PART III Andrew's Confession

0 1 0
                                    

Hindi makatulog si Arrie dahil magkikita sila ni Andrew sa Sunday at special yun dahil birthday niya.

Ilang years na hindi niya na-celebrate ang birthday niya, kumakain lang siya sa labas at sumisimba. Okay na yun dahil wala din siyang budget. Last time ang gift niya para sa sarili ay isang set ng sketch materials dahil mahilig siya sa arts.
Samantalang si Andrew…

“Mirah!!!” tinawagan niya ito sa phone.

“Oh anong masamang hangin at napatawag ka cuz?” tanong nito.

“Arrie, texted me yesterday!”

“Kaya naman pala, bat parang ang saya mo dyan.”

“Mirah naman eh, alam mo naman si Arrie yun di ba.”

“Kaya nga, ano nga ang text nya”

“Magkita daw kami ng Sunday!!” excited na balita niya dito.

“ Really, oh my gosh! For real ba yan? Oh anong sabi mo, kinikilig naman ako sa inyo, ilang years din kayong hindi nagkita, oh anong sabi mo nga”

“ Syempre, pumayag ako.”

“Dapat lang, kakalbuhin kita kong nagpakipot ka pang kumag ka, dapat ikaw nga nagyaya sa kanya ng date dahil Birthday niya yun, di mo ba na-aalala March na ngayon.” Paalala nito sa kanya.”

“Shhhitt ou nga pala.”

“Every year mo akong tinatawagan, tuwing birthday niya at nagda-drama ka sakin, umiiyak ka pa nga, ano ba yan. Nakalimuta mo na ba?”

“Na excite lang ako kahapon, Nawala sa isip ko. Wait ano ang gagawin ko?”

“Yun nga ang tanong ko, ano gagawin mo?”

“Wait”

“Hoy kalma ka lang dyan at mag plan ka, bukas pa naman, nasaan na yung mga naiisip mo dati tuwing tumatawag ka sakin? Sige na, tawagan mo ako kapag may tanong ka.” At pinatay na nito ang phone.

Kinuha muna niya ang box niya sa ilalim ng kama niya at nagsulat siya sa diary bago nag plano para sa birthday ni Arrie.

March 23, 2022, Saturday

Dearest,

Tomorrow is Arrie’s Birthday; dream date, dream celebration,dream surprise and dream gift.

I’m so excited, I want it to be simple yet memorable, I want to hold her hands and make her happy. I want to see her eyes smiled.

Yours,

Andrew

So, Andrew’s Plan…

Church Date and 2 Days sa beach sa Batangas. Balak niya na yayain ito na mag church sa San Roque Church after nilang pumunta sa book sale sa Festival, I know magiging happy siya sa mga books.
Dahil ang Monday ay holiday, Sunday night magba-byahe sila papuntang Batangas, mauuna si Mirah para sa mga hinanda niyang surprises, simple gifts and reservations. Kasama si Mirah para may kasama ito sa room kapag gabi na. Ang highlight ng birthday celeb ng pinakahinahangaan niyang babae ay ang sunrise and sunset na malapit sa beach. He will ask her anything lahat ng tungkol sa kanya, all details. gusto niyang makilala talaga ito. And for sure, marami silang mapag uusapan, sobrang excited na sya.

At masayang natulog si Andrew yakap ang paborito niyang unan.

Kinabukasan, 6 am pa lang gising na si Arrie, “Lord, thank you for this day, new life, new hope and strength.” Habang nakapikit she is blessed at hindi niya nakakalimutan mag pray.

Bumangon na sya, nagsepilyo, nagluto ng breakfast at kumain na.

After maghugas.

Umupo at tiningnan ang messenger niya. Nag message si Hailey. “ Happy Birthday best, I love you muah!”

My Dearest Arrie (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin