Pahina 2

19 10 0
                                    

Dumating ang recess na patuloy parin akong pinipiste ng kapatid ko, tuloy keaga-aga mainit ang dugo ko sa lahat

"Alam mo kasi bro, eenjoy mo lang ang buhay mo tsaka na yang only one mo na yan. subukan mo kasing makipagdate at ng magbago ka naman kahit kunti" patuloy pa nya

"Hindi ka tatahimik?" May pagbabanta na sa boses ko dahil kanina pa ako napupuno sa kaniya

"Sabi ko nga tatahimik na ako" ngumuso ito at nagpatuloy nalang sa pagkain na ikinatango ko

"Ikaw kaya bawas-bawasan mo yang pagka-maingay mo, huwag ka din puro babae at higit sa lahat ay yang pagiging pakelamero mo sa buhay ko" masungit na asik ko

"Masyado ka kasing seryuso sa buhay mo, magenjoy ka naman ket minsan" sagot nya pa

"Nageenjoy lang ako kapag natutulog" nakangiti kung usal kaya natigilan sya

"T*ngina ka! Gwapo mo kapag nakangiti baka maagawan mo na ako nyan ng mga chicks!" Muli akong sumimalmal dahil sa inis

"Huwag mo akong simulan" banta ko kaya napa-zipper sya ng bibig pero ang akala kong mananahimik sya ay muli syang umaktong binukas ang zipper at nagsalita

"Nakakatakot ka talaga kung minsan bro, daig mo pa na menopause" muli itong natahimik at sinarado ang kunwaring zipper nya sa bibig ng pabagsak kong binitawan ang kutsara

"Isa pa" banta ko

***

"Ang sungit mo talaga kahit kelan keon!"inis na sabi ng malditang'maliit

"Ang maldita mo rin kahit kelan Yura!"panggagaya ko sa pagsasalita nya

Napahilot naman sya ng noo na ginaya ko naman

Tumingin ito ng matalim saakin pero ngiti lang ang isinukli ko

"Ano bang trip mo keon huh?!"inis na talagang sabi nya

"Ano bang trip mo yura huh?!"panggagaya ko

At sa kisap mata ay nasa harap ko na sya at handa na akong batukan ng makaiwas ako

Isang matalim na tingin ang binato nya saakin

"Bakit ka umiwas huh?! "galit na tanong nya

Napa-face palm naman ako sa tanong nya

"Alangan namang hindi ako umiwas e babatukan mo na ako"sabi ko rito at pinarating sa kanya na ang tanong nya ay napaka-bobo

Napahilamos sya sa kanyang mukha at ubus na ang pasensyang tumingin saakin

"Nakakainis ka talaga! "singhal nya

"sinong kausap mo yura? "tanong ng isang kadarating lang na lalaki at sa tansya ko ay kaedad lang namin sya

Ang kaninang inis sa mukha ni yura ay napalitan ng ngiti

Kumunot naman ang noo ko sa inasta nya

Pag ako ang kasama nya palaging nakakunot ang noo nya samantalang kapag sa lalaking yun ay nakangiti sya

Hindi ko maiwasang mainis!

"w-wala yun zairo!"nahihiyang sabi nya rito at kita ko pa ang pamumula ng kanyang pisnge

Nahihiya?!

Kahit kailan di sya naging ganyan saakin

Nung unang pagkikita namin ay napaka-lupit nya saakin

Mukhang may favouritism ang malditang'maliit na to ahh'

"ahh ang akala ko kasi ay may kausap ka, may problema ka ba!kanina kasi narinig ko ang boses mo na para bang galit ka? "takang tanong ng lalaki na nagngangalang zalot

zalot?,napaka-pangit na pangalan!

Nanatiling nakatitig si yura kay zalot ng nakangiti

"ahh h-hindi baka siguro iba ang narinig mo! "maangan ng malditang'maliit

Napataas naman ako ng kilay at lumapit sa kanya

Nabaling ang tingin nya saakin at dumaan sa mukha nya ang inis bago mapalitan ng ngiti ang mukha nya ng bumaling sya kay zalot

Tss,

Humanda ka saakin malditang'maliit

Ng tuluyan ng makalapit sa dalawa ay agad kung kinalabit si zalot pero tumagos lang ako

Taka ang bumalot sa isipan ko

Napatingin ako kay yura na hindi napansin ang ginawa ko dahil nasa zalot ang atensyon nya

And i feel jealous!

F*ck? Ano bang nangyayari saakin?

*sigh*

Sa tagal kung pabalik balik sa panaginip ko ay ngayon lang may umextra

Dahil palaging si yura lang ang nakikita ko dito

At syempre ay ang mga taong naninirahan dito

Nakalibut na ako rito pero di ako nakikita ng lahat

Tanging si yura lang ang nakakakita saakin

Pero bakit may taong lumalapit kay yura?

Pwede namang babae ang lumapit sa kaniya hindi ba?

Napatitig nalang ako sa dalawa na masayang nagkekwentuhan, naupo nalang ako sa isang ugat ng puno at pinagmasdan silang nagtatawanan

Napasimangot ako at masamang tiningnan ang zalot na yun na inaagaw saakin ang atensyon ni yura

Nakakainis naman kasi itong malditang'maliit na to, kung kani-kanino nakikipag usap at bakit ba sya ganyan kung umasta?

Bait-baitan sa iba?, ngiting-ngiti sa iba? pero pag saakin ansama ng ugali nya

Sya nga lang ang babaeng nilalapitan ko e, hindi rin ako nakikipag usap sa ibang babae

Mabilis akong napatampal sa noo ko at napailing

Bakit parang magjowa kami sa mga pinagsasasabi ko?

Ano namang pake nya kung hindi ako nakikipag usap sa ibang babae na para bang manloloko ako sa relasyon namin? Meron nga ba?

Wala naman akong karapatan sa kaniya kaya bakit ganito ang nagiging reaksyon ko?

Nababaliw na siguro ako.

Napabuga nalang ako ng hangin at muli silang tinitigan at tulad ng una kong reaksyon ay agad na kumunot ang noo ko at nakaramdam ng selos

Ano na nga bang nangyayari saakin?

Nagugustuhan ko na ba sya?

Pero sa tingin ko ay magiging malabo ang lahat, magkaiba kami ng mundong kinagagalawan kaya sadyang malabo talaga

Hindi ko mawari kung imahinasyon ba ang lahat ng ito?

Gawa-gawa lang ba sya ng malikot kung utak?

Isang malaking kahibangan ang umibig sa isang tao na hindi mo siguro kung totoo nga ba

Nakakainis naman!

.
.

Agad kung minulat ang mga mata ko at napatingin sa orasan na nasa gilid lang ng mesa ko

Alas dyes palang ng gabi at mukhang pahirapan nanaman ako sa pagtulog nito kaya naman tumulala nalang ako at muling nainis ng maalalang kasama nga pala ni yura ang zalot na yun hanggang ngayon

Bakit ba palaging may umeepal sa buhay ko?

Kung gawa nga talaga yun ng imahinasyon ko bakit may umeextra dito na hindi ko naman hiniling o ginustong may umextra?

O sadyang panaginip ko nga ito at hindi ko kontrolado ang nangyayari

Marami pa ding katanungan saakin na hindi ko masasagot

Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit na muling lamunin ng kadiliman pero kahit na maghintay pa yata ako ng ilang oras ay hindi na ako makakabalik pa sa pagtulog

Nakakainis talaga!

The Girl In My Dream [Season 1]Where stories live. Discover now