro namiss ko lang kasama kayong tatlo hindi 'yang mukha mo ginoo." Natatawang sabi ni Ford.


"Mahirap mag assume lalo na't masasaktan kalang," Biglang sabat ni Fhalixus. "Broken ka bro?" Natatawang sambit ni Frost.

"Choice mong mag assume kaya choice mong masaktan." Pangbabara ni Ford sa sinabi ni Fhalixus.

"OUCH." Kunwaring nasasaktan na sabi ni Frost.

"Kasalan ko bang nagassume ako? Akala ko kasi may nararamdaman din siya para sa 'kin, pinaramdam niya kasi sa 'kin na may halaga ako sa puso niya." Malungkot na sabi ni Fhalixus habang nakahawak sa puso niya.

"Okay lang 'yan bro ako nga di crinushback Natatawang sambit ng binatang si Ford habang si Frain ay seryusong nanunuod lang sa kanila.

"Gusto ko lang naman sumaya." Nakayukong turan ni Fhalixus, "Gusto mo palang sumaya bakit di ka tumawa?" Natatawang sabat ni Ford.

"Hindi ako magiging masaya pag may kasama siyang iba." Hirit rin ni Fhalixus.

"Pero malas ka dahil sa iba siya masaya." Pangbabara ulit ni Ford kay Fhalixus.

"Puta naman Ford lagi mo naman akong binabara nageemote nga eh." Nakangusong sabi nito na ikinatawa nila.

"Sino ba 'yan?"

"Oo nga sino?"

"Who is she?"

"Siya si nothing." Malungkot na sabi ni Fhalixus, na nagpakunot noo sa tatlo.

"What! her name is so weird." Seryusong sabi ni Frain.

"Joke lang wala no." Natatawang sabi ni Fhalixus kaya nakatanggap siya ng batok galing sa tatlo.

"Aray! masakit kaya." Nakangusong sabi ni Fhalixus.

"Lalo ka talagang masasaktan pag binibiro mo." Hirit naman ni Ford.

"Dinadaan ko nalang sa biro para hindi na ako masasaktan." Pangbabara ni Fhalixus.

Silang apat ngayon ay seryuso na. "Minsan ang love ay parang buwan, iiwan karin pagdating ng araw." Malungkot na sambit ni Ford.

"Hindi porket may payong ka, hindi ka na mababasa. Tulad sa pag ibig hindi porket mahal ka niya, hindi ka na niya sasaktan." Hirit rin ni Frost.


"Never hesitate to speak what you heart feels, if you love someone, show it." Nakangising sabi ng binatang si Frain. Ganyan si Frain, sumasabay sa kanyang mga kaibigan pag sila lang apat ngunit in public seryuso ito.


"Kaya pala..........." Pabiting saad ng binatang si Fhalixus at ang tatlo naman ay seryusong nakatingin sa kanya.

"Kaya pala pag-nanganganak ulo ang unang lumalabas, dahil ulo rin ang unang papasok." Natatawang saad ni Fhalixus.

"Puta ka Fhalixus!"

"Fvck you Fhalixus!"

"Napaka ano mo talaga Fhalixus!"

Malakas na sigaw ng tatlo dahil sa sinabi ni Fhalixus, habang si Fhalixus naman ay tawang tawa habang nakahawak sa kanyang tiyan.

"MAUBUSAN KA SANA NG HININGA!" Sabay na sigaw ng tatlo kay Fhalixus kaya si Fhalixus ay pekeng umubo.

Ang tatlo naman ay dinambahan si Fhalixus at kinikiliti ito.

"T-tama na!"

"Tama na please!" Natatawang sabi ni Fhalixus, ngunit ang tatlo ay hindi nakinig at patuloy sa pagkikiliti sa kaniya.

ONE BODY FIVE SOULS(Published Under Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon