CHAPTER 27

5K 76 4
                                    


"Tumagilid ka nga para maayos ko yung pag-ahit." Agad naman siyang sumunod.

After naming kumain ay dinala ko agad siya sa labas ng swimming pool ng bahay para doon ko siya ahitan, kahit naman kaya niya na yun mag-isa. I just want to do it again.

"Make sure not to do it again Claire im warning you." Napatawa ako.

"C'mon im on my mind right now Chase."

"So your not on your mind that time?" Tanong niya habang nakaangat ang tingin sa akin.

He's sitting on the chair while im infront of him, nakapagitna ang isang hita niya sa dalawang paa ko.

"I dunno, i just want to do that to you, it's nice by the way." Sagot ko sa kanya kasunod ang mahinang tawa ko.

2years ago, isang araw noon ay nagpresinta akong ako na ang maglilinis sa bigote niya at dahil sa lakas ng tama ko noong araw na iyon dahil saktong may period ako ay nakagawa ako ng kalukohan and guess what? Nilagyan ko lang naman ng trim yung bigote niya na hindi niya na naaahitan at ang malala pa nun may lakad pala ako noong oras na iyon at malalate na ako so wala siyang nagawa kung hindi ang samahan ako habang ganun ang itsura niya, tawa ako ng tawa ng araw na yun kahit pa nagagalit siya sakin hindi ko na siya hinayaang ayusin yung bigote niya dahil nagmamadali na ako. He's been arguing with me kahit na naayos na yung bigote niya at ngayon nalang siya ulit pumayag na ako ang mag ahit sa kanya.

"Tsk," natawa nalang ako ulit at itinuon ang atensyon sa pag-aahit sa bigote niya, nakayuko ako sa kanya habang siya naman ay nakaangat ang tingin sa akin.

Ang dalawang kamay niyang kaninang nasa hita niya lang ay ngayo'y nasa legs ko na, hinahayaan ko lang siya dahil napansin kong maingat siya sa ginagawa niya, akala niya siguro hindi ko napapansin ang ginagawa niya. Itinagilid ko ang mukha niya para lagyan iyon ng cream bago ahitan ulit.

"Eyes up young man." Sita ko sa kanya dahil nahuli ko lang naman siyang nakatingin sa harapan ko.

Sumimangot siya. "D-don't wear oversized shirt again!" depensa niya at agad na iniwas ang tingin.

"Silly, kapag fitted nagagalit ka tapos kapag maluwag nagagalit ka din?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Hindi na siya sumagot pa kaya pinatuloy ko nalang ang pag-aahit sa kanya, i tried avoiding his eyes cause it's capturing me, pero napapatingin pa din ako doon at nahuhuli niya ako na siyang ikinangingiti niya ng nakakaluko. Nang malapit na akong matapos ay gumalaw ang mga kamay niya na nasa hita ko. Damn! How could i forgot about his hands gently resting on my legs?.

Pinakiramdaman ko lang siya hanggang sa matapos na akong ahitan siya ng maayos, akmang kukunin ko na ang towel para punasan ang panga niya ng gumalaw na naman ang kamay niya. I bite my lower lips when his hands suddenly making its way up to my small waist, i tried not to move para hindi niya mahalatang naaapektuhan ako sa ginagawa niya pero hindi ko napigilan ang mapaigtad ng tuluyan ng mamahinga ang kamay niya sa bewang ko at bahagyang pumisil doon.

"C-chase y-your hands.." hindi ko napigilang saad sa kanya.

Yumuko ako para makita ang kamay niya na ngayo'y humahaplos haplos na sa bewang ko pero agad akong napaangat ng tingin sa kanya ng magsalita siya.

"Let them rest in your waist." Nakangiting sagot niya, naibaba ko ang dalawang kamay ko na nakahawak sa mukha niya dahil bigla itong nanghina.

"C'mon....it's just—" pinutol niya ang sasabihin at hinapit ako palapit sa kanya na ikinahiyaw ko. "It's just a touch Claire." pagpapatuloy niya pero hindi ko alam kung ako lang ba talaga ang madumi ang isip at parang nang-aakit ang boses niya.

Unwanted BrideWhere stories live. Discover now