CHAPTER 24

80 6 1
                                    

CHAPTER 24



“Ayos na ba ang suot n'yo?” tanong ni Zarahi sa aming lahat.

“Ayos na!” sabay-sabay naming sagot bago nagtipon-tipon sa gitnang parte ng aming kwarto.

Inilibot ni Zarahi ang kan'yang nga mata sa paligid at napadako sa 'kin. “Halika rito, Avery.” Sinenyasan n'ya akong lumapit sa kan'ya.

“A-Ako?” Nahihiyang tinuro ko ang sarili saka sila tinignan. Kapwa silang nakangiti sa 'kin. Anong mero'n ba?

“Sige na, Avery,” pagpupumilit ng isa kong kasama at nakisabay naman ang iba. Wala akong nagawa kundi sundin si Zarahi, ang iingay na nila, eh.

Pinaharap ako ni Zarahi sa mga ka-myembro namin. “Say thank you kay Avery sa successful nating pag-eensayo, guys.” Pumalakpak si Zarahi mula sa 'king likuran at gano'n din ang iba.

Namula ang pisngi ko sa kahihiyan. Nakahihiya talaga kapag ganito ang pakikitungo nila sa 'kin.

“A-yos lang naman sa 'kin h'wag n'yo na 'tong gawin,” namumula kong ani.

“Abay! Dapat lang na pasalamatan ka, Avery. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ma-i-improve ang aming boses.” Napahawak pa sa lalamunan si Carlo, natawa silang lahat sa kan'ya.

“Sigurado akong mananalo tayo,” pagmamayabang ni Caspian, nakaakbay sa kaibigan n'yang lalaki na 'di ko alam ang pangalan.

Napakamot ako sa batok sa samu't saring puri nila sa 'kin. Hindi pa siguro matatapos ang kanilang asaran kung hindi lang kami sinilipan ni Ma'am Karen sa loob ng kwarto para alamin kung handa na ba kami.

“Five minutes, students,” paalala ni Ma'am Karen bago lumabas ulit ng kwarto.

Nagsihandaan naman kami. Halos lahat kami nakasuot na ng damit na cassock robes na may hoody sa likuran. Para s'yang damit na ginagamit ng madre at pari. Ang pinagkaiba ay may hoodie s'ya sa likod.

“Sigurado kayong walang nakakaalam sa ating suot at kinanta natin, ah? Surprise pa naman ang magiging kalabasan ng ating hinandang kanta,” sambit ni Stephanie nang makalabas kami ng kwarto.

Oo at sure naman ang tinugon ng mga kasama ko, sinabayan pa ng tawa habang pababa ng hagdan. Hindi lang kami handa para sa aming performance. Pinaghandaan din namin lahat ang gagawin na nakaayon sa aming plano.

Nakalabas na kami ng simbahan. Bahagyang umihip pa ang hangin dahilan para tanghayin ito ang aming suot na robes. Hindi gano'n kaingay ang paligid ngunit nakapanindig balahibo nang makita namin ang kabilugan ng buwan.

Eleven-thirty nang gabi ngayon. Hindi ko alam kung bakit sa ganitong oras pa nila naisipan na mag-perform kami pero ayos na rin iyon. Mas mapadali ang aming gagawin kapag madilim at walang makakita sa amin.

Kung titignan kaming lahat, parang walang pinaplano na kakaiba. Pasalamat ako na hindi sila gano'n kadaldal pagdating sa seryosong sitwasyon. Kailangan naming makaalis dito kapag nabuksan na namin ang gate.

Gaya sa aming napag-usapan, ang ilang ka-myembro namin ay agad na tumungo sa likurang bahagi ng simbahan kung nasa'n ang cover court. Nando'n ang mga kasama namin at alam kong naghihintay sila sa aming senyas.

“Okay ka lang ba rito?” alalang tanong ni Carlo sa 'kin. Yakap-yakap ang sarili dahil sa malamig na panahon.

Matagal kong tinitigan ang kan'yang mukha. Napailing ako sa kakaibang nararamdaman.

Student ChoirWhere stories live. Discover now