.....ISAGAD MO.....

23 1 0
                                    

Maghuhubad ka?
O huhubaran kita?
Para hindi mo namang sabihing ako ay madaya
Sabay nalang nitong dalawa.

Sabay nating huhubarin ang maskarang tumatabon sa ating malungkot na muka.
Hubarin ang pagkataong ginagamit para lang makapagpanggap sa mata ng madla
Hubarin ang bawat palamuting nakakapit mula ulo hanggang paa
Tigilan na ang pagtatago sa totoo nating nadarama.

Hawakan mo
Hawakan mo ang bawat masasakit
Na salitang sinabi nila sayo
Hawakan mo bawat panghuhusga na ginawa sayo.

Ipasok mo
Ipasok mo sa kukote mo
Na maraming nagmamahal sayo
Maraming handang sumugal mapalapit lang sayo.

Dahan-dahan lang muna
Wag kang magmadali, tigil na muna
Hindi kase ganon kadali mahilom
Ang sugat na natamo mo
Hindi sa panlabas kundi sa isip at puso.

Ngayon isagad mo
Isagad mo lahat ng pasensyang meron ka noon
Lahat ng galit mo mo ilabas mo ngayon
Nakikinig ako kase ago kong nag-iisa ka sa habang panahon.

Maging masaya ka para sa sarili mo
hindi para sa iba huwag papatalo sa kanila
Nandyan SIYA (our God)  maybe magbibigay sayo ng pag-asa.

______________________________________
Sana maintindihan nyo ang Tulang ito

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ISAGAD MOWhere stories live. Discover now