9 Lives (One Shot)

2.3K 82 12
                                    

9 Lives (One Shot)

By Raykosen

 

May tanong ako.

 

Ano ba ang pinakamagandang regalong natanggap mo?

Pera? Gadget? Bahay? Trabaho?

Ang iyong physique? Ang iyong mukha? Ang iyong talent mo?

Kung magpapaka generic tayo, baka naman ang buhay na mayroon ka ngayon ang pinaka magandang regalong natanggap mo.

Pwede. Wala namang maling sagot.

Pero kung magiging specific tayo at kunwari’y isa itong bagay na symbolic representation ng pinakamagandang regalong natanggap mo sa ngayon, ano kaya ito?

Para sa akin, ang isang pinakamagandang regalong natanggap ko ay ang aking singsing.

 

Siya si Nine Lives.

Binili namin ito ng aking nanay sa isang jewelry shop sa Cubao. Kalahati ang ibinayad niya at kalahati naman ay galing sa sweldo ko. Kakaresign ko lang kasi noon sa trabaho at gusto kong i-invest ang naipon ko sa isang bagay na nakikita ko. Malungkot ako noon dahil bukod sa nawalan ako ng trabaho ay hindi ko na alam ang susunod kong gagawin ko sa buhay ko. Walang kasiguraduhan. Weird mang isipin dahil pwede ko naman i-deposit na lang sa bangko ang pera ko pero ibinili ko pa ito ng isang bagay na hindi ko rin pala maisusuot balang araw...

Ang singsing na ito ay 18 karat na ginto na may siyam na diamante. Suot-suot ito ng kaliwang hintuturo ko dahil maluwag ito sa pala-singsingan ko. Nine Lives ang tawag ko dito dahil ginawa ito noong 2010. Paniniwala ng Chinese na ito ay “Year of the Tiger”.

Para sa kaalaman ng lahat, ang Tiger ay isang “feline”. At ang feline ay may 9 lives. Kaya Nine Lives ang tawag ko sa singsing na regalong ito ng nanay ko. Isang random na biro lamang ito sa umpisa na kinalaunan ay naging pangalan na talaga at tawag ko na sa singsing na ito.

Bukod pa sa mga nabanggit, ipinanganak rin kasi ako sa Year of the Tiger. Kaya sakto na 9 diamonds meron ito na maaaring maging Nine Lives. Kaya paniniwala ko na kapag isinuot ko ito ay ako ay may nine chances, opportunities at pwede ring… swerte. Wala namang mawawala kung maniniwala ako sa ganitong kasimplehan. Hangga’t nakakatulong ito sa pag boost ng gusto kong gawin sa buhay, paniniwalaan ko ang swerteng hatid ng singsing na ito.

Si Nine Lives ang naging kasa-kasama ko tuwing nagpipinta ako ako. Isa akong painter bilang hobby. Ang dati kong trabaho ay isang digital illustrator sa isang video gaming company. Magkaiba ang dating trabaho ko sa passion ko. Pero ang nakakatuwa ay pareho silang nangangailangan ng kamay ko. Pareho silang akitbidad na kinakailangan ay gumuguhit. Sa totoo lang, ito lang naman kasi ang alam kong gawin sa buhay.

Kapag inalis mo ito sa akin, hindi ko na siguro alam kung anong gagawin ko.

Siguro, mamamatay ako. Hindi naman literally na mamamatay.

9 Lives and other one shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon