PROLOGUE

11 2 0
                                    


"Totoo?!!!"

"Weee?! Like as in?!"

"Oo nga! unli ka?paulit-ulit?"

"I thought si Dai yung gusto mo!", di makapaniwalang saad ni Summer.

"Hindi ko siya gusto noh! He's a playboy tapos feeling crush ng bayan porke siklista. " Napairap ako sa kawalan ng maalala ang pagmumukha ng lalaking yun. Ibang iba siya sa gusto ko na si Nimrod. Nimrod is the team captain of the school's basketball association called SOARING EAGLE while him is the president of the SJAOB (San Jose Association of Bikers). Magkaibigan sila and both are part of so-called BARYO BOYS.

I don't know why they are called like that but they are really known sa buong municipality ng Santa Catalina because of their family lineage and might as well add their looks and skills. Kaso nga lang hindi ko type yung ugali ng Daishin na yun, sobrang mahangin tapos mahilig sa chixs. Lagi ko siyang nakikita na may kasamang babae sa school at pa iba iba pa every week. Urgghh! sarap batuhin. Mabuti pa si baby Nimrod ko, sobrang bait , magalang, matalino at  hindi mahilig mambabae.

"Pero ang gwapo kaya ni Dai kaysa kay Nimrod na yan. " sabat ni Summer kaya mariin ko siyang nilingon. "Yung tubol na yun mas gwapo kay Nimrod! Duhhh! mas gwapo kaya bebe ko dun!."

"Sino ba bebe mo? Ehh wala ka namang jowa?", tanong si Sum.

"Si Nimrod malamang! ,sino pa bah? Siya lang naman yung gusto ko.", agap ko. "Ang tanong! nong!nong!....gusto ka ba?", taas kilay na tanong ni Sum sabay lapit sa inu-upuan  kong bench.

"Ewan! Di ko alam! hindi naman ibig sabihin na gusto ko siya eh dapat gusto niya din ako pero somehow I hope that he would reciprocate my feelings," tugon ko bago pinagpatuloy ang pagbabasa. Asang part na nga ba ako?

" Eh!! kung gusto mong malaman natin kung gusto ka din niya edi tanungin mo nang personal, ganon lang yun Dawn! easy peasy!!!"

"Ayoko nga, nahihiya ako saka bat ako yung mauuna mag confess. Dapat yung lalaki gumagawa non! No! Hindi! Ayoko! Period!",sabat ko.

"Kung ayaw edi don't! Ako na nga lang yung gagawa ng paraan para malaman kung may chance ba na maging kayo! Bahala ka jan! Speaking of a way..Daishin!!!!!!!!woiiii!! teka ka lang! hintayin moko!!!", sumisigaw na wika ni Sum habang tumatakbo kung saan. Sinundan ko ito ng tingin at nakitang papalapit ito sa kinaroroonan nilang magbabarkada. Mabuti na lng wala si Nimrod. Mabilis niyang hinablot si Daishin papunta sa kinaroroonan ko.Humihingal na nakarating si Sum kasama si tubol.Bumaba ako ng tingin at kunwari ulit na nagbabasa.

"W-wait lng hah! hihinga muna ako ...whoo!! hahh!!!.okey..Dai!! gusto sana ng paykprend ko na humingi ng konting favor..hehe!", nakangiting saad ni Sum sabay upo sa tabi ko.Gulat akong napatingin kay Sum at pasimpleng kinurot ito.

"Favor? what is it?",masiglang saad nito. Napaharap ako sa pinanggaling ng boses na iyon, there stood the guy I hate ..Daishin Louie Crisantimo aka tubol. I laugh hard in my mind, ang layo namn ng tubol sa Daishin pero bagay naman. Ngayon ko lng ito nakita ng malapitan, he has pair of brown eyes, makakapal ang kilay ,matangos din ang ilong nito at may mamula-mulang mga labi. No doubt why a lot of girls flocks around him pati mga classmates ko ay mas gusto din sa kanya. He's on his first year as a college student. Ewan ko anong course, hindi ako interesadong malaman.Nakapamulsa ito at  nakangiting nakatingin sa amin.

" Wala! pinaglalaruan kalang nitong si Summer. You know trip trip lng..hehe!",mapaklang sabi ko.

"Anong wala ka jan! Ganito kasi yan Dai ..itong babaeng toh may gusto kay Nimrod ..gusto niya sanang tu---+ummppp.", mabilis kong tinakpan ang bibig ni Sum. " Bat mo sinabi sa tubol na yan",bulong ko kay Sum bago inalis ang kamay ko. May laway pa ito kaya pinahid pahid ko ito sa uniform ni Sum.
"Syempre hihingi ng tulong ,ano pa bah",pabalik na bulong nito kaya tinampal ko ito.

"Oww! so you have feelings for Nimrod huh?!,manghang tanong nito. Naramdaman kong umakyat lahat ng dugo ko sa pisnge, I know I'm blushing right now.

"I see, your face says it all. So why did you bring me here kung si Nimrod pala yung gusto mo. You can tell him directly, you know."Hindi ko magawang sumagot sa sobrang hiya, eto kasing si Sum grabe yung bibig, parang armalite saka wala namn talaga akong plano na humingi ng tulong.

"Kaya nga humihingi kami ng favor sayo diba, nahihiya kasi itong si Dawn na magconfess. So gusto sana namin na tulungan mo kaming makapag usap tong bruhang ito at si Nimrod," walang hiyang sambit ni Sum kaya mas  lalo akong nahiya. Mamaya ka sakin Sum!

"Ako na lng kaya magsabi sa kanya?",diretsong saad ni Daishin.

"Wagg!",halos pasigaw kong wika.Halata sa mukha nito ang pagkabigla. " P-pasensya g-gusto ko kasi  ako mismo yung magsabi nun. Kung ayaw mo, ok lamg naman. Kami na lang maghahanap ng paraan", dagdag ko pa.

"Hindi Dawn, kailangan natin yung tulong ni Dai noh...Duhh? wala namang masama kung hihingi tayo ng favor. Sige na!!".Pinandilatan ko si Sum ngunit inirapan lang ako neto.

"Your name is Dawn?",biglaang tanong ni Daishin. Tumango ako at tinignan ito.

"So name sounds familiar? Teka lang, your surname must be Callahan, right?".Tumango ulit ako.

"What's your relationship with Sunshine Callahan?", tanong nito ulit. "Kapatid ko siya, bakit?"

Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi neto. Luhh? na ano ni siya. Nagkatinginan kami ni Sum saka binalingan ng tingin si Daishin.

"Sige, tutulungan ko kayo"

"Ayon naman pala ehhhh!",nakangising saad ni Sum sabay hampas sa balikat ko. Awww! Napadaing ako sa sakit at marahang hinaplos iyon. Bigat namn ng kamay neto. Humagikgik eto sa tabi ko at parang kinikilig pa.

"Gaga bala simo! daw ikaw ang may gusto ,mas excited ka pa sakon "..ang gaga mo!parang ikaw yata yung may gusto, mas excited ka pa sakin. Mabilis ko itong tinampal.

"Ti labot mo! Dapat gani magpasalamat ka sakon kay ginbuligan taka...pake mo! Dapat nga magpasalamat ka sakin kasi tinulungan kita."

"But one condition",sabay kaming napatingin ni Sum kay Daishin.Huhh?

"Ilakad ninyo ako sa ate mo, kay Sunshine", nakangiting aniya.

"Bakit ? ",bakas sa boses ko ang pagtataka. Bakit ilalakad namin siya kay ate....wait.. don't  tell me gusto niya si ate. Napasinghap ako ng mapagtanto iyon.

"Look! May gusto ako sa ate mo  pero nireject ni ako  dahil sa pagiging playboy ko but I  really like  her kaso nga lng  she always keep her distance from me."pagpapaliwanag neto. Tinaasan ko ito ng kilay, of course kung ako din sa part ni ate iiwasan ko din yan,mukha pa lng di na mapagkakatiwalaan . I mean yung ugali pala,kaya tama lang na iniiwasan siya ni ate. Desurbbbb!

"Daii!!!!"

Napalingon kaming tatlo sa pinanggaling ng boses. Halos lumuwa ang mata ko ng makita si Nimrod at ang iba pang barkada nila na papalapit sa amin. Shett!! nanginginig ako sa sobra kaba. Ngumisi ng nakakaloko si Daishin at mabilis na nagsalita," Pano bayan? Deal or no deal. If deal, tutulungan kitang maka usap si Nimrod in exchange ilalakad moko sa ate mo and if no deal ,pwede kong sabihin ngayon din kay Nimrod ang tungkol sa feelings mo. Choose, leave it or take it."

Urghh!!may choice pa ba ako?

"Sige deal!",agap ko bago pa man makarating sila Nimrod sa kinalalagyan naming tatlo.Baka kasi marinig nila at magtanong.Tumango tango ito at  satisfied na ngumiti.

"Tara na dai! kanina pa tayo hinahanap ni Sir", ani ni Tranch sabay akbay dito. Bumaling ito sa amin. "Sorry pretty ladies, kukunin muna namin itong si Dai. May practice pa kasi kami. Eyy! ikaw pala Summer, una na kami hah,"sabay kindat dito.

"S-shege Tranch ...bye..ehe!". Napalingon ako sa sinabi ni Summer. Yay! Malantod ka Summer!malantod!

"Well then, see you !", sambit ni Daishin bago naglakad papalayo kasama ang mga kaibigan.

Linte ka Daishin!

@memoriesof2002

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cycles of LoveWhere stories live. Discover now