01🌻

1 0 0
                                    


"Maam gising na po, baba narin po kayo deretso" sigaw ni ate bing isa sa mga katulong namin sanggol pa nga lang yata ako andyan na siya "Yes ate coming!" sabi ko pabalik tumayo agad ako sa kama at naligo dahil 1st day namin ngayon sa Addison High

Pagkatapos ko maligo ay bumaba narin ako "Morning Dad, Morning Mom" at humalik sa pisngi nila. Busy palagi sila dahil politician si daddy at Architect si mommy kaya di kami gaano naguusap or nagsasama sama ng matagal

"So Av kami ba maghahatid sayo or magpapahatid ka nalang kay Manong Dave" tanong ni mommy sakin "Ahh magpapahatid nalang po ako kay Kuya Dave mommy may dadaan pa kasi ako" sagot ko pabalik, tumango naman siya.

Nauna na sila mommy at daddy umalis dahil baka malate daw sila. Lumabas narin ako pagkatapos kumain "Morning Maam" sabi ni Kuya Dave sakin "Morning kuya Dave sa starbs po muna tayo" sagot ko pabalik tumango nalang si kuya dave at nagpaandar na ng sasakyan

Pagkatapos kong bumili ng paborito kong coffee sa starbs ay dumiretso na kami sa school baka malate pa ako lol. Pagkadating ng school sumalubong agad sila Ainsley, haysss kakasimula palang ng araw may kwento na agad siya, di talaga to nauubusan ng ikwekwento

Oh wait introduction muna ng squad namin: si Hart siya ang para gala samin well magala kami lahat pero siya ang nangunguna, si Ainsley palagi siyang may kwento kaya source namin to ng chika hahahahha, Katlene mas matanda samin si Katlene ng isang taon, siya ang nanay namin pero kapag may nakakaaway kami siya pasimuno haysss at ako ang bunso dahil nga bunso ako binaby nila ako, wala naman akong kapatid kaya ok lang

Kilala kami dito dahil palagi kami ang representative ng school kapag may quiz bee lalo na ako kasi anak ako ng politician pero kahit popular ako sa school diko yun pinagmamalaki gusto ko patas lang ang tingin nila, estudyante din naman ako

Sabay kaming pumasok sa classroom dahil magkakaklase naman kaming apat since grade 1 palagi na kaming magkasama at magkaklase.

Mga ilang minuto ay pumasok narin ang adviser namin at nagsimula na magturo. Active na active ako kapag may recitation palagi akong top pero nung nag transfer si Rowan dito ang ranking naming dalawa papalit-palit.

Si Rowan, Rowan Hubbert Madden ang transferee dito sa school well last year pa siya nag transfer dito. Kahit bago lang siya dito madami na siyang kaibigan at hindi ko itatangi matalino at gwapo talaga siya pero nakakainis kasi last year rank 2 ako sa last ranking. Diko gusto yung natatapakan
ego ko lol

"Miss Esmarez are you ok" oh my ghod kanina pa pala ako tinatawag ni maam Astri "Pardon maam?" hayss Caily Avesha focus! "Ohh I said are you ok? Tulala ka kasi kanina pa" ohh ghod ilang oras na ba ako tulala "Sorry po maam may iniisip lang po continue teaching na po im gonna listen" focus on the lesson Caily "Ok lets go back to our lesson"

Nang natapos na yung pagtuturo ni maam Astri ay pinuntahan na ako nila ate katlene medjo malayo ang upuan namin kasi sa likod sila at ako unahan pero katabi ko naman si Ainsley. "So bat tulala ang baby namin" tanong agad ni ate katlene hayss ayoko na sobrang interested talaga nito

"Wala ate may pumasok lang sa utak ko anyways tara sa cafeteria kain na tayo" nag agree naman sila. Bago kami lumabas ng room ay may humarang samin si Alexis "Hi
Av" kaway niya sakin ang lawak ng ngiti ah "Wassup alex kumain kana? pupunta kami cafeteria sama ka" yaya ko din sakanya.

Umiling naman siya "Wag na sasabay ako kila Rowan pupunta kami 7/11" bat 7/11 di pa naman tapos ang class, break palang naman. Bago pa man ako magtanong ulit sakanya umalis na siya hayss bala sila

"Tara na di man sila papalabasin ng guard kasi di pa naman lunch break" sabi ni Hart tama nga naman pero si Rowan yun malaki din ang share niya dito sa school kaya for sure papalabasin yun. Haysss bala na nga kakain nalang ako

Pagkatapos namin bumili ay pumunta na agad kami sa room doon nalang daw kami kakain sabi ni Ate Katlene nag agree naman kami. Pagkarating namin ng room konti lang ang tao baka nakatambay ulit sa court.

Umupo kami tyaka kumain, sila nagkwekwentuhan habang kukain ako nagaaral advance reading para mayroon akong masagot mamaya "Kumain ka nga muna kung hindi yang libro ang ipapakain ko sayo" sabi ni Ainsley, wala na ako magagawa dahil baka sermonan nanaman nila ako kaya sinarado ko na yung libro, tuwang tuwa naman sila hmpp "Yan very good grh na ubusin mo ah" tskk

"Ate Katlene, Ainsley, Hart akin na basura niyo sabay ko na pagtapon nung sakin" sabi ko na sakanila kasalukuyan na naka-kalat lang yung mga plastics na binili nila sa table ko. Pagkabigay nila sakin ay tumayo na ako at pupunta ng basurahan, bago pa ako lumabas sa pinto para magtapon may nakabungo sakin. Ang sakit nun ah! Para akong nauntog sa pader

"Shit ang sakit" sabi ko pero pabulong sakto lang na marinig niya or nila yun baka masi marinig ng ibang tao. "Wow ang nerdy top 1 natin nagmumura pala" sabi niya na may kasamang tawa halata sa boses na si Rowan yun hayss sa lahat ba naman ng taong pwedeng makabungguan yung kaaway ko pa well naging kaaway ko siya kasi inaasar niya ako kapag siya ang top 1 sa ranking

"Shut up Rowan isog nga magtatapon ako or pwede namang sa bunganga mo lang itapon" pagtataray ko sakanya, wala talagang araw na di ako pinagtritripan nitong Rowan na to "Ay natakot ako grabe" pagbibiro niya na may kasamang tawa sumabay naman yung mga kaibigan niya except alex "Ohh daan na po señorita pulang pula ka na sa galit eh" epal talaga ng lalaking to

Pagkatabi nila tinapon ko na yung basura at dumiretso sa tambayan ko medyo mahaba pa naman yung oras bago ituloy yung klase, ako at si Raven lang nakakaalam nito kaso wala na siya hayss nakakamiss tuloy yung andito siya sabi niya sabay daw kaming gagraduate sa school na to kaso nangiwan,  naalala ko nanaman yung huling sabi niya sakin, diko narin namalayan na tumutulo na pala luha ko. Hindi alam nila Hart ang lugar na to kasi medyo tago siya

01☀️🌻

Pens write your dreamsWhere stories live. Discover now