Definition of Crush

63 5 2
                                    

"Cavynn Khade S. Valencia, kailan ka kaya mapapasakin? Ang pogi mo pa naman, bagay lang sa magandang tulad ko."


Nakangiti lang ako habang ini-stalk ang crush ko dahil baka may bigla siyang i-post, dapat ako ang unang magre-react, magco-comment at magse-share! Kakatapos ko lang din kumain dahil break time namin at ilang minuto nalang ay magsisimula na ulit ang klase.


"Ay ang gwapo mo!"


Napasigaw nalang ako dahil sa gulat at dali-daling pumunta sa classroom namin dahil biglang nag-ring ang bell, hudyat na magsisimula na ulit ang klase. Napadaan pa ako sa room ng crush ko kaya nagpa-cute pa ako sa kaniya nang makita ko siyang nakatingin sa may labas.


Nakahalumbaba lang ako habang nakikinig ng mabuti kay Ma'am. 4th year high school na ako kaya kailangan kong ayusin ang pag-aaral ko dahil kapag hindi ko inayos ay baka sumalubong sa akin ang flying kaldero ng Nanay ko. Mabilis natapos na ang klase namin kaya dali-dali akong lumabas at dumiretso sa C.R. para mag-ayos.


"Hoy! Nag-cutting ka ano?"


Sinalubong ko ng batok ang kaibigan kong si Dreya nang maabutan ko siya sa C.R. Nagme-make up pa ang gaga kaya palong-palo ang labi't mukha niya.


Nag-ayos naman ako ng sarili, nagsuklay at nag-liptint pa ako. Inipitan ko rin ng braid ang buhok ko dahil naiinitan ako. Nang matapos ako, hinila na ako ng kaibigan ko at muntik na akong mapamura ng malutong dahil paglabas ko ay may nabunggo akong lalaki!


"Uy, babe-ay este Khade!" Ngumiti ako sa kaniya ng malawak at halos mapunit ang labi ko kakangiti sa kaniya. Ngumiti lang siya ng pilit sa akin kaya halos mahimatay ako ngunit bumalik din sa wisyo dahil nilampasan niya lang ako.


Syempre, naturingan na akong makulit pa sa makulit, sinundan ko siya at ang kaibigan ko naman ay bigla nalang nagpaalam sa'kin kaya tumango lang ako.


"Sandali!"


Anak ba 'to ng kabayo? Ang bilis maglakad! Ang haba pa ng mga binti! Parang 'yung isang hakbang niya, tatlong hakbang ko na.


"Hoy-"


"What?" Tumigil siya at ako naman ay lumampas kaya patalikod akong bumalik papunta sa kaniya at ngumiti sa kaniya ng malawak.


"Hi!"


"Hi? Sinusundan mo ako para mag-hi?" takang tanong niya at ako naman ay namula dahil nakita ko na naman ng malapitan ang gwapo niyang mukha.


Mula sa manipis niyang labi, makapal at perpektong kilay, buhok na buhaghag, almond eyes at pangang nagpapanganga sa akin. Grabe! Gusto ko lahat sa kaniya! Kahit yata pati kuko niya sa paa, magustuhan ko rin.


Eh ako kaya? Magustuhan niya rin?


Maganda naman ako, oo maganda ako! Totoo naman kasi! Sakto lang height ko, sakto lang para kay Khade. Heart-shaped ang face ko, hourglass katawan ko, pointed nose, long hair din ako, thin lips and thin almond eyes with thick lashes oh 'di ba? Ang ganda ko!

Definition of Crush || One ShotWhere stories live. Discover now