Kabanata 15

185 9 0
                                    

Kabanata 15

Punta

I was exhausted when I got home. Nag-first aid pa ako sa van at sa station. Hindi na rin ako ang pinag-cover ng interview para bukas dahil hindi ko na kaya. Masyadong masakit ang katawan ko kaya pinag-leave nalang ako bukas.

When I got home, I suffered under my father's antics. Nabalitaan daw niya na may stampede sa press conference ng STATION. Nabanggit sa kan'ya ng katrabaho niya dahil may kamag-anak daw na reporter.

I didn't want to answer, but I knew that he would press on that matter. Sinagot ko na lang para tapos na ang usapan.

"I don't want to cover those type of news," was my excuse, which was the truth. Pampalubag-loob ko nalang din kay Papa para hindi na siya masyadong mag-alala

"Kung gano'n, bakit pumayag ka pa?" dismayadong tanong ni Papa.

"Pinakiusapan po ako ng head namin."

Nakapinid ang labi niya sa isang linya bago magsalita. "'Wag mo nang tanggapin pa sa susunod, anak. Delikado 'yang trabaho mo."

I signed when I heard it for the nth time. I knew how dangerous my job could be, especially that the prime example was my mother. Pero hindi 'yon makapipigil sa 'kin.

I want to pursue what I want, and that's journalism. Ilang beses ko nang pinaiintindi kay Papa, sadyang gusto lang talaga niya ako paalisin sa trabaho ko.

Kung aalis naman ako, ano ang kukuhanin kong trabaho? I couldn't find any jobs that I'm interested in.

"Hindi ko po pwedeng tanggihan nang tanggihan ang ni-re-request nila sa 'kin. Ayoko po magkaroon ng bad record. And I'm a reporter. Alam ko po kung ano ang pinasok ko."

"Kung ano ang pinasok niyo." There was distaste in my father's voice, and I knew where it came from.

Nagpakawala nalang ako ng hininga at walang imik na nilagpasan siya.

Hindi na dapat ako umuwi pa rito. Doon dapat ako sa unit ko uuwi pero baka mag-isip na naman ng kung ano-ano si Papa. Baka pauwiin pa ako rito dahil do'n. I'll just tell him that they had given me a restday.

Nang makapasok sa kwarto, naglinis muna ako ng katawan bago humiga sa kama. Halos alas sais na ako nakauwi dahil inasikaso ko pa ang article tungkol sa presscon, bagay na hindi dapat ipagsabukas. Naipasa ko rin naman kanina kaya wala na akong aabalahin pa bukas.

Mag-iimpake nalang ako ng gamit dahil pupunta ako sa Pangasinan sa isang araw. Ako ang naatasang mag-cover ng opening ng NSPC, trabaho na hindi ko dapat tatanggapin.

I was hesistant to go because all it ever reminded me was the desperation and the false hope that I believed in. Alam kong nililinlang ko lang ang sarili ko noong oras na 'yon. Kung may magsasabing natural lang na gawin 'yon, para sa 'kin ay hindi.

I didn't expect that I could go that low.

Why was I worrying about it when I was the only one who knew? It's simple—mas nakasisira kung ikaw lang ang nakaaalam ng kabaliwan mo. Patuloy na idinidikdik sa sarili ang kahihiyang ginawa hanggang sa multuhin ng sari-saring pag-iisip.

I knew it was deteriorating, and it still haunts me up to this day. I knew Kamila and Malik would understand me and keep an open mind about it, but I chose not to tell them. I couldn't trust them enough, especially if the issue was very personal, because there were boundaries in the relationships we had established.

Magkaroroon ba ako ng pagkakataon na masabi sa kanila 'yon? Posible, pero ayoko munang makilala nang lubusan.

Masyadong nakapaninira.

Fraudulence of Bliss (STATION Series #5)Where stories live. Discover now