.Kabanata 4

52 15 8
                                    


Sorry for long updates. Pawala-wala ako, oo alam ko rin 'yan. Pero hindi lang po kasi sa pagsusulat umiikot ang mundo ko. Hindi rin naman ako palaging may load dahil hindi naman sapat ang pera na kinikita ko minsan. And yes, working student po ako hehe.  At kung magpaload man ako ay pang-academics lang din. Sa panahon ngayon ay kailangan na talagang magtipid haha!

****

"Shsh, we're here."

Sa wakas nandito na kami. Totoo nga. Tama rin si Liam. Tahimik lang kaming nakamasid sa buong kabuuan ng bahay. Mas malaki pa ito sa inaasahan ko. Kung sa unahan may gate, pero dito naman kitang-kita kung gaano nga kalawak ang Mansion. Masasabi mo ring mas malaki ang pinsala ng sunog mula sa kinakatayuan naming apat. Pero sapat ba? Hindi rin lalo't mahahalata na nadamay lang ito pero tuluyang natupok.

"U-uwi na kaya tayo." Napalingon kami sa isa mga kaibigan ni Liam ng banggitin niya 'yon.

"Kung gusto niyong umuwi kayo na lang." Ani ko sabay lakad palayo sa kanila.

"Sandali!"

Tuloy-tuloy lang ako. Kailangan kong makarating sa gate nito. Alam kong nakasunod pa rin sila sa akin. Ilang puno at sanga ang nilusutan ko para lang makapunta lang sa entrada. Bawat hakbang ay rinig sa buong paligid. At sa wakas ay bumungad sa aking muli ang malaking gate na nakita ko noong gabi.

"Z-zeke." Tawag sa akin ni Liam.

"What?" Walang gana kong tanong.

"H-hindi kaba natatakot na pumasok diyan?" Kabado ngunit wala naman akong panahon para pakalmahin sila. Una sa lahat, sinabihan ko na silang 'wag nang sumama sa akin pero ang kukulit. At pangalawa, hindi ko naman kasalanang nadala sila sa mga sinabi ko.

"Free to go pero maiiwan ako." Naiiling akong nagpatuloy pagkatapos. Sinipat ko rin ang kabuuan ng gate. Saan kaya puwedeng umakyat dito. Walang pasabi akong lumapit saka kinalikot ang panarado na naroon. Nakakapag taka, bagama't may kandado pero hindi naka lock. Halos puro kadena lang ang nagsisilbing panara. Kaagad na nangunot ang noo ko sa nakita. Sa pagkakaalam ko wala itong kahit anong kadena na nakalagay noon. Kaya mas lumakas ang loob ko na pasukin ang bakuran.

"S-sandali naman--" rinig ko na tawag nang kung sino. Wala na akong pakialam sa paligid ko maliban sa kagustuhang makapasok sa loob.

"H'wag kang maingay," Pigil hininga kong inalis ang padlock. Naglikha pa nang ingay ang mga kadenang nakapulupot doon. Daha- dahan kong itinulak ang gate dahilan para unti-unti rin itong magbukas.
Naglangit-ngit rin ito siguro dahil ay puro kalawang na. Nang makapasok kami ay yumakap sa amin ang malamig na simoy ng hangin.

"Wow," Tanging lumabas sa aking bibig. Nakakamangha. Bawat apak namin sa tuyong bermuda grass ay gano'n din ang kaba na nararamdaman ko. Halos hindi na rin huminga ang mga kasama ko ngayon. Sana buhay pa sila. I smirked.

"Ang laki pala talaga ng bahay. Tignan niyo may fountain pa." Sabay turo sa kabilang bahagi. Tama nga. Kaya lang puro kalawang na rin. Wala na ring tubig na lumalabas. Nang makarating kami sa napakalaking pintuan.

"Handa na kayo?" Tanong ko sa kanila.

"S-sigurado ka ba rito?" Kabadong tanong ni Liam sa akin. Hindi ko na siya sinagot pa at bagkus ay binuksan ko nalang ito. Mula sa loob wala kaming ibang nakikita kun'di— Madilim. Sobrang dilim. Papasok na sana ako pero may kumapit sa braso ko.

"Ano ba yon, ha?" Inis kong baling sa kanilang tatlo. Peste
Bakit ba kasi isinama ko pa ang mga 'to?

"Z-zeke." Tawag nila sa pangalan ko. May tinitignan sila sa loob ng pasilyo ng bahay.

Behind The Story Of HerWhere stories live. Discover now