"Eli! Bumangon ka nga dyan!" inaalog pa sya ni zoey at amara dahil sa hirap niyang gisingin.
Naubos ba naman nya ang dalawang bote ng vodka kagabi para lamang makatulog siya.
"Isang alog nyo pa sakin maaalog ang mga utak nyo. Bakit ba?!" agad rin naman ayang bumangon kahit na gulo gulo pa ang kaniyang buhok.
"Kanina pa si Yuan sa salas." Naka crossed arms na sabi ni abby na parang inip na inip sa kaniya.
"Buti naman gising ka na, bubuhusan na sana kita ng tubig na malamig." nakairap na sabi ni jill habang hawak ang pitsel na may lamang tubig at yelo.
Tinitigan nya lang ang apat habang naka kunot noo.
"Tabi nga" saad niya at hinawi ang apat bago sya tumungo sa banyo. Nag palit lang din siya ng damit bago pumunta sa salas.
"Eli,naka kalap na ako ng impormasyon tungkol sa kakambal mo" saad ni yuan habang pinapakita ang mga dokumento at iba pang papeles. Nilatag niya ito sa mesa.
"Ayon sa isang doctor na si Dr. Joseph Alfonso, lumapit sa kaniya ang kakambal mo na si Lorcan Jude para utusan sya na saksasakan ng gamot si Luna Ysabelle ng pampatulog at isagawa ang proseso." tumigil saglit si Yuan upang iproseso sa utak ni elijah ang bawat kaniyang sinasabi.
" ano?"
"Naalala mo? Papunta kayo ng Batanes ni Ysabelle at naaksidente yung van na sinasakyan nyo."
Napatitig sya kay Yuan habang inaalala nya ang mga pangyayari. Sumasakit man ang ulo niya, pilit niya itong inalala para sa taong mahal niya. Unti unting nakikita niya sa kaniyang isip kung paano mahulog sa bangin ang sinasakyan nila habang si Luna Ysabelle naman ay halos wala ng malay at sugatan.
"Kasama ko si luna noong araw na yon yuan! Anong ginawa ni jude?!"
"Habang comatose ka ng tatlong buwan, sinagawa na niya ang plano. Lumapit sya kay Dr. Joseph upang sabihin dito na tuluyang patulugin si Luna Ysabelle at saksakan ng gamot ito na makakapag pawala ng ala-ala sayo. Binayaran nya rin ito ng malaking halaga para masiguro nya na gagawin nito ang gusto nya. "
Nang gigigil sa galit si elijah habang pinapakinggan nya ang bawat paliwanag ni yuan sa kaniya. Ganoon kasama ang kapatid niya at handang gantihan sya.
" Nasaan na yung doctor?"
"Pinaligpit ko na Eli, nasa ilalim na ng lupa." nakangisi na sabi ni yuan sa kaniya.
Napangisi naman sa kalooban si Elijah. Iba talaga ang investigator nya, malinis mag trabaho at may organisasyon na legal pumatay ng tao.
"What the heck, knight?!" sapo ni jude ang kaniyang labi na nagdudugo dahil sa pagkaka suntok sa kaniya ni elijah. Galit na galit ito habang nakatitig sa kaniya.
"Fuck you, jude! Paano mo nagawa kay luna ang lahat ng yon?! Bakit mo nagawang magbayad ng tao para alisin lahat ng ala-ala ni luna?! " sigaw niya rito at hinawakan sa kwelyo ang kakambal.
Isang suntok ang binigay ni jude kay elijah kaya sumadsad ito sa sahig at napaupo ito.
"Bakit hindi?! You need to suffer, knight! Nawalan din ako! At hindi ko maintindihan kung bakit ka nagustuhan ni Callie! Kaya ka nya niligtas dahil mahal ka niya! It was two years ago, knight but the pain is still here! I'm still wreck! And I did that, dahil nakikita ko si Callie kay Ysabelle. Hindi ka pwedeng maging masaya habang ako nag dudusa pa rin."
Nanatiling tahimik si elijah habang pinupunasan ang dugo na dumadaloy mula sa kaniyang labi.
"You can't marry my girlfriend, jude!"sigaw niya ng mahismasan sya mula sa pagkakasuntok nito.
" naka ayos na ang lahat, knight. Hindi mo mababago ang desisyon ko. Papakasalan ko si ysabelle. Nawala man sakin si Callie, minahal ko at mahal ko ng totoo si ysa."
Tumitig sya kay jude bago umayos ng tayo. Maya maya pa ay unti unti na siyang lumuluhod sa harap nito.
"I'm sorry if Callie died because of me. I'm sorry if you're still in pain because of me. Hindi ko sinasadya ang lahat kuya. Hindi ko gusto na mawala sya sayo. Hindi ko ginusto na mahulog sya sakin. For pete's sake, she's just a bestfriend and a big sister to me, kuya. If Callie was atill here paulit ulit kong sasabihin na ikaw ang para sa kaniya"
Tumingala sya at tumitig sa kuya niya.
"Kung ito ang paraan para makuha ko sayo si Luna, gagawin ko. Please, ibalik mo na sya sakin. Sa tingin mo ba magiging masaya sya kung hindi na ikaw ang mahal niya? Magiging masaya ka ba kung makikita mo ang taong mahal mo na hindi masaya sa piling mo? Nasa iyo naman na sya ng mahabang panahon, pero pwede bang ibalik mo na sya sakin? Mahal na mahal ko sya kuya.. Parang awa mo na, ibalik mo na yung taong mahal ko. " kasabay ng kaniyang pag mamaka- awa ay ang pag patak ng kaniyang mga luha.
" Knight, paulit ulit kong sasabihin sayo na hindi mo makukuha mula sa akin si ysabelle. Sa kaniya ko ibibigay yung pagmamahal na hindi ko nagawa kay callie. "
Masakit man sa kaniya, marahan syang tumango sa kakambal niya.
"Naiintindihan kita kuya. Pero sana kahit ngayon lang ako naman ang pagbigyan mo. Minsan lang ako humingi ng pabor sayo."
Tumayo sya at tinignan ng mabuti ang kakambal.
Simula naman noon palagi ng may kompentensya sa kanilang dalawa. Si jude ang paboritong anak, habang si elijah ang hindi. Lalo pa at nalaman nilang bakla si elijah kaya nga pinag tabuyan ito ng kanilang mga magulang. Kaya nga natuto sya na sustentuhan ang kaniyang pag aaral hanggang sa nagkaroon sya ng scholarship sa ibang bansa at doon na nag graduate. Bumalik lang sya sa Pinas noong tapos na sya mag aral.
Kaya nga nakilala niya si Callie, ang girlfriend ni Jude. Pagkatapos ng pangyayaring yon, mas lalo lang sya pinag initan ng kakambal niya. And then he met Luna Ysabelle na kakarating lang nito mula rin sa ibang bansa. Nagbabakasyon lang din hanggang sa naging sila. But then, that accident happened at naisagawa nga ni jude ang plano niya. Matapos noon, niligawan nya at kinuha nya ang loob nito para mapunta sa kaniya si ysabelle.

YOU ARE READING
Stolen Love || AU
FanfictionLorcan Jude, told to his twin Knight Elijah to look after his girlfriend Luna Ysabelle, because of his work serving the country as a militar. But Knight fell in love with her and he remembered that was his girlfriend before. He also found out what h...