eight

84 6 0
                                    

Nakaupo lang ako sa isang upuan dito sa kusina pinapanood ko lang sya kumuha ng baso tsaka kutsara bigla naman sya huminto at tumingin sakin

"Bat nakaupo ka lang dyan?"tanong ni raine

"Kasi sasamahan lang naman kita?"pag tanong ko sakanya di naman sya sumagot at tinuloy na lang yung ginawa nya kaya tumayo ako para pumunta sa kwarto ko

"Akala koba sasamahan moko?"nakataas na kilay na tanong nya

"May kukunin lang ako saglit sa kwarto kamahalan"sabi ko at lumabas sa kusina para kunin laptop ko sa kwarto nag palit na rin ako ng damit bago bumalik sa kusina

Nakita ko naman na nakaupo na si raine habang kumakain tumabi naman ako sakanya

"akala ko dika na babalik dito"nakasimangot  na sabi nya ginulo ko naman yung buhok nya

"Nag palit lang ako ng damit"sabi ko at binuksan yung laptop

"Anong gagawin mo?"tanong nya at nakatingin sa screen ng laptop

"Dika pa naman inaantok diba?"tanong ko habang nag t-type sa laptop

"Dipa naman bakit?"

"Tumingin na tayo ng church tsaka venue para sa kasal"sabi ko at nag search sa google

"Talaga?"excited na sabi nya kaya tumango

"Anong theme ba gusto mo?"

"Beach wedding or garden wedding"sabi nya kaya nag search agad ako kung saan maganda

Pinakita ko naman agad sakanya yung lumabas na image tuwang tuwa naman sya habang nakatigtig sa laptop

"Maganda lahat"sabi nya habang hawak na yung tab ng ice cream

Kinuha ko naman yung laptop para ako na yung titingin Tama sya maganda lahat, tumingin muna ko ng mga lugar tsaka resort.

"Zero"

"Hmm"

"Z"

"Oh?"

"Louise"

"Bakit ba?"tanong ko at humarap sakanya naka-pout nanaman sya

"Buksan mo bibig mo"Sabi nya kaya napakunot yung noo ko

"Bakit?"

"Basta"sabi nya kaya ngumanga nako bigla naman nya ko sinubuan ng ice cream tsaka ngumiti sakin

"Masarap diba?"tanong nya kaya tumango na lang ako bago tumingin ulit sa laptop

"May nakita na kong resort"

"Meron sa Bohol,Palawan, Batangas"sabi ko bago tumingin sakanya naka-ready naman agad yung kutsara kaya sinubo kona lang

"Saan moba gusto?"

"Gusto ko icheck yung place"sabi nya bago ako subuan ulit ng ice cream

Kakasabi ko lang kanina ayoko kumain ng ice cream tapos ngayon hays.

"Sige check ko schedule ko para mapuntahan natin"sabi ko bago isara yung laptop

"About sa food may catering sila hero at maurine"sabi ni raine

"Edi sakanila na lang about naman sa damit mag tanong na lang tayo kaila mom"sabi ko tumango naman sya at sinubuan nanaman ako

Inubos lang namin yung ice cream tapos natulog na agad kami dahil may pasok pako bukas.

RAINE POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko kaya nag unat-unat muna ko bago tumayo dumiretso agad ako sa bathroom para mag hilamos tsaka ako lumabas napansin ko naman yung letter na nakadikit sa ref.

Goodmorning raine sorry dina ko nakapag luto dahil late nako nagising may pagkain naman dyan luto kana lang tsaka pala sabay tayo mag lunch punta kana lang dito sa hospital

                                             - zero

Napangiti naman ako bago kumuha ng tubig tsaka kinuha yung letter bago bumalik sa kwarto, tinignan ko naman kung anong oras na

"Ten na pala"sabi ko at lumabas ulit nag hanap naman ako ng pwede lutuin para yon na lang kakainin namin ni zero ayoko naman bumili puro na lang bili.

"Let's get it"sabi ko at nag simula na mag luto

Nag luto lang ako ng pork steak at nag hiwa lang ako ng fruits tapos sa drinks naman orange juice and water lang.

Inayos ko lang yung mga dadalhin ko tapos naligo na din ako dahil anong oras na,nung tapos nako mag ready umalis na agad ako at pumunta sa hospital.

Pag dating ko nag park lang ako saglit at pumasok na agad tumingin muna ko sa paligid dahil hindi ko alam kung saan office nya dito siguro mag tanong na lang ako or text ko sya.

To:zero

Andito nako sa may entrance hindi ko alam kung saan office mo.

From:zero

Wait for me.

Nag scrolled down na lang muna ko sa Instagram habang iniintay sya nang bigla may kumalabit sakin kaya tinignan ko nanigas naman ako sa kinakatayuan ko nang makilala ko kung sino.

"Hi raine"bati ni ace

As you can see ace is one of my ex friend

"a-ace"nauutal na sabi ko

"Anong ginawa mo d-"di na nya natapos yung sasabihin nya nang may bigla humawak sa bewang ko

"Let's go?"tanong ni zero bago tumingin sakin

"Excuse me dimo ba nakikita na nag uusap kami?"tanong ni ace tinignan naman sya ni zero saglit bago kunin yung paper bag na hawak ko

"Sino kaba?"

"Kaibigan ng boyfriend nya,ikaw sino kaba?"mayabang na tanong ni ace nagulat naman ako sa sinabi nya boyfriend?

"Fiance lang naman ako ng kausap mo"simpleng sabi ni zero

"Fiance?"tanong ni ace at tumawa ng malakas

nakita ko naman na naiirita na si zero sakanya dahil humihigpit na yung hawak nya sa bewang ko hindi naman masakit.

"Nice joke pre"sabi nya at makikipag apir pa sana sya kaso tinignan lang sya ni zero

"Tapos kana ba?"tanong ni zero tumango naman sya nagulat naman ako sa sunod na ginawa ni zero

Gagi HAHAHA

Nag labas sya ng isang daan at binigay kay ace

"Oh bili ka ng kausap mo"sabi nya tsaka ako hinila papunta sa office nya

Pag pasok namin sa office nya umupo ako sa sofa at inayos yung niluto ko sa glass table dito tsaka humarap sakanya dahil hindi sya nag sasalita nakatingin lang sya sakin

"About kanina"

"No need to explain,kumain na lang tayo"sabi nya at umupo

"Friend sya ng ex ko"sabi ko tumingin naman sya sakin at ngumiti ng onti.

"Kumain kana lang dyan at wala naman akong pake sa panget na yon"sabi nya bago kumain

Kumain na lang din ako tahimik lang kami dahil hindi naman sya nag sasalita,pag tapos namin kumain tinulungan naman nya ko mag ligpit.

"Wala na kong patient ngayon may gusto ka bang puntahan?"tanong nya habang inaayos yung long sleeve nya.

"Park?"

-

HAPPY BIRTHDAY MINARI!!🎉❤️

pretend to be the father of her babyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant