CHAPTER TWENTY FOUR - CUDDLE

121 3 0
                                    

ANIKKA'S POV

Naglakad ako papasok ng kompanya ng mga Dalton. Ngayon ay nasa malakawak na hall at patungo ako sa office ni Phillip.

Dinalhan ko kasi sya ng lunch. Ito lang ang way ko para makabawi kay Phillip pagkatapos naming magtalo kagabi. Magdamag ko syang hindi pinansin pagkatapos nyang aminin sa akin na binuntis nya talaga ako.

Sinadya nya pala ang lahat. Gusto ni Phillip na ma-involve ako sa buhay nya at napaka selfish nya!

Pero...

Sa isang banda ay hindi ko pinagsisisihan ang nangyari. Kung hindi ginawa ni Phillip yon ay baka hindi ko maramdaman maging isang ina. Hindi mabubuo ang pagmamahal ko sa baby ko.

Hindi sana ako mag go-grow as a person.

At kung natapos sa one night stand ang lahat sa amin ni Phillip, ay hindi ko matatamasa ang saya ng pagmamahal para sa kanya.

Phillip became my key to my identity and to my life. Hindi ko kahit kailan pagsisisihan na nabuntis ako ni Phillip.

Gumuhit ang ngiti sa labi ko habang naglalakad dito sa malawak na hall.

Ilang sandali pa ay tuluyan na nga akong nakarating sa office ni Phillip. Tumayo ako sa thick wooden door ng office nya at kumuha ng malalim na paghinga.

Nang makakuha na ako ng tamang tyempo ay hinawakan ko ang door handle at marahang binuksan yon.



(Creaking door sound)




At sa pagbukas ko ng pintuan ay...

Natanaw agad ng mga mata ko ang asawa kong nakaupo sa office table nya. Nakaharap sya sa laptop ay may ilang mga paper works.

This CEO is too busy.

"Anikka!" Pero nang sandaling nakita nya ako ay agad nyang sinara ang laptop nya. Phillip stood up and went on my place.

"What are you doing here?" He asked me and lowered his head to kiss my lips. Na syang dahilan para mamula ang mukha ko ay mas lumawak ang ngiti ko.

Napakalambing ng isang to pagdating sa akin. Nakakatuwa lang na maayos na ang trato sa akin ni Phillip. Hindi parang isang stranger na nabuntis nya, bagkos ay tinatrato nya ako bilang isang totoong asawa.

"Galit ka ba sakin?" Tanong ko sa kanya.

Tinaasan ako ni Phillip ng isang kilay, "Dahil ba sa pinatulog mo ko sa lapag kagabi at sa sampal na ginawa mo? Oh no Anikka, hindi ko ikagagalit ang bagay na yon." Paliwanag nya pero alam nyo bang parang ang sarcastic ng dating noon.

Pero imbis na gawing big deal, tinawanan ko nalang si Phillip. Ang mahalaga naman hindi nya ako pinapatulan kapag inaaway ko sya. Pilit nya akong iniintindi.

"Don't worry, I brought you lunch." Sabi ko rito at humakbang papunta sa office table nya.

Nahuli ko pang nanlake ang mata ni Phillip. Animo'y nagulat at hindi inaasahan na mag effort ako ng ganito, pero sa huli ay ngumiti ang asawa ko at sinundan ako.

"Anong niluto mo sakin?" Hagikhik ni Phillip.

Pagkalapit ko sa lamesa ay pinatong ko ang dala kong bag sa table. Kinuha ko ang lunch box rito at binuksan. Ang mabangong amoy nito ay kumalat sa bawat sulok ng kwarto.

Billionaire's One Night Stand #Book11Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