Kabanata 1

14 0 0
                                    

The dazzling light that spreads around the area is a sign that the mighty sun has risen. It proves that even in the darkness of the night, light will indeed come during daylight.

Ang mga puno sa bundok at maging ang ilog ay nagmimistulang kulay ginto sa tuwing nasisikatan ito ng araw. Hudyat ito nang panibagong umaga para sa mga hayop sa munting bukid na iyon, Ang nasabing bukid ay matatagpuan sa gitna ng kinikilalang pinaka delikadong kagubatan sa buong Dzala.
Ang kagubatan ng arsad, Ang salitang Arsad ay nangangahulugan "Knowhere" sa lengwahi ng mga magi.
Dzala ang tawag sa mundo ng mga mage Kung saan nabibilang ang mga nilalang na may kapangyarihan.

------

Habol ang hininga ng isang dalaga matapos niyang magising sa paulit-ulit na bangungot na iyon.
Agad niyang nilibot ang kanyang mga mata sa munting silid na kanyang kinaroroonan, mula sa bobong na gawa sa cogon,  Ang pader nito ay gawa rin mula sa malalakas at bihirang mga tabla at kahoy, sya ngayon ay nakahiga sa malinis na papag na naka usli ng ilang metro mula sa lupa.
She did her eye inspection without moving any single part of her body.
Isa
(Ang kaniyang panimulang bilang)
Dalawa

Tatlo

Apat

Lim- -
Bago pa niya matapos ang panlimang bilang, tumunog na ang kaniyang hinihintay na tinig!

Tik ti laok! Tik ti laok
(Zele, zele, gising na Zele!)

Anang munting tinig mula sa ibabaw ng kanyang bobong.
Ang maingay na tinig na iyon ay nagsisilbing palatandaan na umaga na at

kailangan na niyang bumangon.
Ito ay nagmula sa kanyang alagang tandang na pinangalanan niyang biko, si biko ay sampung taong gulang na at Ang trabaho niya sa araw araw ay ang maging alarm clock para kay zele.

Naging ritwal na ng babae ang unahan sa paggising ang tandang, kailangan dilat na Ang kanyang mga Mata bago paman ito tumilaok.
Para sa mga normal na mage tiktilaok lamang ang kanilang maririning ngunit para Kay zele Ang bawat tinig ng kanyang alagang hayop ay katumbas ng mga salita kaya nagkakaintindihan sila ng mga ito.

ZELE'S P.O.V.

Nakabibinging ingay ang bumulabog sa aking matiwasay na umaga.  Napahilamos nalang ako saking mukha sapagkat Ang pangit na nga nang aking tulog pati ba Naman paggising pangit rin?

Magandang Umaga Zele!

Bati ng aking pangit na pusang si suman. Nakahiga parin ito ngayon sa aking papag.
Bumangon rin ito agad pagkatapos nitong makita Ang aking malamig na titig.

Kahit anong taboy ko sa pusang ito dahil ayaw kong may katabi sa higaan pumupuslit parin ito hanggang sa pabayaan ko nalang.

Bangon na riyan suman kung ayaw mong gawin kitang shomai

Kahit alam ni suman na nagbibiro lang ang kanyang amo, di parin niya maiwasang kilabutan sapagkat sa sobrang lamig nang pagkakasabi ay maihahalintulad na niya ito sa kalupaan ng mga nyebe, pati narin ang kaniyang asul na mga mata na mistulang dagat sa hirap nitong sisirin.

Ang ganda ng sikat ng araw para kayo ay bugnutin, aming mahal na pinuno

Pinuno mukha mo diba sabi ko naman sa inyu wag na wag nyo na akong tawaging pinuno

The Girl from NowhereWhere stories live. Discover now