00:55

248 17 3
                                    

Lilyana Kinsley

Aquilles Juan.

The first person who got fascinated with my so-called talent in an instant. Siya talaga yung kauna-unahang tao na nagparamdam sa akin na hindi naman pala mali na pinili ko yung sarili ko.

For once, he made me feel that what I do is valid, that I am valid.

And his words.

Ewan. Basta sobrang comforting, sobrang assuring, sobrang ramdam even if it was just typed with his fingertips and seen in a blue bubble. I admit, it instantly excites me. First time ko kasi talagang ma-feel yung ganoon.

Na parang, I was worth caring for.

I was worthy to be seen as someone... special.

Who wouldn't want that feeling, right?

But then, when things go well, it can also go wrong.

Yung tipong, ramdam mo nang nabubuo ka unti-unti tapos isang araw, makikita mo na lang, the puzzle which seems perfectly fit with its pieces began to match unsuitably with each other. Until its appearance pleads you to start all over again.

It happened before my eyes when I crossed paths with my ex and as if like a domino effect, life started to crumble.

Pero ang nakakagulat, akala ko - matagal akong makaka-recover.

Mali ako.

Kailangan ko lang pala talaga ng karamay, ng makikinig sa lahat ng hinaing ko sa buhay. Aquilles made me feel that he can decipher my thoughts, no matter how messy my storytelling is.

He's just there but his simple presence shouts comfort.

But that comfort? It can really confuse you. Hardly.

And here I am, looking at his drunk self. Nakatitig lang ako sa kaniya, hindi alam kung anong gagawin, kasi hindi ko rin naman alam na ilalagay ko ang sarili ko sa ganitong sitwasyon pagkatapos ng ilang araw kong pag-iwas sa kaniya.

Kasi nga, naguguluhan na ako.

Bakit nito ko lang pinansin? Hindi na ako teenager para magpakipot pa, pero tama bang sa loob ng iilang buwan, masasabi mo nang gusto mo ang isang tao?

Kasi parang... ang bilis.

"Lynsey," pagtawag niya sa pangalan ko.

"Gusto mo bang tubig?" Tanong ko. Sa sobrang pula ng mukha at tenga niya, nararamdaman ko na agad kung gaano kalala ang hangover niya kinabukasan (or pwede rin mamaya).

Tatayo na sana ako dahil nakatingin lang siya sa akin habang nakaupo siya sa couch, nakatuon ang dalawa niyang siko sa tuhod niya, at ang mga kamay niyang magkasalop.

Pero pinigilan niya ako nung lalagpas na ako sa kaniya. Nakatalikod ako sa gawi niya habang nakahawak siya sa pulso ko.

Marahan iyon, hindi masyadong mahigpit, pero kayang-kaya akong pigilan at patigilin sa kinatatayuan ko.

"You're really here..." aniya. "Malalaman ko na ba kung bakit bigla mo akong iniiwasan?"

"Tsaka na tayo mag-usap kapag hindi ka na lasing," pag-iwas ko sa tanong niya. Akma ko na sanang aalisin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero naramdaman ko na ang paghigpit nun.

Dahil doon ay humarap na ako sa gawi niya ngunit nagulat ako at napaurong nang magtagpo ang mga mata namin.

"Lynsey," pagtawag niya. "Please tell me what's wrong. What do I have to do for you to stop ignoring me?"

I stared at him, not knowing what to say.

"It's been years of forbidding myself to like someone, to fall for someone, to get attached, but why is it hard when it comes to you?" He took one step closer to me.

And the next thing I know, my eyes were closed while his lips were touching mine.

Amidst Midnight BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon