PROLOGE

1.1K 14 0
                                    

Someone's Pov:

Nasa loob ako ng sasakyan, puno ng determinasyon at pagkasabik, papunta ako sa aking pinakamatalik na kaibigan na si Chase. May mahalagang sasabihin daw siya sa akin, kaya hindi ako nagdalawang-isip na sumakay agad at magmadali.

Kahit medyo lasing na ako, pinilit kong magmaneho. Binalewala ko ang paglabo ng paningin at ang pagewang ng sasakyan. Baka dahil lang ito sa antok na nagdulot, pero alam kung kaya ko pa. Kaya kahit ramdam ko ang pagkalasing at pagewang ng takbo, tuloy-tuloy pa rin ako.

Nakita ko pa ang ilang mga motorsiklo na para bang nasa isang karerahan. Hindi ko pinansin ang kanilang pag adiksyon, dahil mas pinili kong magmadali patungo kay Chase.

Bigla na lang, nabangga ako at nawalan ng malay.

Nang magmulat ako ng mga mata, agad kong tinawagan si Chase, pero dahil napakahina ng signal sa inis, itinapon ko na lang ang telepono.

Sa pagtapon ko ng telepono, napansin ko ang napakagandang ilog at ang tulay na maya't maya'y sinasalubong ng mga alon. Sa gitna ng ilog, may isang babae na nakatalikod, nagpapahangin. Kitang-kita sa kanyang mukha ang saya at kaligayahan na ngayon ko lamang nasilayan.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang hinatak ako ng aking mga paa papunta sa kanya.

"Hello sir!" bati niya sa akin, ngiting-nagpapakita ng kabaitan.

"Hi miss, pwede ba akong magtanong," ang pagkainis sa boses ko ay halata.

"Ay sir, hinay-hinay lang po," tila nararamdaman niya ang aking inis.

"Need po ba ninyo ng matutuluyan?" tinanong niya, may halong lambing sa kanyang boses.

"Sir, okay lang ba sa inyo?" tanong niyang muli, na may ngiti sa labi.

Sa kanyang pagsasalita, biglang bumalik ako sa aking katinuan. Paano ko naman hindi mapapansin ang magandang babae na nasa harap ko?

"Uhmm yes," wala akong magawang ibang sagot.

"Ah okay sir?" sabay ngiti niya sa akin, nagbibigay ng kahumalingan.

"Ano po palang pangalan ninyo?" saad nito habang ito ay naglalakad na aking sinundan naman.

"Vion Perez," sagot ko.

"Okay, Mr. Perez," sabay ngiti niya sa akin. Anong nangyari sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Bago itong nararamdaman ko, hindi na ito normal...

 I'm in love with a Stranger Where stories live. Discover now