Kabanata 6

79 4 18
                                    



I passed all my exams.

Isang mahabang buntong hininga ang ginawa ko. Nagbunga ang ilang gabi kong pagpupuyat sa kaaaaral. Buti na nga lang ay hindi ko nakatulugan ang mga pagsusulit. Hindi biro ang antok ko habang nagsasagot.

"Ang hirap naman kasi kumopya kay Hichasen sa kanya lagi nakatingin 'yung proctor!" Yula complained while applying tint on her lips.

"Okay lang ba?" hinarap niya ako at inginuso ang labi.

I smiled a little and nodded.

"Sabi na e bakla 'yun si sir, e." One of our classmate said.

"Wala namang masama do'n pero sana lang huwag siyang masyado nagfocus kay Chase hindi man lang ako tuloy ako nakapagtanong kahit isang number lang! Natapat pa talaga na siya ang proctor natin sa math, hmp!"

"Gwapo kasi e," Layla giggled.

"Si Andreign din sobrang pogi crush na crush ng ate kong college!" sumulpot ang ulo ni Jela habang nagsusuklay ng buhok.

"Babaero naman 'yan si Dreign," Yula hissed.

"Bakit parang bitter ka?"

"Pwede ba Jela? Ako? Duh!"

Nagpatuloy sila sa pang-aasar kay Yula maging ang iba naming kaklaseng lalaki. Pa minsan minsan ay nakikitawa rin ako dahil pikon na pikon si Yula.

"Aminin mo na Yulana crush mo si Cortez!" si Jared na tuwang tuwa sa reaksyon ni Yula.

Jela raised her hand. "Sige na ako na aamin! Crush ko si Leo!"

Ang ngiti ko sa kaninang asaran ay unti-unting naglaho.

"Ako rin! Siya talaga tinititigan ko lagi hindi nakakakasawa," another female classmate joined the discussion.

"Sorry na lang guys pero may gusto na si Leo." Yula smiled wickedly.

Hindi ko alam pero awtomatikong umangat ang kamay ko para palihim na hilahin ang  blouse ni Yula. Nilingon niya ako, nang-aakusa ang mata pero may ngiti sa labi.

"Hala! Coli bakit mo hinihila ang blouse ko!" gulat na gulat niyang bulalas.

Our classmates all turned to me.

"Baka crush din ni Coli si Leo?" Layla concluded.

Namilog ang mata ko. I shifted on my seat then moved my hands forward to strongly disagree.

"H-hindi! Wala akong crush!"

The girls looked at each other while the boys went silent. Napalunok ako.

"O bakit nanahimik kayo? Disappointed kayo no? Matagal na kayong walang pag-asa kay Coli uy!"

Lance smirked. "Hindi naman daw niya crush si Leonel, ah?"

Nilingon niya ako at ngumiti.

Lance approached me at my very first day here. Araw araw niya akong nilalapitan noon para alukin na sabay mag lunch at umuwi. And of course, I'd decline him everytime. Until it was already making me uncomfortable. I confronted him. Simula no'n ay minsan na lamang niya ako kausapin. But he remained vocal about his feelings.

"Hindi crush ni Coli si Leo?" may biglang sumigaw mula sa pintuan ng classroom.

Nakita kong tumayo si Hichasen kaya't nakumpirma ko kung kaninong boses iyon. Kinagat ko ang labi at itinago ang ulo sa likod ni Yula na nakaupo sa desk ko.

"Andreign, crush ka raw ni Yulana!" pambungad ni Jared.

"Alam ko." maangas na tugon ni Andreign

"Ano ba! Imbento ka talaga no?! At ikaw Andreign napakahambog mo! Feeling!" Yula said hysterically.

Heartful WhispersWhere stories live. Discover now