3: Betrayal

3.7K 119 8
                                    

"Don't hate your parents, Catalina."

Napakunot ang noo niya sa sinabing iyon ni Sofia. Kasing edad niya ito pero parang mas matanda pa sa kanya kung magsalita. Nagpatuloy siya sa paglalakad sa hallway ng Paradiso.

This my home now, naiisip niya. Mabuti nga at kinupkop pa siya ng main branch ng Valerius sa kabila ng lahat.

"I have every reason to hate them."

Malaki ang kasalanan ng mga magulang niya. Naglihim sila sa pinuno nila. And they stole something very important from him.

"You're just ten. You know nothing," sagot sa kanya ni Sofia na nakasunod parin sa kanya. Ayaw parin siyang tigilan.

She shrugged. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Di nga niya alam kung bakit siya nito kinakausap at sinusundan. Siguro ay dahil sila lang ang natitirang bata sa Coven nila. Gusto nito ng kalaro.

"Catalina!" Tawag nito sa kanya. Nakakalayo na siya dito.

"Stop bothering me Sofia!" tumigil siya at sumigaw dito. "I hate them because they betrayed the Valerius Coven!"

Marami pang dahilan. Pero wala na siyang balak ipaalam pa dito.

Iba si Sofia sa kanya. Kahit wala na itong papa, kitang-kita naman niyang mahal na mahal ito ng mama nito.

Kapag naiisip niya iyon, naiinis lang siya.

Naiinggit.

Bigla lumapit sa kanya si Sofia.

Mabilis. Nakakagulat.

Bigla siyang nakaramdam nang takot nang tumitig ang mga matitingkad na asul na mata nito sa kanya.

"You know nothing about betrayal!" Mariin nitong sambit.

"S-Sofia." Napaatras siya. Ngayon lang siya nakakita ng ganoong mga mata. Parang umiilaw na sa sobrang tingkad.

Maya-maya pa ay pumikit ito at yumuko. Nang magmulat ito ay bumalik na sa dating mapusyaw na kulay ang mga mata nito.

"You really know nothing, Cat. Mas mabuti na nga siguro ang ganoon."

***

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Madilim na ang kwartong yon. Nakatulog pala siya kanina.

May ininject sa kanyang tranquilizer ang babaeng hunter na Rafaella daw ang pangalan. Nagtataka pa siya dahil sa pagkakaalam niya, hindi tinatablan nang pampatulog o pampamahid ang mga tulad nila. Kakaiba talaga ang mga gamit ng isang iyon.

Pumayag itong tulungan siya matapos niyang ikwento ang nangyari sa Coven nila. Lahat-lahat. Pati yung ginawang kagaguhan ni Pierre. Yung ginawa nito dahil mas pinili ni Isabelle ang pinuno nila.

Sigurado siya, makakatikim ang isang yon doon sa babae, mukhang galit na galit kasi habang kinukwento niya ang parteng yon.

But she kept some part of it, hindi niya sinabing may kasama siya. Sinabi niyang siya nalang ang natirang buhay. Na namatay si Isabelle kasama ang anak sa Paradiso. Mahirap na baka malaman pa itong buhay ni Pierre. Baka hanapin pa ang babaeng yon. Malalagot siya kay Luna.

Wala naman hinihinging kapalit si Rafaella. Nagtataka nga siya kung bakit niya ito mabilis na nauto. Sa ibang tao, katakot-takot na drama pa ang gagawin niya.

She stood from the bed. Ramdam niya ang sakit ng tama niya sa tyan pero alam niyang papagaling na yon, hindi man kasing bilis nang isang awakened na bampira.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto. Madilim na din sa labas. It's two in the morning, sabi ng relong nakasabit sa ding-ding.

Malaki ang lugar. Sa tingin niya isa iyong condominium unit. Katamtaman ang laki ng sala. May nakahiwalay na kusina at dalawa ang kwarto. Mukhang kalilipat lang dito dahil yung ibang gamit, may plastic pa.

"I'm sorry...It's my fault Elle." Dinig niya iyon kahit bulong lang.

Si Pierre. Mukhang kausap yung babae. Dahan-dahan siyang nagtip-toe papapunta sa kwarto ng mga yon.

Itinago niya ang presensya niya, isang skill na itinuro sa kanya ni Luna.

Ewan ba niya sa babaeng yon. Ang daming pakulo. Kaya pala nagagawa noong makapaggala-gala sa loob ng Paradiso noon na walang nakakapansin kahit isa sa mga pamilya nila. Bawal itong lumabas sa kulungan sa library pero nakakalusot dahil di nila maramdaman.

Bumalik ang atensyon niya kina Pierre. Sinilip niya ang mga ito mula sa nakaawang na pinto.

May ginagawa yata sila...my ghulay. Baka makakita ako ng live!

Wala. Nothing. No moans and groans.

Nakatayo lang si Pierre sa likod ni Rafaella at nakatungo. Tulog na tulog yung babae, nayukyok pa ang ulo sa desk na puno ng papel.

Kinumutan ito ni Pierre sa likod. Huminga ng malalim pagtapos noon.

Ang sweet tingnan kung tutuusin, kaso galit parin siya sa Haring Asungot na to.

"Marami akong kasalanan sayo Elle, pero hindi ko masabi. Hindi ko kayang sabihin. Kapag nalaman mo, magagalit sa akin, lalayo ka. Hindi ko na kayang mangyari yon,"

Dinig na dinig niya iyon. Na-curious tuloy siya kung anong sinasabi nitong kasalanan.

"I was the one who hired those hunters, the ones who violated you,"

My ghulay!

Halos napasigaw siya sa nadinig.

Totoo ba yon?!

"I'm sorry...I'm really sorry. Hindi ko alam na ganoon sila. I didn't know they were under the influence of that Fullmoon..."

Napatakbo siya ng mabilis pabalik ng kwarto. Di niya nalaman kung nakita ba siya nito o nadinig pa.

Sinarado na niya ng mabilis ang pinto. Dumiretso siya sa kama at napaupo.

Kung tama ang naaalala niyang balita noon. Si Rafaella ang tinutukoy ni Pierre noong biktima ng mga taong gumagamit ng Fullmoon.

Sh*t.

Napahawak siya sa noo. It all came back to her.

Ten years ago.

Si Pierre ang nagbigay ng impormasyon sa High Council tungkol sa kumakalat na drogang yon. Tungkol sa masamang epekto noon.

Natatandaan pa niyang nagdala ito ng bangkay ng isa sa mga gumagamit noon para idiin pa ang mga magulang niya. Para depensahan nito ang sarili dahil sa pagpatay nito sa mga ito.

That man killed her parents. She remembered that night.

They deserve it Cat. They deserve to die.

Requiem: AwakeningWhere stories live. Discover now