Chapter 5

589 44 4
                                    

Tila nagpanting ang pandinig ni Borj dahil sa narinig. Simula pa lang sa kanyang pagkabata. Ayaw na ayaw na niyang maririnig kaninuman na sasabihan siya na isang dakilang bakla.

Kung kanina ay hawak na niya ang pintuan para buksan, ngayon ay sinigurado niyang na i-lock niyang mabuti ang pintuan at ilang hakbang ang ginawa niya upang muling makalapit kay Roni.

Walang sali-salitang siniil niya ng halik ang dalaga at mahigpit na hinapit sa bewang ang dalaga.

Nanlaki ang mga mata ni Roni dahil sa labis na pagkagulat. Hindi niya inaasahan na mapo-provoke niya si Borj.Unti-unti ay umatras sila hanggang sa tuluyan na siyang napahiga sa malambot niyang kama habang nakadagan sa kanya ang buong bigat ng lalaki.

Naging agresibo si Borj. Ang kani-kaninang masuyong paghalik nito ay unti-unti nang naging mapusok at mapangahas. Palalim ng palalim. Hindi na maintindihan ni Roni kung bakit gustuhin man niyang kumawala sa mahigpit na pagkakayakap ng binata ay hindi niya magawa. Nadadala siya ng init ng katawan ni Borj. Hanggang sa unti-unti niyang namalayan na gumaganti na rin pala siya ng maiinit na halik dito. Naramdaman niya ang maiinit na palad ni Borj na humahaplos sa kanyang katawan. Hindi niya maitatanggi na nagugustuhan niya ang ginagawa ng lalaki. Nakakabaliw ang sensasyong nararamdaman niya. At tuluyan na niyang inihanda ang sarili at ibigay kay Borj ang anumang gustong gawin nito sa kanya.

Maya-maya ay naramdaman niyang bumaba ang mga labi ni Borj patungo sa kanyang leeg. Painit ng painit ang eksena sa pagitan nila. Napapasinghap si Roni lalo na ng maramdaman niyang inililis na ni Borj ang manipis na blouse niya. Bigay na bigay si Roni. Nagpaubaya siya. Mahina siya para kontrolin ang nararamdamang ligaya sa sandaling 'yun. Napapikit na siya sa labis na init.

Maya-maya ay naramdaman niyang tumigil si Borj sa ginagawa. Napamulat siya at nagtatakang sumulyap sa binata na nakadagan pa rin sa kanya.

"Anong masasabi mo ngayon, Senyorita, Bakla ba ako?" --at gumuhit ang sarkastikong ngiti sa labi ng binata at saka mabilis nang tumayo at tuluyan nang lumabas ng silid.

Naiwan sa ere si Roni.Napanganga siya sa labis na pagkagulat.Noon lang niya napagtanto ang kagagahan niya.Sirang-sira ang kanyang plano.Ang gusto niyang mangyari, akitin si Borj at palabasin na may ginagawa itong kahalayan sa kanya.Nangyari naman ang mga plano niya, subalit hindi niya nagawang pugwatin ang sitwasyon ng madarang siya sa mainit na halikang iyon.

Dahil sa labis na inis at pagkapahiya sa sarili naibato na lamang niya ang unan at saka nanggigigil na humiga nang muli sa kama.

"Ang gaga mo Roni.. Ang gaga mo talaga!" --muli ay sisi niya sa sarili.

Sinubukan niyang matulog subalit hindi na niya magawang makatulog. Buhay na buhay ang katawang lupa niya dahil sa ginawang panggising ni Borj sa kanya. Inis na inis na siya dahil palpak ang mga plano niya. O tama na rin sigurong sabihin na naiinis siya, dahil nabitin siya sa ginawa ni Borj.

Paano siya ngayon haharap sa binata? Paano siya makikisama sa lalaki ngayong alam na nito ang kahinaan niya?

Isipin pa lang niya ang bagay na 'yun parang gusto na lang niyang kainin siya ng lupa dahil sa labis na pagkapahiya. Paano pa siya ngayon makakagawang muli ng plano kung paano patatalsikin si Borj kung hindi na nga niya kayang humarap pa dito.
♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️

Ilang araw ng hindi lumalabas ng silid si Roni. Minabuti na lamang niyang magkulong sa kuwarto at magkunwaring abala sa laptop na may kinalaman sa trabaho ang ginagawa niya. Doon na rin siya nagpapadala ng pagkain kaya labis na nagtataka ang mga kasambahay sa ikinikilos ng dalaga.

