Chapter 2

3.9K 67 2
                                    

Kyle's POV

Hindi ko na matandaan kung anong oras kami natapos nitong binatang katabi ko, grabe ang gwapo ng hitsura nito. Hindi ko sukat akalain na sa akin ito tutuwad at luluhod dahil kitang-kita mong alagang-alaga ito at napaka-amo ng mukha.

Napatingin ako sa cellphone ko at nakita kong tumatawag ang kaibigan ko kung saan nagta-trabaho sa Monrow's bar.

"Alexis," bungad kong tanong dito na agad naman niyang ikinangisi.

"Fuck you, La Cuesta!" Asar na sabi nito sa akin. Ayaw na ayaw kasi nitong tinatawag siya sa First name niya. "Nandito sa Bar mamaya ang tatlong may ari ng bar. Punta ka rito para makita mo ang isa sa mga sinasabi ko saiyong kagaya mo," napakunot ang noo ko sa sinabi nito at doon ko naramdaman ang kaba.

Agad akong napatingin sa sinent nitong litrato at napaawang ang mukha ko ng makita ko ito. Nagkita na kami nito dati sa Thailand. Kumusta na kaya sila ni Trevor?

"Sige, pupunta ako." Ang sagot ko na lamang saka ito binabaan ng tawag at nag-ayos agad.

Matapos akong makapagsuot ng damit, kinuha ko na ang perang nasa lamesa na dinagdag nito at tinignan itong natutulog pa bago lumabas ng hotel room at tinawagan si Kuya.

"Kuya, I have the money now. We can visit Papa and Daddy tomorrow." Masayang sabi ko kay Kuya na kung anu-ano na naman sinabi.

"Naku, Kyle. Kapag ikaw nagkasakit sa ginagawa mo. Gumamit kaba ng condom?"

"Safety first ako Kuya saka alam ko naman na safe itong bata. Virgin pa nga e," hindi ito nagsalita sa kabilang linya at narinig ko na lamang itong bumuntong hininga.

"Ayusin mo Kyle. Saka buwan ng dalaw mo bukas kaya alam kong nararamdaman mo pagbabago ulit ng katawan mo. Isakto natin din yan sa pagbisita sa puntod ng mga magulang natin." Napayuko na lamang ako sa sinabi ni Kuya saka umoo at nagpatuloy sa paglalakad.

Napatingin ako sa wrestwatch ko at nasa 6:30 pa lang ng umaga. Pagkalabas ko sa Sogo dito sa may Pasay Rotonda ay agad na akong sumakay ng Taxi papuntang condo ng isa sa mga client ko.

Agad na akong bumaba ng makita ko ng dumating na ako sa building. Isa rin sa mga pangarap namin Kuya Josh na magkaroon ng isang unit dito pero dahil sa kapos at mahirap lang kami, hindi pa ako nakapagtapos ng pag-aaral. Nahihirapan kami pero diskarte ang kailangan sa buhay para may makain.

May nagsabi pa nga sa akin dati nung namamalimos kami, pwedi ko raw pagkakitaan ang mukha at katawan ko kapag dumating na ako sa saktong edad. Sa una hindi ko yun maintindihan dahil nasa katorse pa lang ako nun pero ng medyo tumanda na ako doon ko naintindihan ang nais nilang iparating. Simula noon, nag-ayos ako ng sarili. Nagbuhat at nagsikap para makapag aral at nagpapasalamat ako sa isa sa mga naging kaibigan ko dating binabae.

Dahil siya ang tumulong sa akin na makapag-aral. Alam kong bakla siya pero malaki ang tiwala ko sa kanya kasi never ko siyang nakitAan ng disrespect sa akin kahit minsan nahuhuli ko itong nakatingin sa akin at pinag-aaralan ang hubog ng katawan ko. Minsan ko narin nakita itong nakatingin sa harapan ko pero never naman niya akong binaastos at hinalay kaya sobrang laki rin ng respeto ko sa kanya.

Marami akong picture na topless, minsan nakabrief lang sa gallery ng phone niya pero hinayaan ko na lamang. Hindi naman kasi niya tinatago sa akin yun at pinapaalam naman niya kaya ayos lang as long as sabi ko sa kanya na walang hipuan at halayan master, mananatili tayong magkaibigan. Alam ko naman na hindi niya kayang gawin yun pero siya narin kasi nagsabi na malaki respeto niya sa akin.

Napailing na lamang ako ng maalala ko ang huling sinabi nito bago kami nagkahiwalay sa barko dati papuntang rito sa Manila galing Mindanao.

"Sorry Kyle. Ayaw ng mga magulang ko. Lagi mo tatandaan mga tinuro ko saiyo, balang araw magkikita rin tayo at tutuparin natin mga pangarap mo at magiging model karin."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Exhibitionist: ROMAN (SPG18+) (M2M) (BXG)Where stories live. Discover now