Six

90 2 1
                                    

"HMMM... It tastes good! What kind of food is this?" Tanong ni Enjho habang ngumunguya. Wala silang trabaho ngayon sa farm co'z it's sunday. Araw kasi ng pahinga iyon. Kaya heto sila sa kubo at nag-aalmusal kasama si Mang kaloy habang nagkukwento ng mga karanasan nya noong kabataan pa. See? Hindi rin talaga madaldal itong si Mang Kaloy.

"They called it Kamote." Si Jehan ang sumagot.

"Ahh! I like it!" Sambit ni Enjho tsaka muling kumuha ng nilagang kamote sa bandehado.

Nagpunta lamang si Ash sa farm dahil nalimutan nya ang ibinilin ng kanyang lolo na kunin ang inorder na isang kilong kamote, ipagluluto daw kasi sya nito ng kamoteque na paligi nitong niluluto noong bata sya. Namimiss na nya ang luto ng kanyang lolo kahit na marami namang nagtitinda noon sa kanilang lugar ay mad gusto at mas paborito nya parin ang kamoteque ng kanyang Lolo Ed. Pero bago sya makaalis ay inaya sya ni Mang Kaloy na mag-almusal, agang aga pa kasi nang pumunta sya roon hindi pa rin sya nakakapag-almusal kaya hindi na nya tinanggihan ang alok nito.

KASALUKYAN silang nakaupo sa papag at nagkakape nang dumating ang mga magpipinsan. At iyon na nga, nakihada na ang mga ito sa kanila. Nagtimpla sila ng kape at nilagang kamote ang ipinartner dito. Sobrang sarap naman nun, ito ang paborito nyang almusal sa umaga.

"Asan nga pala si sir Mauricce?" Tanong ni Mang Kaloy, ito lamang kasi ang kulang sa mga apo ni Mr. Gray na naroon.

   Malamang naman ay natutulog pa iyon hanggang ngayon. Alas otso na ng umaga pero tulog pa rin, kainaman.

"Naku Mang Kaloy, malamang sa malamang at humihilik pa iyon hanggang ngayon." Sabi nya.

"Actually, gising na iyon kanina pa. Nandoon sya sa veranda kanina nang magpunta kami dito." Sabi ni Byle.

"Ganun?" Akala ko tulog pa hihiramin ko ulit sana iyong megaphone hehe.

"Mabuti pa ay tawagin mo kaya muna si sir Mauricce, Ash para namanmakatikim sya nitong kamote." Saad ni Mang Kaloy.

"Yup! Siguradong magugustuhan nya rin ito." Sabi naman ni Janzen.

"Ngayon lhang ako nakkatikhim ng ganicho at mashasabi kong napakasharapp nito!" Puno ang bibig na ani ni Peterson.

"Gago! Kailan ka pa natabangan sa pagkain? Lahat naman ng pagkain para sayo ay masarap, ang takaw mo kasi!" Sabi ni Lucian.

"Bhakit ba? E sa totoo namang masharrapp!"  Sabi ni Peterson na may tumalsik pang kamote sa mukha ni Lucian dahil ito ang kaharap nito.

"Aishh! Kadiri amputa!" Sambit ni Lucian habang diring pinunasan ang mukha. Natawa kami sa itsura ni Lucian kulang na lang ay suntukin nito ang nguso ng pinsan.

"Don't talk when your mouth is full!" Ani Faust.

*Burpp*

Napangiwi sila nang dumighay pa ito ng malakas. Tatawa tawa lang naman ang loko.

"Ash sige na ayain mo na si sir Mauricce dito nang makatikim naman sya ng nilagang kamote, baka magustuhan din nya." Natutuwang ani Mang Kaloy.

"Ok."

Tumayo na sya saka nagtungo sa hacienda. May nakakasalubong syang ibang mga maids na abala sa kanilang mga gawain. Ang iba ay kakilala nya ay kinawayan sya ngiti lang naman ang iginanti nya bago nagtungo sa veranda. Ngunit wala naman doon ang taong hinahanap niya.

Nasaan naman kaya yun nagpunta?

Umalis sya sa veranda at naglakad lakad baka sakaling makasalubong nya ang lalaki. Ngunit ang isa sa mga katulong na si manang lagring ang kanyang nasalubong. Agad itong ngumiti nang makita sya. As usual, nagmumura na naman ang kapal ng lipstick nitong pula, ang kilay pa na mulhang iisang line na lang yata ang natira mukhang nasobrahan pa yata sa ahit pati blush on sa pisngi na hindi pantay. Sixty three na ang edad nito pero kung makaporma ay animo'y teenager.

Gray Series 1   Secretly Desiring My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon