Chapter 23: Brand New Start

1.1K 18 1
                                    

Zath.

This broad day light, magpoproposed ako kay Rie. Yes. I want to marry her. Again. This time hindi na ko kailangan pang buhatin ng mga drivers namin para makasal kay Rie. Walang halong pamimilit, buong puso kong papakasalan si Rie. I love her.

And she loves me too. Ngayon the feeling is mutual. Ang sarap sa pakiramdam. I feel free and alive. Hayyy. Free kasi malaya na kong mahalin xa, alam kong nasaktan ko ng bongga si Zzari but I know in time she will surely get over me.

Alive kasi binuhay ni Rie ang katawang lupa ko. Hahaha. Salamat kina Mommy and Daddy kong saksakan ng kulit kasi dahil sa kanila eh nakilala ko si Rie. Thanks to this arranged marriage. Since mahilig naman si Rie sa mga movies, nakaisip ako ng bright idea kung paano ako magpoproposed sa kanya. Yung isa sa mga scenes nina winona at bong sa pelikulang My Only U. Okay simulan na natin.

"My dearest Rie?.." pukaw ko sa kanya.

"Bakit Mr. Brilco?.." tanong nito na sa tv pa rin nakatingin.

Tsaka ako kumanta, ito kasi ang paborito nyang kanta. And I want her to be happy. Gusto kong gawen lahat ng sinasabi sa kantang toh. And the song goes like this.

"Itong awiting ito ay alay sayo, sintonado mang tong mga pangako sayo ang gusto ko lamang makasama kang tumanda. Patatawanin kita pag hindi ka masaya, bubuhatin kita pag nirayuma ka na, Oh kay sarap isiping kasama kang tumanda. Ibibili ng balot pag mahina ng tuhod, ikukuha ng gamot pag sumakit ang likod, Oh kay sarap isiping kasama kang tumanda. Sasamahan kahit kailan man, mahigit kumulang di mabilang, tatlumpung araw sa isang buwan umabot man tayo ng three thousand one. Magmukha mang luko pag gising sa umaga, pupunasan ko pa ang muta mo sa mata, Oh kay sarap isiping kasama kang tumanda. Paglalaba pa kita matapos mamalantsya, kahit abut abutin man ako ng pasma, Oh kay sarap isiping kasama kang tumanda. Sasamahan kahit kailan man, mahigit kumulang di mabilang, tatlumpung araw sa isang buwan umabot man tayo ng three thousand one. Labs na labs pa rin kita kahit bungi bungi ka na, para sakin ikaw pa rin ang pinaka maganda, Oh kay sarap isiping kasama kang tumanda. At nangangako sayong pag sinagot mong oo iaalay sayo buong puso ko, sumang ayon ka lamang, Kasama kang tumanda.." Hoo. Natapos din. Napansin ko na lang na umiiyak si Rie.

"Ahhh. So sweet of you Zath. How did you knew this song?.." tanong nito habang umiiyak pa din. Napakaiyakin talaga ng mahal ko.

"Syempre nagresearch ako. Para sayo, kakantahin ko yan kahit ilang beses at kahit na sintonada pa ko mapasaya lang kita Rie.." sabay punas ko sa mga pisngi nyang may luha.

"Sus, paborito kong kanta yan. Thank you kasi ikaw ang kauna-unahang kumanta sakin nyan. I love you Zath. Thank you for making me happy.." nakatitig na sabi nito sakin.

"Tahan na mahal ko. Ampangit mo pag umiiyak ka. And I love you too.." sabi ko naman habang nakangiti sa kanya.

"Teka nga Mr. Zath Brilco, para san ba yang drama mong pagkanta pa?.." nagtatakang tanong nito.

"Okay, lets go to the real thing. Rie ano to?.." sabay pakita ko sa kanya ng kanang kamay ko na parang si Vhong Navarro sa pelikulang My Only U.

"Kamay.." sagot naman nito.

"Eh ito?.." itinaas ko ulit ang kamay ko hawak ang kahita ng sing sing.

"Box na pula.." clueless na sabi nito.

"Mali.."

"Teka nga Zath, parang alam ko to ah. Yung kay Winona at Bong sa My Only U na movie nila noh? Naks, tumatag line ka na din sa mga drama mo ah. Nice one Zath.." ngiting ngiting sabi nito. How I love the way she smiles.

"Naimpluwensyahan mo kasi. Hahaha. Dali na nga, ano to Rie?.." tanong ko naman ulit.

"Box na pula nga.." sagot naman nito.

"Mali.."

"Eh ano?.."

"Rie Gloman, will you marry me? Again?.." sabay luhod ko sa harap nya. Nateteary eyed tuloy ako.

"D-Depende kung kasya.." teary eyed ding sagot nito.

"Naks, winonang winona nga ang peg mo Rie. Hehehe.."

"Para hindi masira ang pakulo mo Zath.."

"I love you Rie. Sorry for the harsh things na nasabi ko noon. Thank you for coming into my life. At binabawe ko na din noon yung sinabi ko sayong never akong magkakagusto sayo. After all I've never plan to love you.." sabi ko habang nakaluhod pa din sa kanya. Ngalay na ko, promise.

"Tumayo ka na nga dyan Zath. I will marry you, kahit saang simbahan pa yan.."

"Sa wakas nakahalata ka din Rie. Sakit na nung tuhod ko. Hahaha.." kunway reklamo ko sa kanya.

"Ahh ganun, pagluhod lang masama ka na? Hmmp. Dyan ka na nga, hindi na ko magpapakasal sayo.." sabi ni Rie, sabay tayo sa upuan.

"Rie naman, hindi pa tayo kinakasal L.Q agad? Okay sige, heto na oh nakaluhod na ulit ako. Wag ka ng magalit.."

"Hmmp. Ewan ko sayo Zath.."

"Rie.." tawag ko ulit sa kanya habang nakaluhod pa din.

"Patola. Hahaha.." nakatawang sabi nito.

"Winona, ikaw ba talaga yan?.."

"Yes ako nga, oh ano pang iniintay mo dyan? Power hug na tayo Zath.."

"Ang bilis magtransform. Naging si Laida Magtalas ka naman? I assume ako si Miggy Montenegro? Hahaha. Lika na nga dito. Power hug na tayo. Im really happy Rie. I love you Ms. Movie Tag lines. You and your craziness.." sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit.

"Alam mo parang kang puzzle?.." sabi nito habang nakayakap sakin.

"Bakit?.." tanong ko naman habang nangingiti.

"Kasi, kasisimula pa lang ng araw ko eh nabubuo mo na agad. Yiiiee.."


Wrong Love at the Right TimeWhere stories live. Discover now