Prologue

1.4K 22 2
                                    

Malakas na tugtog ng musika at mga taong nagkakasiyahan ang bumungad sa kanya pagpasok sa isang exclusive na bar. Sobrang dami ng mga tao sa paligid, mga babaeng kinulang sa tela ang suot na damit at mga lalaking parang mga agila kung makatitig. Ang daming mga chix mapaghahalataan mo talagang nanggaling ang mga ito sa mayayamang pamilya. Ang kikinis ng mga balat, sexy at magaganda, napasunod ang mga mata nya sa isang babaeng dumaan sa kanyang harapan, malaki ang hinaharap nito at bilog na bilog ang pang-upo. Kitang kita ang magandang kurba ng katawan nito sa suot na red dress sobrang iksi nun siguradong masisilipan na ito kapag dumukwang pa ng konti. Napailing sya, pero hindi naman ganoon ang tipo nya. Mahilig sya sa maganda at sexy pero hindi katulad ng nakikita nya dito sa loob ng bar, mas gusto pa rin nya si Ange ang pinakamagandang dilag sa kanilang probinsya, larawan ng dalagang pilipina sa kanilang lugar.

Nagpatuloy sya sa paglalakad hanggang sa mamataan na nya ang taong hinahanap, nakatayo ito sa gilid ng counter at mukhang hinahanap din sya base sa leeg nitong halos mapilipit kalilinga sa paligid. Nilapitan nya ito at tinapik sa balikat napalundag naman ito sa gulat.

"Ayy hindi po ako available!" Tili nito. Napangiwi sya dito, sino namang magkakainteres sa baklang ito? Sa laki ba naman ng katwan nya mapagkakamalan na syang isa sa mga bouncer nitong club. Nang makabawi ay sinuntok sya nito balikat pero mahina lamang.

"Ano ka ba Ash! Aatakehin ako sa puso ng dahil sa'yo!" Singhal nito.

"Eh bakit mo ba ako pinapunta rito? Alam mo namang may raket pa ako, gaano ba kaimportante 'yang sinasabi mo kanina at pinagmadali mo pa ako papunta rito?"

May dalawang pasahero pa sana akong ihahatid pero dahil sa eksaheradang pagtawag ng bakletang ito ay napurnada ang lakad nya. Sayang, pera na sana naging bato pa! Kasalanan ng baklang ito kaya dapat nyang magbayad sakin, aba! Ipapadala ko pa iyon kay Lolo sa probinsya tapos pangbayad ko pa sa renta.
Nilahad nya ang palad sa harapan ng kaibigan, nagtataka naman ito nitong tiningnan.

"Ano 'yan?"

"Bayaran mo ako ng five hundred pesos."

"Ano? Teka para saan naman?"

"Para sa pagkapurnada ng lakad ko, aba! Sayang din ang kikitain ko sana ngayong gabi ano!"

"Wala akong pera. Tsaka kapal ng feslak mo huh? May utang ka pang isang libo sakin nung isang taon hanggang ngayon hindi mo pa rin nababayaran."

Napakamot sya ng batok, nakalimutan nyang matalas pala ang memorya ng kaibigan. Hindi nya ito maungusan.

"Ano ba kasing kailangan mo?"

"Pasensya na sa istrobo pero wala na kasi akong ibang mahingan ng tulong hindi naman ako pwedeng umalis na agad dito at iwan ang isang yun at isa pa oras pa ng trabaho ko. Mapapagalitan ako." Sabi ng kaibigang si Angelo pero feeling Angela. Isa itong bartender dito sa club at madaling araw na ang tapos nito sa trabaho.

"Sino bang tinutukoy mo?" Tanong ni Ash may inginuso naman sa likuran nya ang kaibigan kaya napalingon sya doon. Ganoon na lang ang pagkatigil nya nang makita ang taong matagal na nyang iniiwasan.

Lasing na lasing na ito at halos hindi na makatayo ng ayos, nakasalampak na ito ng higa sa couch at mukhang natutulog na.

"Bakit ako pa ang tinawagan mo, bakit hindi na lamang ang mga kaibigan nya?"

"Ano bang alam ko sa mga number ng mga friends nya eh wala namang nakasave na number dun maliban lamang ang sa'yo." Kumunot ang noo nya sa sinabi ng kaibigan at saka muling sumulyap sa lalaki.

"Teka, pinapansin mo na ba sya?" Tanong nito sa kanya, umiling sya bilang sagot.

"Hayst! Kaya naman pala! Pansinin mo na kasi!"

Gray Series 1   Secretly Desiring My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon