42

37 0 0
                                    

3:32pm

Shin: Kapag nakakuha ako ng tulong sa tatay ko, mangangako ka bang hindi niyo na 'ko guguluhin?

Gelli: Grabe, laki talaga ng galit mo sa 'min, ate.

Shin: Wala ka ba talagang ideya sa trauma na binigay niyo sa 'king mag-ina? Ginawa niyo 'kong katulong niyo sa loob ng isang taon. Sa tingin mo magpapasalamat pa ako sa inyo?

Gelli: Tinuturuan ka lang namin sa mga gawaing bahay. Kailangan mong matutunan lahat kasi ikaw na lang ang mag-isa sa buhay. Kaya nga hindi ka na nahirapang mag-adjust ngayon dahil kay Mama 'di ba? Inihanda ka lang niya sa tunay na buhay

Shin: You know that's bullshit, Gelli. Please lang, tama na 'to. Pagkatapos ng paghingi ko ng tulong ngayon sa tatay ko, tigilan niyo na 'ko. Tama na siguro ang paglunok ko ng pride para kausapin siya para lang mabayaran lahat ng sinasabi mong utang na loob ko sa inyo.

GOOD NIGHT, GOOD KNIGHT [Epistolary]Where stories live. Discover now