Chapter 5: Please, Just Stay for a While.

258 202 19
                                    


"Handa kitang sundan kahit saan ka man dalhin ng nga paa mo, mapanatag lang loob ko."
-Matt

"Please dito ka na lang sa tabi ko? Hindi ko na kasi alam gagawin ko sa mga oras na to.."
-Sam



Samantha's pov,


Maaga ako nagising para makapagpahangin sa labas at makakuha ng bitamina mula sa araw pero mukhang walang araw na sumisilip.

Pagkababa ko dumeretso kaagad ako sa kusina dahil kumukulo na ang tiyan ko. Nadatnan ko siya nagluluto nakasando ito at naka short na itim halatang bagong gising lang din siya dahil magulo pa ang buhok niya.

Napaiwas ako ng tingin ng mapatingin siya sa akin. Naupo ako sa pwesto ko gusto ko siya makausap pero hindi ko magawa dahil nahihiya ako na baka iignore niya lang ako.

Narinig kong pinatay niya na yung stove. Tahimik lang akong pinapanood siya sa ginagawa niya. Napayuko ako sa mesa dahil napaka awkward ng atmosphere namin dito.

Napaangat ako ng ulo ng lapagan niya ako ng plato sa harapan. Nagkatitigan kami saglit at walang emosyon ang mga mata niya at siya na mismo ang umiwas ramdam ko na may inis pa rin siya sa akin pero inaasikaso niya pa rin ang kakainin ko.

Tahimik ang pagitan namin tanging pagtama lang ng kutsara at tinidor sa plato ang naririnig, gusto ko mauna since ako naman yung mali in the first place pero inaatake ako ng pride ko na wag dahil alam ko namang iignore niya ako kaya hindi bale na lang.

Kaagad ko tinapos ang agahan ko dahil naluluha ako hindi ko maintidihan bat parang sobrang apektado ako kapag ganun trato sa akin ni Matthew para bang may matagal na kaming pinagsamahan parang may side ako na hindi ako sanay na ganun? Ay ewan! Nakakabaliw!

Instead na umakyat ako at magkulong sa kwarto lumabas ako para magpahangin na lang. Naupo ako sa sofa dito sa gilid at huminga ng malalim.

Kinuha ko yung phone ko para tawagan si Caleb na magkita kami dahil yung naganap nung isang araw inaamin ko nagtampo ako sa kanya dahil ngayon na nga lang nagkita mabilisan pa.

"Hello babi? Busy ka ba?"

"Yes babi, ang dami ko ginagawa ngayon bakit may problema ba?" Tanong niya sa kabilang linya.

Huminga ako ng malalim. "I need you, pwede ba tayo magkita after work mo?"

Narinig ko siyang bumuntong hininga sa kabilang linya. "Sorry babi, hindi ko alam kung matatapos ko to agad agad eh, pero hayaan mo hahanap ako ng way para makapagkita tayo."

Napangiti naman ako. "Promise-" Nawala ang ngiti sa labi ko ng may narinig akong boses ng babae na tumawag sa kanya ng babe. "Babi? Sino nandyan? Secretary mo ba yan or what?"

"H-Huh? Walang tao dito babi ako lang tao dito," Sagot niya. Hindi ako pwede magkamali may narinig akong boses sa likod niya.

"Caleb!? Yung totoo?"

"Promise babi wala po, I need to end this call tinatawag na ako ni Dad sa conference room love you!" end call.


Padabog ko nilapag sa gilid ko yung phone at nasandal sa kinauupuan ko. Napalingon ako ng lumabas si Matt na bihis na bihis sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makasakay siya sa sasakyan kasama si Mang Boy.

"Saan naman kay siya pupunta? Uuwi na ba talaga siya?" Tanong ko sa sarili. Aiist! Bat ko ba siya iniintindi eh wala ngang pansinan diba tsk!

Napairap ako sa hangin at pumasok sa loob. Hindi ko pinansin sila Yaya na dinaanan ko lang. Pagkaakyat ko dumeretso ako sa kwarto nila Dad at deretsong pumunta sa refrigerator ni Dad hindi naman niya malalaman na kumuha ako ng beer.

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon