Special Chapter

5K 80 5
                                    

"ANO ba 'yan, Lucifer! Kanina kapa halik ng halik sa akin, dun ka nga! Ang baho mo!" Inis na saad ko at pilit na tinutulak ito. Dala lang siguro ito ng pregnancy hormones ko. yep, I'm 2 months pregnant.

Wala pa kaming 1 year ay nabuntis niya ako. Todo ingat nga ito sa akin. Miske kaunting lakad lang ay nagpapanic na siya.

"Wife, naman eh! Pakiss lang tska dalawang beses na ako nagshower!" Reklamo ni Lucifer. Inirapan ko lang siya at sumiksik sa gilid ng mahabang sofa. Sinipa ko siya ng akmang lalapit ito sa akin.

Nandito kami ngayon sa sala. Nanonood ng spongebob cartoons. Ang cute kasi ni Spongebob ang sarap kainin. Si Alista naman ay kinuha muna ni Sophia. Mags-shopping muna daw sila. Ewan ko ba sa kanya kung bakit napapadalas ang pagkuha niya sa bata. 

SI Amigo naman ang nag-aalaga sa anak nila ni Sophia. Natatawa nga ako ng pagkikita namin eh. May anak na pala siya at lalaki pa. Nakabusangot pa ang mukha nito dahil gusto niya babae pero next time naman daw.

Hindi ko nga akalain na mag-kakatuluyan sila. Naalala ko pa na ayaw na ayaw ni Sophia kay Amigo, ang bodyguard niya.

"Hello, World!" Mabilis naman kaming napalingon sa direksiyon kung saan kakapasok lang ni Sophia. As usual may nakasunod sa kanyang dalawang babaeng bodyguard na may hawak-hawak na mga paper bag.

Maarteng tinanggal ni Sophia ang shades na suot-suot niya.

"Mommy!" Sigaw ni Alista at tumakbo patungo sa akin. Agad ko naman itong niyakap. Namiss ko 'to.

"I miss you, baby. Anong ginawa niyo ni Tita Sophia?" Napanguso naman siya.

"Lagi niya pong pinipisil pisngi ko po." Sumbong nito. Napapisil tuloy ako sa pisngi nitong mamula-mula dahil sa kacutan ng nito.

"Come here, bay." Tawag sa kanya ni Lucifer. Agad naman nagtungo ang bata sa kanya.

"Can you please stop pisil-pisil her cheeks." Masungit na saad ni Lucifer kay Sophia. Napatawa naman ako sa pagkakasabi niya.

"She's cute eh! Sorry na, cutie. Here's your dress! Wear it ha!" Nakangiting saad nito at inigay ang ilang paper bag para kay Alista.

"Maligo ka nga'dun, Lucifer. Ang baho!" Naiirita talaga ako sa amoy niya.

"Wifey, naman!" Maktol nito.

"Yes, Sophia is right. Your smell is so disgusting, damn! Ano bang pinangkukuskus mo poppie?!" Nandidiring napatakip ng ilong si Sophia.

"Ano bang meron sa pang-amoy niyo? Damn and you Sophia don't tell me you're pregnant AGAIN?!" Nanlaki naman ang aking mata.

"Oh my god!" Napatakip ng bunganga si Sophia. Namumula ang pisngi nito. Mabilis na inuha niya ang kanyang cellphone nasa tingin ko ay tinawagan niya ang asawa niya.

"You fucking old man! I think i'm fucking pregnant agan because of you!" Napangiwi naman ako sa sinabi nito. Umiiyak na ito. 

His Personal MaidOù les histoires vivent. Découvrez maintenant