Kabanata 9

104 6 0
                                    

"Mahal na reyna, Siya yung nagnakaw ng mga ginto ko sa tindahan!" sigaw ng isa.

Andito kami ngayon sa korte dahil may nakawan na naganap. Bakit kailangan pa kasing magnakaw kung hindi naman sila pinagbabayad ng buwis.

"Bakit ka nagnakaw? Hindi ko naman kayo pinagbabayad ng buwis at lagi kayong may biyayang natatanggap mula sa palasyo! Ano?!" sigaw ko. Nagulat naman sila dahil do'n at napayuko nalang.

Umangat ang tingin sa akin ng lalaking nagnakaw daw ng ginto.

"Kailangan ko lang po kasi para makabili ng gamot ng aking anak, Mahal na Reyna." napayuko nalang siya dahil sa kahihiyan.

Tumaas ang kilay ko dahil sa tinuran niya. Magsasalita na sana ako nang sumabat ang ninakawan.

"Hindi 'yan totoo!" sigaw ng babae. Natahimik naman siya nang tumikhim ako.

"Libre ang pagamutan, kada limang bahay ay may pagamutan. Tapos sasabihin mo dahil sa anak mong may sakit? TANGINANG RASON 'YAN!" sigaw ko at hinagis ang hawak kong tasa kung saan.

Nagulat ang mga kalahi kong nasa korte.  tanginang rason kasi 'yan.

"Patawad po, Mahal na Reyna." nakayuko niyang sabi, sana makuba ka puro ka na lang yuko.

"Asan yung mga ginto?" mataray kong tanong.

Hindi siya sumagot kaya malakas kong pinalo ang lamesang nasa harap ko.

"Wala ka bang dila?!" sigaw ko ang nagpayanig sa buong korte.

May pumasok na kawal, siya ang inutusan kong hanapin ang anak ng magnanakaw.

"Mahal na reyna, andito na po ang kaniyang anak." sabat ng kawal.

"Papasukin mo." Huminahon ako at muling naupo.

Pumasok ang matandang babae at may kasamang batang lalaki ngunit nagulat kami nang sugudin ng matandang babae ang nagnakaw. Pinagpapalo niya ito ng kanyang hawak na sanga.

"Taksil! Walang hiya!" todo awat naman ang batang lalaki sa matandang babae.

"Tama na 'yan, Inay!"

Sinenyasan ko ang mga kawal na awatin ang matanda. Sinunod naman nila.

"Ipakulong niyo 'yan, kamahalan!" sigaw ng matandang babae.

"Hindi pa ako tapos manermon, ale. Inano mo na agad." reklamo ko.

Muli akong humarap sa lalaking tangina.

"Harok? tanginang 'yan! Puro kalokohan ang inaano! Puro ka ligaya! Bakit hindi mo tignan ang asawa mo!? May sakit ang iyong asawa!" sermon ko.

Umangat ang tingin sakin ng lalaki at ngumisi.

"Hindi na masarap e." nakangising sabi n'ya.

Doon nag usbong ang galit sa kalamnan ko, mabilis akong tumayo at kinuha ang pana sa gilid ko at tinutukan siya.

"Ikaw nga walang kwenta, napagtiisan niya." nawala ang ngisi sa labi niya at napalitan ng galit.

"Ano? Totoo diba? Sarap na sarap ka sa sariwa hindi mo alam laspag na." ngumisi ako dahil sa tinuran ko.

Tiyak na matutuwa si Ina 'pag kinuwento ko sakanya 'to.

"Bakit kamahalan laspag kana ba?" hindi ko pa rin inaalis ang ngisi ko dahil sa tanong niya.

Walang buhay akong tumawa. "Hindi ako pumapatol sa mga kulubot na, tanda..." hindi ko tinapos ang sasabihin ko.

"Tsaka tanga mo kasi sinabi mong laspag na'ko, e hindi nga ako nagpapahalik kahit sa Ama ko." umirap ako.

When the Cruel Wolf Fell Inlove (QUEEN SERIES#1)Where stories live. Discover now