Kabanata 13 , 14 , 15 and 16

54.8K 102 19
                                    

Kabanata 13: Buod

Isang araw, sa sobrang inip ng magkakapatid ay lumakbay sila. Habang naglalakad ay may nakita silang isang balon. Ang balon na ito ay kakaiba. Walang tubig sa loob at napakalalim nito. Agad nanagtaka si Don Juan at alam niya na may mahika ito. Yinaya niya ang mga kapatid niyang bumababa. Nagboluntaryo si Don Juan na unang bumaba ngunit nanguna si Don Pedro dahil siya ang panganay. Sinubukan ng dalawang nakakatandang kapatid ni Don Juan na bumaba ngunit si Don Juan lang ang tumagumpay. Pagdating niya sa baba ay may nakita siyang palasyong gawa sa ginto’t plaka.

Kabanata 14: Buod

Nang lumapit siya sa palasyo, may nakita siyang babae. Ang pangalan ay Donya Juana. Nahulog kaagad ang kalooban ni Don Juan kay Donya Juana at pinupuri siya sa kagandahan niya. Natatakot si Donya Juana kaya pinahintulutan siya na wag siyang iwan. Nang dumating ang higante, hinamon ito ni Don Juan sa isang laban. Nagwagi si Don Juan at papaalis na sila. Subalit biglang natandaan ni Donya Juana ang kanyang kapatid na si Donya Leonora kaya pinuntahan ito ni Don Juan.

Kabanata 15: Buod

Pumasok si Don Juan sa palasyona gawa sa ginto’t plaka. Nakita niya si Donya Leonora at muling napaibig. Nangtiningan muna sila at biglang tinanong ni Donya Leonora kung bakit nandoon si Don Juan. Dumating ang serpyenteng may pitong ulo na nagbabantay kay Donya Leonora. Muli, naglaban si Don Juan at ang serpyente. Sa bawat pinuputol na ulo ni Don Juan ay tumutubo ulit ito. Inabot ni Donya Leonora ang basalmo na ilalagay sa ulo ng serpyente sa bawat putol. Hindi na rin tumubo ang ulo ng ahas at nakatakas na sila Don Juan  at si Donya Leonora.

Kabanata 16: Buod

Pagkataas ni Don Juan at Donya Leonora ng balon, sila ay nakukuwentuhan.
Dahil dito, naingit si Don Pedro sa kanilang pagmahal.
Nagustuhan din niya si Donya Leonora, samantalang ayaw ni Leonora si Don Pedro.
Sinabi bigla ni Donya Leonora na naiwan niya ang kanyang singsing sa ilalim ng balon tapos sinabi ni Don Juan na siya ang bababa ng balon at kukunin ulit.
Tumanggi si Donya Leonora na iiwan nalang pero sabi ni Don Juan na bababa na siya.
Habang bumababa si Don Juan, Pinutol ni Don Pedro ang tali at iniwan nila si Don Juan.
Inilabas ni Donya Leonora ang kanyang lobo at ito ang nagtulong kay Don Juan

Ang Buod ng "Ibong Adarna"Where stories live. Discover now