CHAPTER 38

542 32 9
                                    


Bago pa man kami makarating dito sa Pagudpud, madami pa kaming dinaanan na lugar and we took the opportunity to stroll around, buy some souvenirs because andami kung nagustuhan, I even bought some delicacies kasi ang sasarap.

"Welcome to the beautiful Saud beach..." Vinny said na parang nag iintro sa isang show sa tv like vloggers. Indeed the beach is pleasing. Finally! I can crossed out the Saud beach on my bucket list! Nilapag ko agad ang mga gamit ko saka hinubag ang flip flops ko then run malapit sa tubig. Even the texture of the sand that touches my feet ay napaka-okay talaga. Wala akong ibang masabi kundi; God is so creative.

"Finally!!! Saud! I have come to see you!!" sigaw ko sabay buka sa kamay ko para damhin sana ang hangin pero diko namalayan na may tao pala sa likod ko kaya nasampal tuloy yung kamay ko sa mukha niya. Agad ko iyong nilingon dahil alam ko masakit ang pagkaka-dapo ng kamay ko sa mukha niya. "Oh crap! I'm really sorry, Simon! Oh no..." nakita kung pumula agad ang mukha niya sa part na tinamaan siya.

"That was a warm welcome." biro niya pero di ako natawa kasi mas inuna ko pa tignan yung mukha niyang tinamaan ko.

"Pumula na. Patay talaga ako. Sorry! Bakit ka kasi nakatayo sa likod ko eh. Natamaan ka tuloy." ansama ko. Sinisi ko pa talaga siya.

"I just remembered the time when we're at del Fuego, your really look happy seeing the beach." he's right. Tuwang-tuwa ako nung mapunta ako sa beach na yun pero napawi agad yun nung nakita ko ang picture nila ni Tito at Mommy. Still I have no answer to that but hoping it was just nothing but a friendship.

"Yeah... I am.." pilit kung sagot saka tumitig sa magandang beach.

"I have to tell you something..."

"Hmm??" I immediately looked at him. "What is it?"

"I... I-I have—"

"GUYS!!" sigaw ni Vinny kaya naputol yung sana sasabihin ni Simon. "Kanina pa ako tawag nang tawag eh. Kuya said let's eat." di kalayuan sa kinatatayuan namin ni Simon ay nakita naming nag se-serve na ng pagkain. Almost 2pm na pala at late na kami nakapag-lunch kasi grabi yung gala naming apat kanina at enjoy na enjoy ako.

"Okay! We're coming." balik kung sigaw kay Vinny kahit rinig niya naman if normal lang na convo. "Ano nga ulit sasabihin mo, Si?" baling ko sakanya.

"Huh? Ahh... That. Oh yeah. That. It's lunch time." he awkwardly said. Pinaningkitan ko agad siya ng mata. May tinatago ata siya sakin eh. I doubted na yan lang ang sasabihin niya. What could that be? Maybe sasabihin na niya sino yung lucky girl na kine-kwento niya. "Let's go..?" aya niya tas naunang nag lakad habang nag kakamot ng ulo.

"Andaya mo! Hindi ka nag te-tell ha." kibot ko saka sumunod na. Pagkadating sa table namin, namangha ako sa foods. All time favorite seafoods! "Woah! This looks delicious...."

"One of their pride dish here. Try it. Once you taste it, you will always want it." I look at him like something.

"You can be an endorser ha. You're really good at convincing people. Mukhang masarap nga ito." so yun na nga and I tried the food. He's not telling lie, masarap talaga. "Oy ang sarap ha. Grabi..."

"See? I told you. Ang sarap niyan. Now let's eat so we could go for a swim after." at kumain na nga kami. This is fun actually. Ang saya na nakasama ko silang tatlo here in my Ilocos Norte trip slash work. I got the chance to really know them, kung paano sila behind the camera, yung walang ibang fans na palaging umaaligid sa kanila. Just them being who they really are with or without the limelight.

Destiny Played it WellWhere stories live. Discover now