Chapter 24

3K 153 17
                                    


Dencio's 1st point of view


"Why are you look like upset, my son?" napatigil ako sa aking pagkilos nang marinig kong magsalita si Dad dahilan upang mapaharap ako rito.


"Nothing, Dad." Simpleng sagot ko lamang sa kanya atsaka ako muling tumalikod upang sana'y umakyat na sa kwarto ko ngunit hindi na naman ito natuloy nang muling magwika ang aking ama.

"I've heard everything, Dencio." rinig kong sabi nito sa akin dahilan para matigilan na lamang ako.

Sa pangalawang pagkakataon ay muli akong napalingon sa kinaroonan niya dahilan upang magtama ang aming mga mata.


"What are you talking about, Dad?" hindi ko napigilang mapatanong dito dahil hindi ako sigurado sa gusto niyang sabihin sa akin.


"Aksidenteng narinig ko ang usapan niyo ng kaibigan mo nang lumabas ako para hanapin ka. Narinig ko ang lahat maski ang pag-amin niya sayo." Kalmadong sabi nito sa akin dahilan upang magngitngit na lamang ang aking mga ngipin sa galit.


Ngunit agad ko namang napigilan ang aking emosyon at minabuti ko na lamang na bumuntang hininga upang pakalmahin ang aking sarili.


"Matutulog na ako, Dad. Maaga pa ang flight ko bukas papuntang Manila." Tanging nasabi ko lamang sa kanya at pag-iiba ko na rin ng usapan dito sa aking ama.


Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at mabilis na akong humakbang paakyat sa baitang ng hagdan. Malapit na ako sa huling baitang nang marinig kong nagsalita na naman siya dahilan upang matigilan na lamang ako.


"Tama lang din ang naging desisyon ko na mag-aral ka sa maynila lalo pa't may nararamdaman akong kakaiba sayo lalo na kapag kasama mo 'yang si Flynn, Dencio." rinig kong naging pahayag niya sa akin ngunit hindi ko na ito pinansin pa dahil agad akong nagmadali upang magtungo sa aking kwarto at mabilis na isinarado ang pinto.


Sunud-sunod akong nagpakawala ng mabibilis na pagbunga ng hangin nang makarating ako sa aking silid at agad kong hinawakan ang aking dibdib nang manumbalik sa akin ang mga tagpong naganap sa aming dalawa ng aking matalik na kaibigan na si Flynn.


"Gusto kita, Dencio. Gustung-gusto kita." Bungad na sabi na lamang nitong kaibigan ko na si Flynn nang ayain niya ako sa 'di kalayuang bahagi ng aming mansyon.


Literal na nanlaki ang aking dalawang mga mata at napaawang din halos ang aking bibig dahil sa kanyang naging pag-amin ngayon sa akin.


Nanatili lamang akong naging kalmado sa harapan niya at straight face lamang ang pinapakita kong emosyon dito sa kaibigan ko.


Nakita kong unti-unti itong lumalapit sa pwesto ko dahilan para mangabayo na lamang sa bilis ang tibok ng aking puso lalo pa't nang magtagumpay siyang makalapit sa kinaroroonan ko. Nakita ko pang tumingkayad ito dahil sa mas matangkad ako sa kanya at aabutin niya sana ang aking labi nang mapadako naman ang tingin ko sa 'di kalayuan kung saan naroroon ang aking gobernador na ama habang nakatingin ng seryoso sa aming dalawa ni Flynn.


"Hindi ako katulad mo, Flynn." Labas sa ilong kong sabi rito sa aking kaibigan dahilan upang matigilan siya sa kanyang gustong gawin sa akin.


The Governor's Son [BxB] ✓Where stories live. Discover now