Kabanata 1

175 31 24
                                    


"¿EL Arte pertenece al Cielo?" (Art belongs to Sky?) tanong niya sa akin na halatang naguguluhan.

"Sí, mi amor," (Yes, my love.) bahagya akong yumuko nang may ngiti sa labi.

"Tila nakarinig ako ng isang tunay na Espanyol, binibini. Labis akong namamangha sa iyong angking galing sa pagsusulat ng mga tula at nobela lalong-lalo na sa paggamit ng wikang Espanyol," nakangiti ang mga matang papuri niya sa akin.

Nayuko ako at napangiti sa kanyang sinabi, ramdam na ramdam ko kung gaano kabilis ang pagtibok ng aking puso sa galak.

"Sobra-sobra ang mga papuri mo sa akin, Maria. Marunong ka rin namang magsalita ng wikang Espanyol."

Tumawa lang siya. "Hindi naman ako gano'n kagaling. Natuto lang din ako sa 'yo noong tinuturuan ka ng iyong amang Espanyol."

Napakibit-balikat ako.

"Hindi ba't ang salitang arté ay sining sa tagalog? At ang cielo naman ay langit? Saan mo nakuha ang mga salitang iyan, mahal ko? Nag-aral ka ba ng wika nila?" tanong niya.

"Wala akong alam na ibang wika maliban sa wikang Filipino kahit pa may lahi akong Espanyol. Nakakaintindi lamang ako ng salitang Espanyol ngunit hindi ako gano'n kagaling magsalita. Bukod sa itinuro ng aking ama ay wala na akong ibang alam. Ang puso ko ay para sa Pilipinas lamang, Maria."

"Napakaganda naman ng iyong tinuran. Maaari ka nang maging isang magiting na bayani!" Pumalakpak siya habang tumatawa, halatang natutuwa sa pang-aasar na ginagawa sa akin. "Ngunit saan mo ba talaga nakuha ang salitang Arte at Cielo? Kasama ba ito sa itinuro sa iyo ito ng iyong Ama?"

"Hindi, kahit Cielo ang aking ngalan ay hindi ko alam ang ibig sabihin nito noong una," sagot ko.

"Ako rin. Hindi pangkaraniwan ang iyong ngalan."

Napangiti ako. "Nakuha ko lamang ang mga salitang ito sa libro na nabasa ko noong isinama ako ni Ina sa isang aklatan sa Unibersidad ng Santo Tomas."

Hinawakan ko ang isang papel kung saan nakasulat ang isang maikling tula.

sa tuwing mata ang gagamiting panuri
likhang sining ay 'di gaanong kapuri-puri
ngunit kapag ito'y iyong binigyang pansin,
at ika'y may layunin na ang kahulugan nito'y alamin,
paniguradong nanaisin mo rin na ito'y tunay na purihin

"Sa maikling oras na paghihintay ko kay Ina ay nalaman ko ang mga salitang ito na aking ginamit sa nilikha kong tula para sa iyo. Mabuti nga at nakarating ka rito sa Maynila para sa ating ika-limang buwan. Labis na natutuwa ang aking puso sa iyong pagdating, mahal ko," tuloy niya.

"Hindi naman ako pumunta rito para lamang sa iyo." Biglang sumeryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Ano? Bakit naman?" nalulungkot na ani ko.

"Madalas ang pamilya natin dito sa lungsod ng Maynila ngunit hindi ka madalas isama ng iyong Ina. Ako naman ay nakakulong lang siya hacienda. Kaya ngayon ay nagtungo ako rito sa Maynila para mamasyal!" Idinipa niya ang kanyang mga kamay para salubungin ang malakas na hangin.

"Saan ka naman mamamasyal dito? May alam ka bang lugar na maaari mong puntahan? Pasensya ka na, wala akong alam sa Maynila, ngayon lamang kasi ako nakaapak sa lugar na ito," paumanhin ko.

A Sense of HiraethTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon