Chapter 3

1.3K 50 22
                                    


"Avery!"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa akin. Nakita ko ang isang pamilyar na lalaki na papalapit sa'kin na may malawak na ngiti habang kumakaway.

Who is he again?

Kumunot ang noo ko at pilit na inaalala kung sino siya ulit.

"Zach?" hindi siguradong sambit ko sa pangalan niya nang tuluyan siyang makalapit sa akin

He smiled sheepishly and scratch the back of his head, "It's Zeke. Nakalimutan mo nanaman."

Napanguso ako sa sinabi niya, it's almost the same naman diba? Hindi ko naman kasi talaga siya ka-close, eh. Kaklase ko siya sa isang subject ko ngayon pero hindi ko naman siya laging nakakausap.

"Do you need something?" malumanay na tanong ko sa kanya

"Ah, itatanong ko lang sana kung manonood ka mamaya ng mock trial?" nahihiyang tanong niya

Ngayon pala ang mock trial ng mga sophomores. I am on my last year in college and I'm taking BA in Political Science as a pre-law course. I want to be a lawyer like dad and Lolo Landon.

Ngumiti ako sa kanya ng tipid at umiling, "I have a lot of case study to finish today. I'm planning to finish all of them before starting on my internship."

I have lots of stuff to do since I took a break from school for a few weeks. Buti na lang at nakahabol ako agad sa lessons namin. I can't wait to graduate and take the PhiLSAT. Para iyong IQ test at entrance exam para makapasok ako sa law school. My graduation is just around the corner.

Parang naging dismayado siya sa naging sagot ko, "Ganon ba? Invite sana kita manood. May date ka na ba para sa graduation ball?"

I was about to open my mouth and answer him when someone suddenly answered his question.

"Me."

Gulat kong nilingon si Gran dahil akala ko ay hindi niya ako masasamahan sa library dahil may klase siya.

"Gran!" masayang bati ko sa kanya at yumakap sa braso niya

He took my books from me and even my bag. Hindi ako umangal dahil hindi rin naman siya papayag na umangal ako. Tiningala ko siya nang mapansin kong tahimik siya at nakita ang madilim na mukha niya habang nakatingin kay Zeke.

"Oh, Gran, he's Zeke. Classmate ko siya sa Philippine Literature." pakilala ko kay Zeke dahil baka mamaya pagsabihan nanaman niya ako na nakikipag-usap sa mga strangers

Hilaw na ngumiti si Zeke at naglahad ng kamay na tinitigan lang ni Gran. Pinalo ko ang braso ni Gran dahil sa ginawa niya. Minsan talaga may pagkasalbahe 'to, eh. Kunot-noong tinignan ako ni Gran dahil sa ginawa ko.

"Be nice, Gran." saway ko sa kanya

He clicked his tongue and took Zeke's hand, "Gran." maikling aniya

Napailing na lang ako at humarap kay Zeke, "He's my brother."

"Oh, akala ko boyfriend mo dahil siya lagi ang sumusundo sa'yo." napapakamot sa ulo na sabi ni Zeke

Namulsa si Gran at parang mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya, "If I'm really her boyfriend, then are you intentionally approaching my sister even if she's in a relationship?"

"Gran!" saway ko sa kanya

I looked at Zeke apologetically. Nakahinga naman ako ng maluwag nang bigyan niya ako ng mapang-unawang ngiti.

Nagpaalam na ako sa kanya dahil baka mamaya kung ano pang sabihin ni Gran sa kanya. Lumalabas nanaman kasi ang sungay niya eh. Ewan ko ba sa mga kapatid ko at parang laging galit kapag nakikita akong may kausap na lalaki.

Capturing The Grand DukeWhere stories live. Discover now