My Numb Crush

15 2 1
                                    

"Meg!Tayo na!" nakangising sigaw ko sa labas ng bahay ni Megan habang abala siya sa paghahanap ng sariling tsenelas sa terrace ng bahay nila.

Pano ba kasi tsenelas na tsenelas eh kung saan saan nagsisiliparan pag-uwi ng bahay. Kahit kailan talaga eh tanga tong frenny ko saan man dalhin. Lutang lagi ayst ambata pa naman ng edad ko para magdagdag stress siya sa buhay ko.

"Teka lang! Eto na, lalabas na excited mo naman!"sigaw niya pabalik.

"Panong 'di ako maeexcited eh kakadaan lang niya sa bahay." sagot ko ng napaikot ang mata at nakangiti.

"Tss hyper mo! Pag inlove nga naman." Busangot na komento niya. Puro bata kasi tinitira kaya 'di relate sa 'kin eh kesyo daw kasi "mas bata, mas my energy". So ano crush ko mag kaka arthritis soon, ha?

"Tanga! Card natin nagrereklamo uwi na daw sila kay Ms. Lorete." Sambit ko.

"Tara na."

Tumango na lang siya tsaka kami umalis. Kasalukuyan kaming naglalakad patungong school nang sumagi sa isip ko ang kaninang ganap pagkagising ko.

****

"Hoy! Gising na sabi ni nanay!" napabangon ako bigla sa pagkakahiga ng bumukas ang pinto at bumungad ang kapatid kong ugak sabay sigaw at patakbong lumabas pagkatapos ni'yang paulanan ako ng maka tindig balahibong pasabi ng nanay kong burarat ang bunganga.

Napaupo na lang ako saglit ng nakasampok ang kilay. "Sana man lang ginising mo 'ko in a sweet way 'di yung magkakahiwalay kaluluwa ko sa katawan" bulong ko sa sarili.

Bahagya ko nalang ipinikit ulit ang mata at dumilat ulit. Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa labas ng bintana at nagkataong naaninag ko ang aurang pamilyar sa 'kin.

"Sh*t! Si Ethan 'yon!" napamurang sigaw ko na kinikilig sabay kuha ng unan at hampas-tapon sa kung saan man 'yon napunta. "Pano 'yan  Sav di ka na tatamarin bumalik sa school nyan" natatawang sabi ko na parang baliw dahil sa abot tengang ngiti.

Bumaba na agad ako sa kwarto at tinungo ang daan papuntang Cr para manghilamos at umaberetsing pumunta sa bahay ni Megan. Eto na naman ang sinasabing "dating gawi" mag-iimbento ulit ng rason para magtagal sa school para lang makita si crush na hanggang kaibigan ang tingin at walang pake sa 'kin.

"Papansin ka ulit Sav ha pairalin mo ulit katangahan mo" pabulong na sambit ko. Napansin kong mabilis akong tinapunan ni Megan ng tingin bago mag salita.

"Ngek ngek mo,ulol! Iba gusto gusto nun 'di Ikaw tss asa ka pa" sabi nito at hinampas ako ng dalang envelope sa balikat ko. Di ko alam abot pala sa tenga niya pinagsasabi ko.

"Rinig mo pala for sure naka abot rn chismis ng mga marites sayo, grabe sense of hearing mo bes bilib ako." pangungutya ko. Sa pagkakataong ito di na niya napigilan ang sarili at kamay na ang ginamit panghampas sa 'kin.

"Aray! sakit nun ha, d ka ba informed na sensitive tong skin ko kaunting gasgas doctor agad!" maarteng saad ko at tinapunan ng masamang tingin bago magsalita ulit. "Libre mangarap dzaii basta 'wag lang sa bata" asar ko at humalakhak.

Hindi siya umimik, affected ata. Nanghahampas kasi ayan tuloy napikon at bad mood. Bago pa kukulo dugo neto dumistansya na ako bago pa niya ako balatan ng buhay. Ako na nag adjust kesa naman saksakin ako, dba.

Nang makarating kami sa gate pasulyap-sulyap ako sa hallway umaasang nandoon si Ethan nakatambay pero maski anino niya wala dun. Umuwi na siguro sa takot na maasar ko. Inadd ko kasi sa fb at chinat, naging close kami pero sa chat lang pag personal daig pa si Einstein na tahimik at walang kibuan tamang titig lang ng 0.1 seconds at iwas na, oo ganun siya katipid mag-aksaya ng oras, sayang naman tong ganda ko kung 'di niya magawang iexplore bawat parte choss HAHAHAHA

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Oneshot StoryWhere stories live. Discover now