Summer

2 0 0
                                    

"Bangus! Bangus! Bangus!!!"
"Tilapia! Tilapia! Tilapia!!!!"
"Mga anti, bili na kayo ng prutas!!!!!!!"
"Oh gulay kayo dyan!! Mura na lang!!!!"


Yan ang mga karaniwang naririnig pag nasa palengke ka. Oo nasa palengke at isa ako sa mga sumisigaw para mapansin ng mga bumibili dahil kapag di kana magpapaagaw pansin ay wala ka nang ma aattract na bibili ng iyong paninda.

Ganito na ang nakasanayan kong trabaho tuwing summer at ngayon ay bakasyon na naman kaya madami akong oras upang tumulong kay mama sa pagtitinda ng mga gulay habang si papa naman ay nagtatrabaho sa bangko na malapit-lapit nang mabankrupt ngunit patuloy parin sa pagtakbo ang bangkong iyon.

Nag-iisang anak lang ako kaya kung mayroon mang makakatulong sa aking magulang ay ako lamang, gustuhin ko mang magkaroon ng kapatid upang may kasangga at  may katulong ako sa negosyo naming magpatakbo ay hindi ko magawa sapagkat ng ipanganak ako ni mama ay sunod siyang nagkasakit at ang malala ay hindi na siya kailanman magkakaroon ng anak dahil may tumor ang kanyang mattress ay kinakailangang operahan at tanggalin ito kaya nagpaopera nalang si mama dahil makakalala lang sa kanyang kondisyon kung ipagpapatuloy niya pa ang panganganak.

Kahit na ganoon ay naiintindihan ko sila, wala naman akong magagawa kung di man nila ako mapagbibigyan sa aking kahilingan na magkaroon ng nakababatang kapatid dahil sa naging sakit ni mama.

Ang mahalaga ay maging masaya kami sa kung ano man ang meron kami at hanggat makakaya ay mag-aaral ako ng mabuti upang sa ganoon ay masuplihan ko ang mga naging sakripisyo ng aking magulang.

Baka nakakalimutan ko pala, may kasama akong asungot sa aking buhay at ito ang nakababata kong kaibigan na si Moneirre De Lapaz or Manie for short.


Di na ako malulungkot at mahihirapan dahil sa kaniya, mahilig kaya ito sa asaran tapos kapag ginantihan mo naman e sobrang matatampuhin at ang hirap suyuin kaya di ko nalang yan pinapansin kapag umatake na naman iyang pagiging baliw niya, ang hirap niyang intindihin, baka kasi pinaglihi ni Aling Annie sa sama ng loob hahahahaha.



Pero kahit na ganoon siya, mapagkakatiwalaan siya at halos lahat ng kapitbahay namin ay kilala siya dahil sino ba namang hindi kung isang basketball player kapag liga, matangkad, moreno, matangos ang ilong, at matulungin sa kapwa.


Sabi nga ng mga dalaga dito sa amin ay complete package na daw siya ngunit di nila alam na kabaliktaran naman ang ugali kapag kaharap ko siya kaya napapailing nalang ako kapag may ganyang komento sa kanya.


Bago ko makalimutan, ako nga pala si Percya Castro at Pera for short, kasalukuyang nagbabantay sa aming pwesto dahil araw-araw ay madaming namamalengke at halos ito na ang nakagawian kong routine sa tagal tagal na ba naming nag nenegosyo nang ganito ay halos kilala ko na lahat ang mga tao dito sa palengke dahil bukod sa magagandang quality ang aming paninda ay may napakagandang dyosa na nagbabantay dito at ako lang naman iyong nag iisang dyosa dito dahil karamihan sa mga naglalako ay puro matatanda na.


Kidding aside, kaya ako ang nagbabantay sa aming pwesto ay upang makapag pahinga rin si mama dahil kapag busy naman ako sa aking pag-aaral e halos siya naman ang nagbabantay dito.



Di namin mabitawan ang negosyo naming ito sapagkat dito kami kumukuha ng pangpinansiyal sa pangaraw-araw namin dahil ang sahod lamang ni papa ay kasya lang para sa aking tuition dahil sa pasukan ay magiging third year college na ako at ang kursong aking natipuhan ay ang HRM dahil kung di ko pa nababanggit ay magaling akong magluto at nakahiligan ko na ito.



Kung mayroon mang makapagsasabi kung ano ang tingin sa akin ng mga tao, ay magaling at mahusay magluto.



Maganda na rin yon dahil isa pa nagtitinda kami ng gulay at kaya magandang quality ang aming binebenta ay dahil pinipili namin talaga ang aming mga gulay at ilan pa sa mga ito ay naggaling talaga sa aming farm.



Kaya tiyak kong masarap at masustansya ang aming produkto.

Ganon rin kina Manie dahil isa rin silang producer ng mga isda at nagtitinda sila kaya alam namin kung ano ang magandang produkto na aming binebenta.


Habang gulay ang sa amin, kina Manie naman ay isda kaya may fish pond sila at parehas pa pala kami ng nakuhang kurso.


Naalala ko noong bata pa kami ay mahilig kaming maglutu-lutuan nila Manie at Nette na nakababatang kapatid niya.



Nagluluto kami noon ng mga dahon at ang ginagawang palayok namin ay ang mga bunot o kaya'y lata ng sardinas, naalala ko pa noon na mangiyak ngiyak na ako dahil naipahid ko pala ang sili sa aking mukha dahil ang lokong Manie, binigyan ako ng sili imbes na bulaklak ng gumamela e ako rin namang si tanga na kinuha nalang iyon basta basta sa pag aakalang yun yung pinapakuha kong sangkap sana ng lulutuin namin kaso yun nga, nag kaaberya kaya sinumbong ko siya kay anti Annie at napagalitan ng todo dahil paano daw kapag nakakasira pala ng mata ang naipahid ko e di nasira na ang maganda kong mata, kaya wala nang nagawa si Manie kundi magkamot nalang ng ulo at panay ang sorry sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Palengke Series 1Where stories live. Discover now