Prologue

202 8 3
                                    

"BRO, gising na." Paggising ni Skye kay Leif.

Nang marinig ni Leif iyon ay itinakip niya ang isang unan sa kanyang mukha at nagsalita. "Tsk, mamaya na. Limang minuto pa."

Ngumisi naman si Skye sa sagot ng kaibigan saka unti-unting naglakad palayo at nagsalita. "Sige, matulog ka ulit at ako'y maliligo na. H'wag mo lamang akong sisisihin kung male-late ka mamaya sa klase natin. Ikaw rin, bahala ka."

Pagkasabi ni Skye ang mga salitang iyon ay kaagad na bumangon ang kanyang kaibigan sa pagkakahiga at inisip ang sinabi ni Skye. Nang mapagtanto niyang ngayon nga ang unang araw ng kanilang pasukan ay napasapo siya sa kanyang noo at dali-daling bumangon sa pagkakaupo sa kama.

Habang naliligo si Skye ay rinig na rinig niya ang pakaripas ng takbo ni Leif. Hindi pa siya tapos magsabon ng mukha nang sunod sunod na katok ang ginawa ni Leif. "Hoy, bilisan mo d'yan! Ayaw kong ma-late!"

Natawa naman siya mula sa loob at kinuha ang sabon para lagyan ang mukha. Matapos niyang gawin iyon ay sinagot niya ang kanyang kaibigan. "Kung nagmamadali ka, halika na, sumabay ka sa'kin. Wala namang malisya ito dahil pareho tayong lalaki."

"Woii, tumigil ka nga. Bilisan mo na lang jan at maliligo na rin ako." Sagot ni Leif mula sa labas.

Mahigit sampung minuto bago natapos si Skye sa pagligo kaya naman pagbukas niya ng pintuan ng nakatapis lamang ay nakita niya ang nakabusangot na itsura ni Leif.

"Oh, ba't ganyan ang itsura mo? Mulha kang inagawan ng kendi." Biro ni Skye sa kanyang kaibigan.

Tumayo naman si Leif sa pagkakaupo sa sahig at tinignan ng matalim ang kanyang kaibigan. "Akala ko nalunod ka na sa banyo." Sabi niya saka inirapan ang kaibigan.

HABANG nasa daanan sila patungo sa campus ay pinagtitinginan sila ng mga babaeng kasabay rin nilang dumadaan. Hindi naman kasi maipagkakailala na ang magkaibigan ay parehong may angking kagandahan. They are childhood best friends. Parehong lumaki sa hirap  ngunit dahil sa angkin nilang talino ay nabigyan sila ng pagkakataon na makapag-aral sa isang prestihiyosong unibersidad ng bansa at ito ang Whitehaven University o mas kilala sa initial na WU.

Pareho silang naiilang sa mga tingin na ipinupukol sa kanila dahil hindi sila sanay sa ganito. Sikat din sila sa kanilang paaralan noon kung kaya't medyo sanay na silang maka-attract ng attention ngunit naiilang sila ngayon dahil hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng mga tinging ipinupukol sa kanila ngayon. Kung pagkadisgusto ba dahil sa hamak lang silang scholar o paghanga. Ngunit ipinagsawalang bahala na lamang nila ang mga iyon dahil pag-aaral naman ang aatupagin nila sa unibersidad at hindi sa anumang bagay pa man.

Nang makarating sila sa gate ay hinarang sila ng guard. "Saan ang I.D niyo?" Striktong tanong ng gwardya.

Kinuha naman nila sa loob ng kanilang bag ang kanilang I.D at ipinakita ito sa guard. Nang makita niya ito ay pinapasok na sila sa loob. Dati na kasi silang nagawan ng I.D nang sila ay magpasa ng mga papeles para sa kanilang scholarship.

"Huy, pano 'yan? Ang lawak lawak ng campus, hindi natin alam kung saan tayo pupunta." Namomroblemang saad ni Leif kay Skye.

"Shh, teka nagco-concentrate ako. Naghahanap ako ng daan kung saan tayo pupunta."

"Sige, pero dalian mo kasi pati schedule natin hindi pa natin nahanap. Ay oo, puntahan na muna natin yung bulletin board kung saan nakapaskil ang ating schedule para makita natin kung may oras pa tayo." Suhestiyon naman ni Leif habang may ngiti sa labi.

