Part 7

1.7K 85 0
                                    

𝐂𝐚𝐭𝐡𝐥𝐲𝐧 𝐏𝐨𝐯

Nag ba-bike ako ngayon papunta sa school. Alam niyo yong araw-araw masaya ka sanang papasok sa skwelahan kaso ngayon bigla nalang nagbago dahil may sasalubong saking malaking impakto.

Pababa na sana ako ng bike ng may bigla nalang bumusina ng malakas kaya nagulat ako

"Ano ba! Hindi ba uso sayo ang mahinhin!" Sigaw ko sa kotsing magara

bumaba kaagad ang napaka gandang babae habang nakabusangot ang mukha sakin.

"Naka harang ka kasi sa daan ko" sarkasta niyang sagot habang nakangisi ng nakakaluka

hayss bawas beauty points na naman ako nito, Hmm kong susuriin mo siya ng maayos maldita at maarte siya. Kagaya ni manwilto.

"Bakit sayo ba ang daan nato? Excuse me lang ahh hindi mo pagmamay-ari ang earth" pagtaas ko ng kilay sakanya

sumama nalang ang mukha niya sakin at mukhang naiinis

"What a loser" sabi niya habang umaarte

napasinghap nalang ako at ipinark ang bike. Papasok na sana ako ng bigla nalang magsalita uli ang babaeng maarte

"hi babe!" Malanding saad nito habang hinalikan ang pisnge ni manwilto

tss a badboy is always a playboy!

naka smirk lang ang mukha ni manwilto at nagtama kaagad ang mga mata namin. Maglalakad na sana ako papasok ng bigla niya akong tawagin.

"Hey cat!" Tawag niya sakin ng sarkasta

"Hindi tayo close" sungit ko kaagad at bigla nalang siyang ngumisi

naninilsik ang mga mata ni maarte girl sakin at tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Today is the start of your job" dagdag ni manwilto at tumango nalang ako ng walang gana

bigla nalang siyang ngumisi at inihagis sakin ang bag niya.

"Ano to?" Kunot noo kong tanong at lumapit siya sakin

"Dalhin mo yang bag ko, pupunta tayo sa office ko para malaman mo ang mga kailangan mong gawin" sabi niya at inakbayan ang maarteng babae na naka smirk rin ang mukha. Nauna na silang maglakad at napasinghap nalang ako at sumunod

***

"So, ito ang mga kailangan mong gawin" tumingin siya sakin "inshort mga rules" sabi niya at ngumisi

umilang nalang ako at hinintay siyang magsalita uli

"Okay, first kailangan tuwing lunch break susunduin mo ako sa room, pangalawa lahat ng iuutos ko sayo gagawin mo bawal umayaw, pangatlo sasamahan mo ako kong san ako pupunta pero hanggang hapon lang" walang gana niyang sabi

so kapag nag cr siya, sasama ako sa impaktong to?!

"Yon lang ba?" Walang gana ko ring tanong at tumango siya.

"Oww so utusan mo siya ngayon babe" tanong ni maarte girl

tss ang badoy naman ng maarte dapat skwaming girl nalang ang itatawag ko sakanya para flawless.

tumango lang si manwilto habang nakangising nakatingin sakin. Sinamaan ko lang siya ng tingin at tatayo na sana ng..

"Cat buy me a food, hindi ako nakapag breakfast" sabi niya

napakagat nalang ako ng labi at tumango

"Bilhan mo rin ako utusan" napatingin ako kay skwaming girl at nangunot ang noo niya

"Lilinawin ko lang na si manwilto ang susundin ko at hindi ka kasali" tinaasan ko siya ng kilay "inshort your not belong"

naninilsik ang mata niya at naglakad sa gawi ko at malakas akong sinampal

"Rebisco kaba? Diba hindi" tinignan ko siya ng masama "kasi sumosobra kana"

Nakatingin lang samin si manwilto habang umiinom ng tubig.

"Babe" tawag niya kay manwilto at ngumisi lang ito sakanya

"I hate you so much!!" Sigaw niya sa mukha ko "And i don't like you!!"

"As if naman na gusto din kita, libre mangarap" sarkasta kong sabi at sasampalin na naman sana niya ako ng hinawakan ko ito

"kapag itong mga kamay mo dumampi na naman sa maganda kong mukha" malalim ko siyang tinignan "matitikman mo na ang bagsik sa tinik ng rosas" diin kong sabi

rinig kong tumawa ng mahina si manwilto at naninilsik lang ang mga mata ni skwaming girl sakin.

suminghap ako at ngumiti nalang ng matamis at tumayo ng maayos.

"Walang hiya ka, arghhh nakakainis ka!!"

binuksan ko ang pinto at tumingin sakanya ng nakangiti

"Mutya ako. At ako si cathlyn manliquez hindi nagpapatalo sa kahit kanino" diin kong sabi at lumabas na habang nakangiti

Sinisiraan kaba?
pinaparinggan kaba?
Inaaway kaba?

hayaan mo sila

'A wise decent girl will never waste her time for a nonsense issues no matter how bad they treat you. Always kill them with kindness'

And remember this

'Not all battles are worth fighting for'

Mr. Masungit (Complete)Where stories live. Discover now