Kabanata 8: Jealousy

1.1K 62 0
                                    

WARNING: GRAMMATICAL ERROR AND TYPOS A HEAD!!!

______________________________________

THIRD PERSON

Napataas ang kanyang kanang kilay habang nakatingin sa babae naka upo sa kanyang harapan. Promblemado ang mukha nito at alam niyang kailangan nito ang kamay niya upang tumulong. Palagi naman!


" What now? Anong susunod mong plano?" aniya. Napaangat ang tingin nito sa kanya. Tinanggal nito ang shades na nakaharang sa mata at pagkatapos ay pinagsaklop ang kamay sa ibabaw ng mesa.


"Mo? really?" ngumisi ito sa kanya.

" What? Ikaw ang may plano ng lahat diba? Palpak nga lang," mapanudyo siyang tumawa. Napatahimik ito at pinagkatitigan siya ng maigi.


" Remember tayong dalawa ang magtutulungan dito. Wala kang makukuha kung hindi ka rin gagalaw," mariing paalala nito.


" Well, mother sino ba ang nagsabing aatras ako? tsk basta ba hindi tayo papalya gaya ng ginawa mo noon," lintaya niya dito.



" Noon iyun pero hindi na ngayon, kaya nga ako nandito para sabihin sayong gumalaw kana dahil nahihirapan ako. Masyadong bantay sarado ang babaeng iyun at may doctor pang aaligid ng aligid sa kanya," palatak niya. Napakunot ang kanyang noo.


" Doctor? Sinong Doctor?" usisa niya.


" Yung sikat na Doctor," anas nito. Nagisang linya ang kanyang labi pagkatapos ay pinalandas ang kamay sa kanyang buhok. Mukhang alam niya kung sino ang tinutukoy nito.


" Dr. Calder Pritzker " napagat labi siya. Umangat ang sulok ng labi ng kanyang kausap.

" Siya nga... Now I need you to get his attention para maisagawa natin ng maayos ang lahat," tumango siya at ngumisi dito. Napakadali lang naman pala ng gagawin niya. Easy as pie kumbaga, maraming lalaki ang nagkakagusto at humahabol sa kanya kaya nakakasiguro siyang makukuha niya ito ng madalian at para mawala na rin sa landas ang babaeng kinaiingitan.

Malaki ang kanyang pagka disgusto sa anak ng governor nila. Mula noon hanggang ngayon.

" Dad," tawag pansin niya sa amang preteng naka-upo sa office chair nito sa opisina. Pagkatapos niyang makipagusap sa kanyang Ina ay dumiretso na siya dito.

" What is it, My daughter?" saglit itong lumingon sa kanya at muling binalingan ng tingin ang Isang newspaper na binabasa.

" I want you to do something," muli ay napatingin ito sa kanya.


" Diba kasusyo mo sa business ang mga Pritzker? Then I want you to make a deal with them. Gusto kong maging akin ang anak nila," diretsang bigkas niya dito.


" What—why? Do you love him?"

" Yes I do Dad, kaya please allow me to be with him? Please?" paawa niya at yumakap pa dito. Napangisi siya ng tumango ang Ama.

Hindi talaga ito problema dahil binibigay nito ang lahat ng gusto niya.  Ang kanyang Ina at Ama ay hindi kasado dahil aksidente lamang na nabuntis nito ang babae at siya nga ay pinanganak nito pagkatapos nun ay iniwan na siya nito sa kanyang Ama. Nagalit din siya sa Ina dahil mas pinili nitong alagaan ang ibang bata kaysa kanya.

Now she will take her revenge.

   ____꧁꧂___

AURORA

It's been weeks simula noong magising ako at sa mga dumaang araw ay palaging nasa tabi ko si Doc. Prince at si Chanel para tulungan ako Maka recover ang paa ko. Doon ko lang din na laman na Nurse pala ang kinuha ni Chanel at doon siya sa America nagtatrabaho. At sa awa naman ng diyos ay nakakatayo na ako at nakakalakad narin ng konti. Masaya ako dahil nag e-emprove na ang katawan ko at nasanay na rin ako saking paligid. Naging mausisa ako pati na rin sa social media pero hindi ako ginawang ni Chanel ng accounts baka daw ay dumugin at tadtaran ako ng mga mensahe ng mga taong nakakilala sakin.


AURORA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon