CHAPTER 16

171 6 0
                                    

Sa wakas ay nakahanap na rin ng apartment si Emma. Mayroon itong dalawang kwarto, maliit na sala, kusina at balcony. Fully-furnished na din ang naturang apartment kaya wala na siyang poproblemahin pa. Sa halagang bente-mil, hindi na siya lugi. Centralized din ang aircon nito tapos may hot and cold shower pa ang banyo. Ang maliit ngunit chic na kitchen ay mayroong 4-seaters na dining table. Siya ang first-user ng apartment dahil bago pa lang ito. The property was located in Dao, Tagbilaran and it has a big parking area. It was also secured with CCTV cameras.

At dahil mag-isa siyang naninirahan sa apartment, natutong magluto ng mga simpleng ulam si Emma tulad na tinolang isda, pritong isda, paksiw na isda at gisadong gulay.

Mahal ang car rentals sa Bohol dahil sa dami ng turistang pumupunta sa lugar araw-araw kaya minabuti niyang bumili na lang bago. Isang Kia Picanto na kulay pula ang kanyang binili in cash. Anyway, pwede naman niya itong ibenta kung magsawa na siya. Medyo nabawasan ng konti ang kanyang pera dahil mahigit kalahating milyon din naman ang presyo nito.

Susulitin niya ang kanyang pagtatago o bakasyon dito sa Bohol. Tutal, jobless naman siya ngayon, malaya siyang magliwaliw kahit saan niya gusto. At uso naman ngayon ang solo traveller.

Sa darating na sabado ay sa Anda ang kanyang destinasyon. Maraming public beaches doon at maganda rin daw ang white sands base sa mga nabasa niyang blogs. Nagpa-reserve siya ng kwarto sa Old Castle dahil ito ang pinakamalapit sa Quinale Beach, isa sa mga public beaches doon na napili niya.

Biernes pa lang ng hapon ay nag-empake na si Emma ng mga gamit. Ilang piraso ng two-piece swimsuit, rashguard, t-shirts at shorts, tsinelas, sunblock, underwears at saka pantulog. Bale, dalawang araw at gabi siya sa Anda. Kung ano man ang makalimutan niyang dalhin, pwede naman siguro itong bilhin sa lugar na pupuntahan.

Bukod kasi sa ipinagmamalaking white sand beaches sa Anda, marami din itong mga kweba tulad ng Banilad Cave, Balwarte Cave, Lamanoc Cave, Lundag Cave, Sudlonon Cave and Ca Genaro Cave. Pupunta din siya sa Anda Falls, Lagoon, Lamanoc Island at ang Marine Sanctuary.

Actually, napakarami pang magagandang tanawin sa Anda at sa mga karatig lugar nito pero hindi siya sigurado kung mapupuntahan niya lahat. Sa beach hopping pa lang ay mauubos na kanyang oras. Pero di bale, mapuntahan man niya ang lahat o hindi, sisiguraduhin niyang mag-eenjoy siya.

Araw ng Sabado. Alas kwatro pa lang ng umaga ay umalis na si Emma mula sa apartment dahil mahigit dalawang oras din ang kanyang byahe patungong Dao. Gusto niyang makarating sa lugar bago mag alas-syete ng umaga. Doon na rin siya mag-almusal.

Pagdating niya sa Anda agad siyang nagtungo sa Quinale Beach. Pagkatapos i-park ang sasakyan sa available na parking space, bumaba siya. Bitbit ang kanyang DSLR, naglakad-lakad siya sa kahabaan ng Quinale. At dahil maaga pa naman, bihira pa lang ang mga taong naroon.

Habang pinagmasdan ang magandang kapaligiran, may nahagip ang kanyang mga mata. Sa di kalayuan, ay may isang lalaki na nakasuot lang ng isang board short. Naka-display ang machong katawan nito. Bukod sa maganda ang pangangatawan ng lalaki, nag-uumapaw rin ang ka gwapohan nito. Pasimple niya itong kinunan ng litrato. Saka niya napansin ang isang napakagandang babae na kasama nito. Siguro ay magkasintahan ang dalawa.

Ngunit may isang seksing babae na tumawag sa lalaki. Nang mag side-view ito upang lingunin ang tumawag, para itong si...Alexander.Emma was hurting all over again when she remembered him. Nang dumating siya sa Bohol, sinubukan niyang ibaon sa limot ang lahat nang namagitan sa kanila ng lalaki. But why now?

Pero ang sakit na naramdaman ay nakita rin niya sa mga mata ng magandang babae na kasama ng lalaki kanina. Malungkot nitong tinanaw ang likod ng papalayong lalaki.

Pasimple itong tumalikod at pinahid ang luha nang makipaghalikan ang lalaki sa bagong dating na babae. Mahinang naglakad si Emma patungo sa malungkot na dalaga at pasimple itong binangga.

"Opps, sorry. Pasensya ka na talaga at hindi kita napansin. Ang ganda rito sa Anda, ano?" palusot ni Emma. Hinawakan niya ang kanyang DSLR upang maipakita sa babae na na-busy talaga siya sa pagkuha ng larawan kaya nabunggo ito.

"No problem. At tama ka, napakaganda nga rito sa Anda." sagot naman nito.

"I'm Emma Montenegro, and you are?"

"Meghan. Meghan Tecson." sagot naman nito.

"Nice to meet you. Taga rito ka ba sa Anda?"

"Hindi, sa Tagbilaran ang bahay namin. How about you?"

"Bagong salta lang ako rito, actually, nag-rent lang ako ng apartment sa Dao." sinadya ni Emma na na banggitin ang Dao para mapalagay ang kausap.

"Ah, malapit lang sa amin yon. Sinong kasama mo ngayon dito?" unti-unti ay gumaan ang pakiramdam ni Meghan nang may makakausap. Kanina pa siya nababagot kaya hinanap niya si Nick. Palagi na lang kasing si Margaret ang kasama nito. Kung bakit pa kasi siya sumama sa outing ng dalawa.

"Wala akong kasama, mag-isa lang akong namasyal dito sa Anda. "

"Ah, mabuti na rin yong mag-isang mamasyal kaysa mayroon kang kasama pero balewala ka naman." nagmamaktol si Meghan nang maisip ang paghahalikan nina Nick at Margaret kanina.

"Teka, sino ba yong lalakeng kasama mo kanina?" pasimpleng tinanong ni Emma si Meghan.

Opps! Sa bibig nga talaga nahuhuli ang isda. Umangat ang kilay ni Meghan sa narinig. At masyado nang huli para bawiin ang kanyang sinabi.

"Akala ko ba hindi mo ako napansin? Aminin mo nga sa akin, sinadya mo talagang bungguin ako, ano! Why? May gusto ka rin ba sa brother ko?" sunod-sunod ang tanong ni Meghan at hindi alam ni Emma kung ano ang isasagot dito.

"Sino?" hindi niya kasi nakuha kung sino ang kapatid nito.

"Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Alam ko na ang dahilan kung bakit mo ako nilapitan. Para mapalapit ka sa kanya." may hinanakit ang bawat salitang lumabas sa bibig nito.

"Excuse me? That guy?" tinuro ni Emma ang lalaking kasama nito kanina.

"Yes, that's my adopted brother, Nicholas."

"Well, he's a catch but not my type." Totoo ang sinabi ni Emma. Kahit gaano pa ito ka-gwapo, malayo pa rin ang agwat nito kay Alexander. Ah, there she goes again. Thinking about him.

Samantala, si Meghan ay namangha sa sinabi ni Emma. First time pa niyang narinig mula sa isang babae na hindi nito type si Nicholas. Wala pa ni isang babae ang nakipag-usap sa kanya na hindi nagtatanong tungkol sa lalaki. She decided to befriend her.

"Well, since you're alone, I can be your guide." nagpresinta si Meghan kay Emma at agad naman itong sumang-ayon.

Nagkasundo ang dalawa na mag-breakfast muna bago simulan ang pamamasyal. Magaan ang loob ni Emma kay Meghan at alam niyang ganun din ang naramdaman ni Meghan sa kanya.

Dinala siya ni Meghan sa isang kainan na nag-serve ng native chicken tinola at adobo. Tig-isang order sila ng sinabawang manok-bisaya at adobo. Sobrang nakakabusog ang kinain nilang almusal.

Pagkatapos nilang kumain ay nagtungo muna ang dalawa sa Sto Nino Church at nagdasal bago bumalik sa Quinale. Hinintay muna nilang mag-settle ang kinain sa loob ng kanilang tiyan bago gumayak ulit.

Naisipan ni Emma na bago magpunta sa ibang lugar, babayaran muna niya ang kwartong pinareserba sa Old Castle para wala na siyang asikasuhin pa mamaya.

NOBODY KNOWS BUT YOUWhere stories live. Discover now