Chapter 21

4.3K 103 13
                                    

"Marupok"

Halos hindi mapakali si Amanda sa kwarto niya grabe na kasi siya kung maglihi eh minsan naman nahihiya siyang magsabi sa mommy niya kaya minsan naiiyak na lang siya.

"Ang weird mo anak, bakit santol na may ketchup?' aniya sa isip niya bago pinunasan ang luha.


Dalawang buwan na siyang buntis at sa dalawanh buwan na iyon nawalan na siya ng balita sa asawa niya sa totoo lang ay miss niya na  ito pero iniisip niya ang kapakanan ng anak niya kaya hindi niya na kinulit ang asawa gaya ng sinabi niya rito ng huli silang magkita.



"Amanda sis let's g— oh my gosh bakit ka umiiyak?" Takang tanong nito bago lumapit agad sa kanya "May problema ba?"


"W-Wala wala.. may gusto lang kasi akong kainin" pag amin niya sa totoo lang sobrang napalapit na siya sa kapatid niya hindi niya nga akalain na ito ang mag aalaga sa kanya kapag wala ang mommy niya at ang daddy nito.




"Oh bakit hindi mo sinasabi ha?" tanong nito.



"Ang weird kasi eh"



"Syempre buntis ka, ganyan talaga ang mga buntis kung maglihi"


"Siguro nga"


"So tell me, ano yung gusto mo?"


"Santol with—"

"Bagoong at asin na maraming sili? not that weird naman pala eh"



"Hindi…S-Santol na may ketchup" agad na saad niya.



"KETCHUP!" gulat na tanong nito "Oh yeah that's weird nga" 


"P-Pasensya na"


"HAHAHAHAHHA ano ka ba okay lang hays weird naman niyang pamangkin ko buti na lang may maganda siyang tita oh siya kukuha muna ako ng cravings mo" 


"Salamat" 


Pinunasan niya ang luha niya bago hawakan ang tyan niyam



"Ayan na kukuha na si tita mo," pagkausap niya sa kanyang baby.


Maya-maya lang dumating na rin si Alexandra na may dala-dalang santol at ketchup after niyang ubusin yun niyaya siya nitong manood sa living room.


"Oo nga pala, birthday ng daddy ni Logan bukas and inimbitahan nila tayo sa mansion nila sasama ka ba?" 


"B-Birthday?" napaisip naman siya kung sasama kasi siya baka makita niya lang ang asawa niya at iyon ang ayaw niya kahinaan niya si Logan eh kapag nag tama ang mata nila feeling niya bibigay na naman ang tuhod niya sa pagmamakaawa dito.



"If you don't want to come okay lang naman"


"Sasama ako…nakakahiya naman kung wala ako doon eh" wika niya at isa pa daddy naman ni Logan ang pinunta niya at hindi ang asawa niya.


"That's Good so let's go"

"Saan?"

"Shopping, don't worry libre ko na kaya tara na"

"Huh eh may mga damit na ako  binili ni mommy  ang dami na n—"


"Si mommy nag bigay nun iba pa yung sakin kaya tara na okay?"


Heartless Billionaire (COMPLETED)Where stories live. Discover now