Isang hapon, habang abala siya sa pag-eencode. Ilang katok sa may pintuan ang narinig niya.

"Sino 'yan?" --tanong niya.

"Senyorita, si Karen po ito?" --wika ng batang katulong.

Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at walang ganang binuksan ang pintuan ng kanyang silid.

"Bakit!?" --mataray na bungad siya sa kasambahay.

"Senyorita!Nasa baba po sina Ma'am Anica at Ma'am Sabrina." --wika ng katulong.Agad na nagsalubong ang mga kilay  niya sa narinig.

"Ano!?" --

"Opo Senyorita.Nasa may pool po sila kausap ni Borj" --wika ng nakababatang kasambahay.

Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Roni.Ramdam na ramdam niya ang sobrang pagkairita sa dalawang kaibigan.

Ano ang ginagawa ng dalawang 'yun sa bahay at hindi man lang nagpasabi na darating.Bakit si Borj ang kausap ng mga ito?Si Borj ba ang dahilan kaya narito ang mga kaibigan.Kinakalantari ba ng mga ito ang driver niya.

Walang salitang isinara niya ang pintuan ng silid at nagpalit ng mas maayos na damit.Ilang saglit pa ay bumaba na rin siya ng silid at inihanda ang sarili sa muling pagkikita nila ni Borj.

"Ano namang masamang hangin ang nagdala sa inyo dito?" --nakasimangot na bungad niya sa mga kaibigan.

Sabay-sabay na napalingon ang magkakaibigan sa nakasimangot na si Roni.Saglit na napatigil ang masayang usapan nina Anica at Sab kasama si Borj.

"Naku Roni, bakit ngayon ka lang. Kanina ka pa naming hinihintay.Ang saya ng usapan namin nitong si Borj."--natatawang wika ni Anica.

"Malay ko ba na pupunta kayo dito.Hindi man lang kayo nagpasabi"--angal ni Roni.

Hindi man lang niya magawang tingnan si Borj na naroon.

"Hay naku Roni, kelan pa naging bawal ang pumunta dito nang walang pasabi?" --supalpal ni Sabrina sa kanya.

Lalo lang nagsalubong ang kilay niya.Nararamdaman niyang painit ng painit ang ulo niya.Naiilang siya sa presensiya ni Borj na hindi pa rin niya magawang sulyapan hanggang ngayon.

"Senyorita, maupo muna po kayo" --maginoong tumayo si Borj at magalang na ipinaubaya sa dalaga ang silyang kinauupuan niya.

Hindi kumibo si Roni.Subalit, sa pagkakatong iyon ay  pasimple niyang sinulyapan ang binata.Hindi niya akalain na nakatingin din pala ito sa kanya at ngumiti na tila ba may nais ipakahulugan ang nakakalokong ngiti na 'yun.

Pakiramdam niya ay nag-init ang mukha niya sa labis na namang pagkapahiya sa binata.

"Sige girls, nandiyan na si Senyorita Roni.Iwan ko na kayo ha" --paalam ni Borj sa mga dalaga.

Hindi na kumibo si Roni at hindi na rin niya tinangka pang muling sulyapan ito.

Nang makaalis ang binata saka pa lang niya naisipang maupo at makipag-usap sa mga kaibigan.

"Oh Roni..Kala ko ba didispatsahin mo ang poging 'yun..Bakit nandito pa" --tila nanunudyong tanong ni Anica sa kanya.

"Oo nga naman Roni .Aminin mo, ayaw mong paalisin ang boylet na 'yun ano??" --mas sarkastikong hirit biro ni Sabrina.

Matalim na irap na naman ang ipinukol niya sa mga kaibigan.Naiinis na nga siya, mas lalo pa siyang ginagatungan.

"Huwag kayong mag-alala..Hindi magtatagal, mapapatalsik ko din yan sa pamamahay na ito" --seryosong wika na naman ng dalaga habang tumatakbo na naman sa isipan niya ang isang maitim na plano.

Don't forget to hit ⭐ and feel free to give your comments and suggestions.

♥️ Roni meets Borj♥️Where stories live. Discover now