Kabanata 8

229 4 2
                                    

KABANATA 8

Touch

Napahawak si Proserfina sa sariling labi. Hanggang ngayon ay dama parin niya ang lambot at init ng halik ni Leighton bagay na bumabagabag sa damdamin niya. Sigurado siyang kakaiba ang halik na iyon. Ilang beses niyang binalikan ang tagpong iyon sa isip niya. Nakakapagtakang hindi galit ang nararamdaman niya kundi pagkadismaya dahil tumigil ito sa paghalik sa kanya.

Pinag-sugpong ang palad at saka humalumbaba. Mabuti pa ay tigilan na niya ang pag-iisip tungkol sa nangyari. Baka isa lamang iyong patibong para makuha ang loob niya. Sa palagay ba nito ay madaling mauto ang isang Hera Venida?

Wala na siyang nararamdaman pa. Binalot na ng matigas na bakal at nilamon na ng panahon ang puso niya. Paghihiganti, hustisya para sa pamilya, iyon lamang ang dapat laman ng puso at isip niya.

At si Leighton? Tandaan mo, Hera! Humalik ka rin!

Napahawak siya sa sentido,

Huminga siya ng malalim, sunod sunod na pumasok doon sila Kurt, Yohan, at Eya. Bahagya pa siyang nagulat ng makita rin si Madam Terry. Napayuko siya ng magtama ang kanilang mata. Ilang buwan niyang hindi nakaharap ang babae. Ganoon parin ang mukha nito, mamahalin, perlas nga kung ihalintulad iyon ng iba, ang nagmamayari ng X Agency, si Madam Terry Sassy.

"Hera," bumaling ito sa kanya.

Bahagyang namawis ang palad ni Proserfina. Alam kasi niyang gigisahin siya nito dahil sa pagkakasangkot niya kay Leighton Solon, "Yes, Miss."

"Malaki ang patong sa ulo mo, milyones. Do you know that? Aware ka pa ba sa mga nangyayari sa paligid mo? Oh come on, Hera. Hindi, di ba? Ikaw mismo ang naglalagay sa sarili mo sa bingit ng kamatayan." Naupo ito mismo sa ibabaw ng lamesa at saka pinagkrus ang mga binti.

"I-I don't k-know..." Nagulat siya sa sinabi ni Madam Terry. Hindi niya napaghandaan ang pagkikita nila.

Napangisi naman si Terry Sassy, "Exactly!" sabay halakhak, "Dahil pinangunahan ka ng galit... puot." Ikiniling nito ang ulo upang hulihin ang mga mata niya, ngumisi ito, "Kailan mo balak sabihin ang tungkol dito? At dinamay mo pa talaga ang mga kasamahan mo?" Tumawa ito bahagya, "Hindi ka ba nagiisip?"

"Kahit kailan talaga, napakatigas mo. Hindi ka naman dating ganyan..." Bumaling ito kay Eya na kanina pang nakayuko. Kahit si Kurt at Yohan ay tahimik lang na nakikinig.

"Eya," tawag ni Madam Terry. Itinaas nito ang kanang kamay. Agad namang lumapit si Eya upang iabot ang isang brown envelope.

Ilang beses pang umiling-iling si Kurt habang nakatitig kay Madam Terry na abala sa mga papel na hawak. Marami iyon at sa uri ng pagtitig nito ay alam nilang mahalaga ang nilalaman noon. Bahagyang nanaas ang kilay ni Madam Terry habang isa isa niyang inilalapag ang mga papeles na hawak.

Tuluyan ng napatunghay si Proserfina ng ilapag ni Madam Terry Sassy ang mga papel na hawak,

Tumighim si Yohan upang makuha nito ang atensyon ng lahat, "Miss, ilan lamang 'yan sa mga transaksyong nagaganap sa loob ng Da Vinci by Solon Design, at karamihan sa mga iyan ay mga pinag-babawal na gamot. Ang strategy nila ay mag-angkat ng mga mamahaling kasangkapan mula sa iba't ibang bansa ng sa gayon ay hindi mapuna ang mga droga na nakapaloob sa mga shipping container na pumapasok sa ating bansa. Paanong hindi napupuna iyon gayong mahigpit ang checking ng mga shipping container? Dahil may lagay ang bawat isa na involved sa transakyong ito... malaking halaga, malaking halaga ang natatanggap ng bawat isa..."

"What?" Hindi mapigilan ni Proserfina ang hindi magulat.

"Yes, tama ang narinig mo, Pros... at lahat ng iyan ay nakapangalan kay Leighton Solon. Hindi pa malinaw ang imbestigasyong isinasagawa namin patungkol sa Da Vinci by Solon Design, pero natitiyak kong may iba pang tao sa likod nito..."

Flaming June (Calendar Girl Series #6)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang