32

1.5K 96 288
                                    

Jaasiel Belle's




She's busy typing something in her macbook when I held her arm tightly, she smirked in my action.





" Let go of meee! " she shouted but I didn't move





" Sabi ng binatawan mo ako! " pagpupumiglas nya bigla ko syang binitiwan kaya nawala sya sa balanse kaya bumagsak sya sa sahig sinamaan nya ako ng tingin




" Alam kong ikaw ang nagpadala ng mga litrato sa kanila " galit na sigaw ko natawa lang sya





" Ano naman kung ako? Anong gagawin mo? Magpasalamat kana lang at tinulungan kita sa kaduwagan mong hayop ka " nanghahamon na sagot nya hinatak ko sya patayo saka tinulak hanggang sa tumama sya sa pader





" Huwag na huwag kang gagawa ng mga ayaw ko! Sinasabi ko sayo hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo! " sigaw ko ngunit napangisi lang ito






" Huli na JB alam na ni dra. Fam ang totoo, gaya ng sabi ko magpasalamat ka nalang sa akin atleast hindi kana mahihirapan kung paano sabihin sa kanila ang kailangan mo nalang ay magpaliwanag " sagot nya pinagbabasag ko lahat ng mga bagay na naaabot ko





" Putang*na Zoeyy! Akala ko ba kahit anong nangyari susuportahan mo ako, akala ko ba magkaibigan tayo!  " sagot ko dahan-dahan syang lumapit sa akin





" Minahal kita JB at alam mo iyon, nanatili ako sa tabi mo kahit nasasaktan ako hanggang ngayon nandito parin ako pero dahil sa pagmamahal ko tinanggap ko lahat na hanggang magkaibigan lang tayo at masaya ako doon pero JB bilang isang mabuting kaibigan hindi ko kukunsintihin ang mga maling gawain mo. Oo mahal na mahal mo sya pero hindi mo dapat ginawa yun sa kanya. Maling-mali ang ginawa mo at ngayon anong gagawin mo? Kinamumuhian at kinasusuklaman ka ng taong mahal mo, walang magbabago kahit pa dinadala nya ang anak mo hindi sya babalik sayo. " mahinang sagot nya napatitig ako sa kanya hanggang sa nag-uunahan na ng luha kong pumatak




" JB hindi mo iniisip ang sarili mo na sa ginawa mo inilagay mo sa panganib ang buhay mo. Paano kung ang dada ni doc ang makaalam ng ginawa mo? Wala yung pakialam kahit konektado ka pa sa mga magulang mo na pinsan nya dahil anak nya yung naagrabyado at hindi lang yun, paano kung magpatayan sila ng papsy mo? JB hindi ka hahayaan ni tato Bei na may mangyari sayong masama pro-protektahan ka nila dahil nag-iisang anak ka nila. Hindi mo ba nakikita ang mga posibilidad na mangyari bago mo ginawa yun?  binigyan mo ng lamat ang maayos na pagsasama ng dalawang pamilya. Hindi ko alam kung paano mo nagawa yun pero anong magagawa ko? sa kabila ng mga kasamaan at maling desisyon na nagawa mo ako lang ang meron ka na handang umunawa sayo. Maaring lahat magiging masama ang tingin sayo kapag malaman nila pero ako JB kaibigan parin kita at hindi yun magbabago alam mo kung bakit? kasi kasama kita sa lahat ng bagay nakita ko kung paano ka naghirap, nakita ko kung paano ka nasaktan noong lumayo ka sa lahat, at nakita ko kung gaano ka bumangon at umusad kaya higit sa lahat ng tao ako ang mas nakakaintindi sayo. Wala akong pakialam kung magalit ka sa nagawa ko, kung papaalisin mo ako sa buhay mo pero JB huli na ito wala na akong pabor pang pwedeng ibigay sayo. Kung papaalisin mo ako ngayon choice mo yan at wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko dahil gusto kong itama ang pagkakamali mo " mahabang sabi nya bago dahan-dahang tumalikod





" Alam mo kung saan ako pupuntahan, huwag ka lang masyadong magtagal dahil baka hindi mo na ako mahanap pa. Kung hahayaan mo akong mawala sayo nawala na nga  lahat ng sayo. " dugtong nya bago ko narinig ang pagsara ng pintuan




She's My HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon