Prologue

57 7 6
                                    

Serina's POV

Inilapag ko ang mga bulaklak at nagsindi ng kandila. At umupo sa mga damo sa aking paligid. If I could only back into time, I would spend it with you.

"Hi Daddy, nandito ngayon yung prinsesa mo. Miss na kita, ang daming nangyari sakin kaya ngayon lang ako nakadalaw. Pagpasensyahan mo na ako."

Umihip ang malakas na hangin parang kasama ko siya. Haysss tama na iyak Serina nandito ka para sa tatay mo hindi para umiyak.

I spend my whole afternoon with my father. Kinuwento ko sa kanya kung ano yung mga pinagdaan ko sa mga nakaraang taon. Kase siya lang naman na yung mapagsasabihan ko noon. Pagkatapos noon ay umuwi na ako sa condo.

Unknown number Calling.....

Sino kaya to?

"hello?"

Ngunit natahimik lamang sa kabilang linya

"Hello po? Anong pong kalian ninyo?"

Pero wala akong nakuhang sagot. Ilang sandal bago ko patayin ang linya ay may narinig akong boses na alam kong gusto ko ng kailimutan.

"Serina...."

Hindi ako pwedeng mag kamali siya iyon. Pero pano niya nakuha itong number ko? Saka bakit niya pa ako tinatawagan di pa ba siya masaya?

Hindi ko namalayan na unti unti na palang tumutulo ang luha ko. Tangina naman, sabi ko di na ako iiyak sa kanya eh. Pero hindi ko parin pala kaya. Nasa kanya pa din ako. Natulugan ko na ang pag iyak. Hindi na rin ako na kakain ng hapunan dahil sa sobra ko pag mumukmok.

"Hindi ka nararapat dito..."

"Wala kang galang.."

"Wala kang kwenta..."

Ang daming mga tinig na paulit-ulit nag lalaro sa aking isipan. Ayoko ng alalahanin ang nakaraan.

"Hindi na siya babalik sayo...."

"Serina! Gising"

Bigla akong napabangon at basta na lang umiyak na parang bata. Ayoko ng balikan yun. Tama na yung hanggang alaala na lang ang mga yun.

"Brave ayoko doon alisin mo yun."

Hikbing sabi ko kay Brave habang nakayakap dito. Niyakap naman niya ako pabalik at binaon ang muka ko sa kanyang dibdib.

"Shhhh. I'm here wala ng mananakit sayo."

At hinarap niya ang muka ko sa kanya. Bago ito ngumiti sakin at sabihing.

"Nandito lang ako, Okay? Hindi kita iiwan. Dito lang ako sa tabi mo."

"Thank you Brave. Wag kang aalis ha?"

Hikbi pa ring sabi ko. Siya naman ay tinatapik ang braso at likod ko para ako ay pakalmahin. This is my safe place. Dito lang ako hindi hinuhusgahan ng taong nakapaligid sakin. Dito hindi ko kailangang magtago.

"Hindi ako aalis. Tara kain na tayo. Wag ka na umiyak."

Sabay harap sakin at pinunasan ang mga luha na kanina pa walang tigil na bumabagsak.

"Tingnan mo ako Serina."

Tiningnan ko naman siya sa kanyang mga mata.

"Hindi kita iiwan Ummm. Kahit anong mangyari nandito lang ako. Tara na nagluto ako para satin."

Dahan dahan naman akong tumayo at nagpasyang mag-ayos na. Pero bago ako pumasok sa banyo ay hinarap ko muna sa Brave.

"Uhmmm"

Nilingon naman ako nito na may pagtatanong sa kanyang mga mata.

"Thank you Kuya....."

At ngumiti ako rito. Alam kong ito ang unang beses na tatawagin ko siya bilang kuya. Kaya alam ko rin na nagulat siya sa sinabi ko. Sana nandito na lang nagi si Brave kase hindi ko alam kung pati siya mawala na din. Sana kahit itong pangako lang na ito ang matupad. Kase hindi ko na kakayanin na may isang pangako pa ang masira.


A :)

Broken PromisesWhere stories live. Discover now