Kabanata 8

88 9 0
                                    

Hindi ako nakatulog kagabi pagkauwi dahil iniisip ko pa rin yung lalaking nagdala sakin sa gubat.

Kaso gwapo. . . ng mata! Mata lang nakita ko e.

"Aling Presy?" tawag ko sa isang katulong sa palasyo.

Matanda na rin siya, naging katulong siya dito noong buhay pa si Lola Anastasha. I miss her! I miss my lola Tasha!

"Bakit po, mahal na reyna?" napabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Aling Presy.

"Nakita mo ba ang mag-ina?" Tanong ko.

"Opo, Papunta po sila sa silid ni Jeyi at may kasama po silang lalaki." tumango ako bilang tugon at umalis na siya.

Hmmm...ayun ba yung kasama nila sa gubat noong isang araw? Napapadalas ang pagsasama nila ha.

Umakyat ako sa taas upang puntahan ang silid ni Jeyi the bruha number two. Dahil dakilang chismosa, Tinapat ko ang tainga ko sa pinto para marinig ang usapan nila.

Halaaa!

"Ipapatay niyo na ang Abigail na 'yon dahil hindi natin mapapatay ang Atlas na 'yon kung nandyan pa ang tigre niyang anak!" rinig kong sabi ng lalaki sa loob.

Lobo ako 'no! Tigre ka dyan! Kagatin kita! Rawr! Eww kadiri

"Are you a moron?! Dapat unahin ang atlas na 'yon dahil siya ang mahina!" sigaw naman ng babae, nasisiguro kong si Jeyi.

Bobo kayo! Yung hari pa talaga nais niyo ha?  E doon nga ako nagmana, mas matindi kung uunahin niyo 'yon!

"Are you a moron, too?! E kung uunahin ang matandang 'ykn! Mahihirapan tayo sa anak! Dahil mas malakas ang bata kesa sa matanda." singhal naman nitong lalaki ulit.

Correct ka dyan, tol! Ngayon ka lang nakatama!

Sumilip ako ng bahagya para makita ang mga mukha nilang mukhang surot. Ayun na naman yung lalaking kasama nila!

"Tama siya, anak!" Sigaw naman nitong si jira.

Puro sigawan 'tong mga 'to! Hindi ba nila alam na nakakasakit sa tenga?! Tsaka magkaharap lang sila! Tsk!

"So, Anong gagawin natin?" Bobong tanong ni Jeyi.

"Tanga! Sinabi na kanina, patayin ang bunga!" binatukan pa siya nung lalaki.

Napabaling naman ako kay Jira na seryoso ang mukha. Wewws?

"Sa susunod nalang tayo mag desisyon dahil may nakikinig sa atin." napalingon siya sa gawi ko kaya mabilis akong tumakbo paalis doon at pumunta sa silid ko.

"Shit! Lakas ng pang-amoy ng kuto na ‘yon ha!"

PUMUNTA ako sa silid ni Ama para tignan kung nalagutan na siya ng hininga. Baka tinotoo ni Jeyi 'yon, naku!

"Walang tao, wag kang tanga." Hmp! Siguro naamoy niya ako kaya ganun ang sinabi nitong matanda na 'to!

Pumasok ako ng dahan dahan at nakita ko siyang abala sa pagtitig sa nakahiga niyang bagong asawa. Kadiri!

"Sumunod ka." Maawtoridad kong saad. Bahagya naman akong napatingin kay jira. Halatang tulog-tulugan...

"Anong kailangan mo? Patatawarin mo na ba'ko?" Napangisi ako dahil sa tanong niya.

"Hindi 'yun ang pinunta ko rito. Tsaka bakit ka nang-hihingi ng tawad? 'Eh bakit hindi mo gawin yung sinabi mong 'magbabago na ako'?? Hmm? Asan na?" Natahimik naman siya. Ano ha??

"Bumaw-" Pinutol kona agad ang sasabihin n'ya.

"Hindi ka bumawi sakin, kundi bumawi ka sa bago mong pamilya." tatalikod na sana ako ngunit may naalala ako.

When the Cruel Wolf Fell Inlove (QUEEN SERIES#1)Where stories live. Discover now