Chapter 16

258 17 1
                                    

Chapter 16

"At iyong boss namin dito ay sobrang kuripot! Kaya kahit na sobrang gwapo at madatong ay wala paring jowa." A woman older than me, for like five years, said.

Kanina pa ako nakarating sa boutique na sinasabi ni Star, and this woman welcomed me. Akala ko nga nung una ay siya ang may-ari, pero isa pala sa mga taga-linis dito. She made me sit here just right beside their boss' office, bawal daw kasi pumasok. I just asked her what time her boss probably will arrive, and then she keeps on blabbering nonstop. Mukhang may balak pa akong tabihan nito.

"Nagagalit nga iyon kapag nakakalimutan naming isara ang mga ilaw bago umuwi dahil sayang daw ang kuryente, tapos sa tuwing may pupuntahan siya ay madalas nagpapasundo pa sa mga kaibigan para makatipid ng gas!" She added while wiping the floor in front of me, kanina pa siya dyan, hindi umaalis. Sobrang kinang na nga ng tiles na nasa harapan ko, eh.

I'm not really interested at first, but hearing that this woman seems to be not that fond of her boss, awakened my curiosity. If this uhm, normal woman sees her boss like that, paano nalang kaya ako? And what if that boss won't like me? Edi matatanggal din ako ng wala sa oras?

But I'm still quite confident that I won't get fired, I already had work experiences and I can use that as my advantage. If ever he'll throw me out, I can reason my experiences out and as an aid of my ego. Natagalan ko nga ang sa ibang bansa, dito pa kaya? And so what if that boss won't like me? I don't need him to like me, I just need him to pay me good then I'll be a good employee.

Tumunog ang telephone sa may reception area kaya napipilitang umalis na ang babae. This boutique is for first class people I can tell, elites, and even the wanna-be's. Sobrang lawak nito, and the ambiance screams grace and wealth. Nakakabingig banta ng maaring pagka-ubos ng pera kumbaga. May iilang mga nakadisplay na mga damit na nasa mannequin, and it is well-made, finely made, I have seen so many clothes but the designs of his collections are unique and very eye-catching. Sobrang galing ng may gawa, ng may-ari nitong boutique.

Nag-iisang branch lang ito sa buong bansa, hindi dahil sa hindi ito sikat kundi dahil ayaw mismo ng may-ari na mag-expand. Ang sabi pa nung babae kanina, na ang maaring dahilan ng boss nila ay may hinihintay ito, it's not really detailed kaya medyo hindi ko maintindihan.

I looked around the area again, kahit ilang beses ko nang inikot ang paningin ko sa kabuuan ng lugar, ay hindi parin ako nagsasawa. Sobrang maaliwalas kasi at nakakarelax sa mata. The place is more of gold and white. The chandelier's light is warm. The floor on the center is  covered by a huge circular carpet. There are also paintings on the wall, that shows some sketches and abstracts. Air conditioned ang buong silid. Sobrang organized at linis ng paligid, even the smell is expensive.

"Madam Untal, pasok na raw kayo sa loob at doon niyo nalang po hintayin si Sir." The woman said, bigla ay para itong nahiya at magalang.

Didn't she just told me that her boss doesn't want anyone to be inside his office? Is she... trying to sabotage me?

"Pero sabi niyo po kanina na bawal?" Hindi ko na napigilan ang magtanong.

Humugot ito ng malalim na hininga, "kanina po iyon, Madam, nabago na po ngayon," hinila ako nito patayo, "tara na po."

She guided me inside the office, hindi siya pumasok, hanggang sa labas lang siya ng pintuan. She gave me a smile before closing the door. Napatanga ako sa pinto, what am I going to do here? At bakit dito pa? Pwede namang sa labas lang ako?

Is she sabotaging me? But what if it's the real boss' order?

I sighed, I can't complain, I shouldn't. Wala akong dalang kahit na ano, no resume, no biodata. Wala naman kasing sinabi si Star. At isa pa, the owner of this botique is her friend. I'm sure I won't be needing those.

Heartbeats Don't Lie (Will You Believe?) (Fame Series 8) ☑Where stories live. Discover now