They decided to go to the bulletin board where their schedules were posted. Minutes of walking, they've reached the bulletin board. After seeing their schedule, they both smiled widely since they have more than an hour left before their first period so they decided to roam around the university to familiarize the place.

First, they went to cafeteria. Laglag ang kanilang panga nang makita kung gaano kalawak ang lugar.

"Wow, just wow! Tatlong room na ito sa highschool, right?" Amazement was visible on Skye's eyes while saying those words.

Leif has nothing to say, so he nodded with full of agreement. The cafeteria was huge that can contain a hundreds of students at a time. The tables were also wide that can hold atleast twelve student. It's combination of color were also satisfying. The ambience was eye-catching that even if you looked at it for a long time, your eyes won't be tired gloating at it.

Naglakad sila papalapit sa counter para bumili ng pagkain. Their eyes widen when they saw the prices of each snacks. In their mind, they say that it was expensive since the prices were twice the price of usual.

Nagtaka ang nasa counter na babae dahil sa reaksyon ng dalawa, kaya nagsalita ito, "Hello, is there anything wrong?" Nakangiting tanong ng babae sa kanila.

Kaagad naman nilang itinaas ang kanilang tingin sa nagsalita. Maayos ang suot ng babae mula sa hair net, apron, uniform, at gloves. Lumingon pa sila sa counter upang tignan kung pare pareho ang mga nasa counter ng suot, at hindi nga sila nagkamali dahil lahat ng mga nasa counter ay maayos ang suot.

"Sir?" Pag-uilit ng babae.

"A-ah, dalawang order nga po ng regular burger." Nakangiwing saad ni Skye hindi dahil sa nandidiri siya kundi dahil sa presyo ng burger.

Matapos sabihin niSkye ang kanilang order ay kaagad namang ibinigay iyon ng babae. Nang i-abot ni Skye ang kanyang cash ay hindi ito tinanggap ng babae.

"We don't accept cash, Sir." Nakangiting saad niya.

Nagtaka naman ang dalawa. Nagtinginan sila dahil wala silang alam kung ano ang paraan ng pagbabayad sa unibersidad kung hindi cash.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong sa kanya ni Leif.

"Here, we need I.D's as your payment. May mga pera nang kalakip ang inyong I.D nang ibinigay iyan sa inyo." Paliwanag ng babae na hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa kanyang labi.

"O-oh, woii, I.D daw." Wika ni Leif.

Agad naman namannilang tinanggal ang kanilang I.D na nakasabit sa kanilang leeg at ibinigay iyon sa counter. Nang ni-swipe na ng babae ang kanilang I.D ay nanlaki ang kanyang mata sa nakita.

With full of admiration, the counter-girl spoke, "Wow, you're a scholar?"

"Yup! Pa'no mo nalaman?" Sagot naman ni Skye.

"Well, yung mga estudyante dito, sampung libo lang ang laman ng kanilang I.D kapag hindi scholar. But you two, may lamang isangdaan at limampung libong piso  ang I.D niyo which is good for your whole first year here!" Manghang saad pa niya.

"And also, alam niyo bang sa libo-libong nagte-take ng scholarship exam dito sa Whitehaven University, lilima lang ang nakakapasa. Kaya maswerte kayo, oh siya pagbutihin niyo ang pag-aaral niyo ha?"

Skye's brows knitted because of what the counter-girl said,  "W-what? Yo-you mean may ganoong kalaking pera ang nakalakip sa I.D namin?"

Nagsalita din si Leif dahil hindi siya makapaniwalang may ganoon pala sa Whitehaven University. "O-one-hundred and fifty thousand? W-wow, anlaki!" Hindi makapaniwalang aniya.

Magsasalita pa sana si Skye nang biglang nagsitilian ang mga nasa loob ng cafeteria pati na rin ang kausap nilang counter-girl. Nagtataka sila sa inaasal nila kaya dahil sa pagka-kuryoso, lumingon sila.

Hindi maiwasan ni Skye ang mag-overthink dahil maaring gawin rin sa kanya o sa kanila ang mga nababasa niya sa libro.

Scholar Series 1: Pretend (COMPLETED)Where stories live. Discover now